CHAPTER 13 Golden Book

1.6K 59 9
                                    

Hayi POV

pabalik na kami ngayon sa dorm pero itong si Yielle nakabusangot pa rin dahil daw sa pang aasar ni Primo sa kanya

Sino ba namang hindi aasarin. Lutang na nga matakaw pa HAHAHAHA

Pero may napansin ako kay Primo nung dumating Si Yielle

Lagi na siyang tumatawa di tulad dati na kahit pag ngiti hindi niya magawa

Lagi siyang natingin kay Yielle tuwing ngumingiti ito o tumatawa o di kaya pag hindi siya natingin

Napansin na rin nila ate Milla ang pagbabago ni Primo. Kung dati walang nagpapangiti sa kaniya ngayon meron na

At ang matindi kaibigan ko pa

Pero masaya ako dahil sa pagbabago ni Primo. Dati na maikli lang pasensya ngayon medyo humahaba na hihihi

Mukhang may bago na naman kaming love team ah. Kelan kaya ako makakahanap ng saken?

"Ano ningingiti ngiti mo jan?"nagulat ako sa tanong ng nakabusangot na Yielle

"Wala naman, may naisip lang hehe"yun ang tangi kong nasabi

Dahil pala sa iniisip ko napangiti pala ako hehe. Nakakatuwa lang kase may gamot na sa pagiging masungit ni Primo

Ilang hakbang pa ang hinakbang namin ay nakarating na kami sa dorm. Binuksan ko ito at dumeretso sa kwarto ko

Naligo ako at nagbihis, nagsepilyo bago lumabas ng kwarto

Umupo ako sa sofa na nakaharap sa pinto ng kwarto namin. Kumuha ako ng libro sa gilid ko at binasa ko ito

**********

Cosmo POV

Naglalakad kaming lima ngayon papuntang Library dahil sabi ni Milla my loves na may nakita raw siyang isang gintong libro

Pero habang naglalakad hindi ko maiwasang lingonin si Milla my love Hehehe

Ang ganda niya talaga. Mula sa mga mata nito,sa haba ng pilik mata,sa tangos ng ilong, sa straight na buhok, sa pula ng labi at sa kinis ng balat hehe ganda niya

Mukhang naramdaman niya na nakatingin ako sa kaniya kaya lumingon siya at ngumiti ako pero tinarayan niya lamang ako

^_^

"Milla sigurado ka na sa library mo nakita iyon?"tanong ni Elown habang naglalakad

"Oo sigurado ako, ang bigat nga eh hindi ko makuha"sagot naman ng aking my loves

Nakarating kami sa library at agad na pumasok si my love,sumunod naman kami sa kaniya

Pumunta siya sa pinakadulo na nakahelerang mga libro. Luma na ang mga nandito dahil puro alikabok na ang nakabalot

Sa pinakadulo natagpuan namin ang sinasabing ni my loves na gintong libro

Agad kong kinuha yun ngunit ang bigat hindi ko kaya. Tinulungan ako ni hans pero hindi namin na kuha

"Ano ba itong librong toh napakabigat!"reklamo ni Hans

Nagtulungan na rin kaming lima ngunit umurong lamang ito pero hindi pa namin nakukuha

"Siguro bawat pahina rito ay ginto rin!"sabi ni elown habang hinihila ang libro

"Napakabigat naman ata nito!"

"Ano ba kasing laman nito?!"

"Kailan natin makukuha toh?!"

Nangangalay na kami habang hatak hatak ang libro kaya nagpaghinga muna kami saglit. Hihilain na sana namin ang libro ulit ng may magsalita sa likod namin

"Ang gintong libro kung saan nakasulat ang detalye ng bawat Goddess. Mahirap kunin kung hindi niyo sisilipin ang pinagpatungan"napalingon kaming lahat sa nagsalita. Ang librian

Sinilip naman agad namin ang pinaglagyan ng gintong libro. May nakalinyang gintong kadena na nakalock

Tinanggal namin ito gamit ang kapangyarihan at sa wakas nakuha na namin. Magpapasalamat na sana kami ng bigla ulit itong magsalita

"Walang anuman"iyon lamang at umalis na siya

Agad kaming nagtinginan na parang ewan

"Yun lang pala yon"

"Bwisit hirap na hirap tayo tapos yun lang pala ang dahilan"

"Psh kung buksan na natin para makita na natin ang nasa loob"suhesyon ni my loves

Kinuha namin ang libro at inilagay sa bakanteng lamesa

Binuklat ni Elown ang Libro at nakasulat rito ang The Goddess sa unang pahina

Inilipat niya ulit ito sa susunod na pahina at binasa ang nakasulat

"The Fifth Goddess, Si Viara Delania"panimula nito sa pagbasa "Siya ang may hawak ng kontrol ng Panahon. Siya ay anak ni Haring Vicente Delaria at ni Reyna Dara ng Klima Palasyo"may larawan ng ikalimang Goddess sa ibabang parte at ang marka ng ulap

Binuklat niya ulit ito sa isang pahina at binasa "The Fourth Goddess, Alliyah Sarena. Siya ang May Hawal sa kapangyarihang pagpapalutang. Siya ang anak ni Haring Dalo Sarena at Reyna Riya Sarena ng Flota Palacio"may larawan ni Goddess alliyah pinakababa at ang marka ng nakalutang na isang dahon

"Sumunod ay ang kapatid ni Primo. Ang third Goddess, si Perno Leander. Siya ang may hawak ng apat na kapangyarihan. Ang apou,hangin,lupa at tubig. Siya ang panganay na anak ni Haring Rivon Leander at Reyna Leasara Leander"may larawan ng kapatid ni Primo sa ibabang bahagi at ang marka ng mundo

"The second Goddess, si Goddess Leo Alegria. Siya ang may hawak sa itim na kapangyarihan. Siya ang pangalawang anak ni Haringh Raquim at Reyna Lierra"may larawan rin ni Goddess Leo sa ibaba at ang marka ng buwan

"The first Goddess, si Goddess Liro Alegria. Siya anh may hawak sa puting kapangyarihan. Siya ang kuya ni Leo na panganay na anak ng hari at Reyna"may larawan ng unang Goddess sa ibaba at ang marka ng araw

"The last and the powerful, HAHAHA. The Goddess Glory, si Adiya Alegria. Siya ay may kapangyarihang gayahin at kontrolin ang kapangyarihan ng iba.wow sya pala ang pinakamalakas. Siya ang nakakuha ng parehong itim at puting kapangyarihan ng kaniyang mga magulang. Siya ang bunsong kapatid ng una at pangalawang Goddess at siya ang bunsong anak ni Reyna Lierra at Haring Raquim"ngunit nakakapagtaka dahil walang larawan sa ibabang bahagi

"Teka,bakit wala man lang larawan?"nagtatakang tanong ko

Binuklat pa ito ni Elown sa pinakadulong bahagi ngunit walang ibang laman kundi isang marka. Marka ng araw at buwan na pinagkaisa

"Siguro ayaw ipakita sa atin ang Goddess Glory"

"Sayang"sabi ni elown sabay sarado ng libro "teka guys"taka namin siyang tiningnan

"Sa librong ito, lumalabas lamang ang larawan kapag iniharap na rito ang marka na nagpapahiwatig na siya ay isang goddess."

"So ibig sabihin hindi pa inihaharap si prinsesa adiya sa libro?"takang tanong ni hans

"Siguro...."pambibitin ko

"Siguro..ano?!"sabay na tanong nila

"Siguro hindi siya si adiya HAHAHAHA"Pagkasabi ko ay agad nila akong binatukan "aray!"

"Tsh puro ka kalokohan!"sabi ni my loves sabay alis

**********
A

witism

Hello

Continue and enjoy reading!🥺❤

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon