CHAPTER 24 Testing

1.4K 51 6
                                    

Shielle POV

Nagising ako at naligo na. Lumabas ako ng kwarto para puntahan si Hayi pero mukhang naunahan niya ako sa pag gising at pag kilos

"Oh bakit ang sama na naman ng mukha mo kahapon pa iyan"sambit niya sa akin

"Wala"iyon lamang ang sabi ko at lumabas na ng dorm

Paano ba naman makikita ko na naman ang letseng lalaking yon! Aasarin niya na naman ako!

Habang naglalakad ay nililingon ako ni Hayi dahil raw sa itsura ko. Nakabusangot ako dahil sa lalaking iyon

Pagkarating namin sa klase at nandoon na sila ate Milla at nakapwesto na sa kaniya kaniyang upuan

Umupo ako sa upuan ko. Ang akala ko ay nasa likod ko siya pero wala pa

"Hintay ka lang nandiyan na iyan maya maya"saad ni Hans na may pang aasar na ngiti. Tinarayan ko lamang ito

Alam na ni Miss Gwen na narito na kami dahil pumunta sila Primo sa office ni miss para ipaalam at sinabi na rin niya sa amin na pumasok kami kinabukasan sa aming klase

Ilanh sandali pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang walang ekspresyong si Primo

Nang makita niya ako ay ipinakita nito ang mapang asar niyang ngisi kaya tinarayan ko ito

Umupo siya sa dating pwesto sa likoran ko

May naramdaman akong hininga sa gilid ng pisngi ko kaya lumingon ako. Pagkalingon ko ay muntik na magdikit ang mukha namin ni Primo kaya agad ko itong hinampas

"Ano ba?!"inis na sabi ko

"HAHAHAHA ang kyut mo talaga"tumatawa siya habang sinasabi niya iyon. Yung tawa niya!!!!

Ramdam ko pamumula ng pisngi ko kaya humarap na lamang ako sa harapan

Nakaramdam ulit ako ng presensya ng tao sa gilid ko kaya di na ako nagdalawang isip na hampasin ito

"Arayy!!"ayy shittt hindi si Primo iyon!

Pagkalingon ay bumungad sa akin ang nakahawak sa balikat si Cosmo

"Ayy shitt! Sorry! Sorry! Akala ko kasi yung lintek na iyon eh"turo ko kay Primo na nakangiti

"Ang sakit ah!"pagkasabi niya nun ay biglang lumapit ang nag aalalang ate Milla

"Anong nangyari?!"tanong nito

"Eh kasi si Yielle hinampas ako! Ang sakit nga eh"parang batang sumbong ni cosmo kay ate milla.

Hinimas himas ni ate Milla ang mukha ni cosmo na nakangiti sa akin bago hampasin ni ate milla ang mukha nito

"Aray naman babe myloves ang sakit!"inda nito

"Ang OA mo kasi eh di naman iyon masakit"

"Masakit kaya! Si Yielle kasi eh"nakangusong sumbong nito

"Eh sino ba kasing may sabi na pumunta ka sa gilid ko"inis na sambit ko rito

"Para sa iyong kaalaman Miss YIELLE ang layo ko ho sa iyo,ikaw lang tong nanghahampas bigla bigla"depensa nito na ikinanguso ko

"Eh akala ko nga si primo kaya nahampas ko"nakangusong sabi ko

Magsasalita pa sana siya ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Miss Gwen

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon