CHAPTER 26 Her Black Gown

1.4K 58 0
                                    

Shielle POV

Dalawang linggo na ang nakalipas nang pasubukin kami ni Miss Gwen gumamit ng pana

At dalawang linggo na rin akong naiinis sa presensya ng lalaking iyon!

Minsan nagsusungit! Minsan nang aasar! Anong trip nung lalaking iyon

Kanina ay inaannounce sa amin na kinabukasan na raw ng gabi ang kaarawan ng reyna kaya maghanda na raw kami

Nagpaalam si Hayi na pupunta raw siya sa dorm ni ate Milla at ate elown dahil pipili raw siya ng susuotin niyang gown

Ang sabi niya ay sumunod na raw ako agad para mapilian na nila ako ng susuotin

Imbis na pumunta sa dorm nila ay natulog na lamang ako dahil sa antok na rin ako

Nagising ako pero ng wala pa si haring araw pero may liwanag na nakatapat sa mukha ko. Pagmulat ko si Hayi kasama sila ate Milla at ate elown

"At hindi ka talaga nagbalak na pumunta noh?!"sarkastikong saad ni Hayi habang nakapamewang

"Eh naantok kasi ako kanina kaya ayon nakatulog ako"nakangusong pagpapalusot ko

"Naku naku naku alam kong tinatamad ka lang pumunta kaya huwag ka nang magpalusot!"hehehe kasi...

"Ehh kung pwede lang hindi dumalo, hindi talaga ako dadalo"saad ko

"At bakit naman?! Hindi pwedeng kasi ayaw mo lang"paano ba ako kakakalusot rito sa babaeng toh

"Eh kasi..... masakit katawan ko pati ulo ko ehh"kunyaring pagpapaawa ko

"Tse! Marunong kang pagalingin ang mas malalang karamdaman ng ibang tao pero sarili mo hindi?! Huwag mo akong lolokohin Yielle tumayo na riyan at simulan mo na magsukat roon!"mukhang hindi ako makakalusot rito

Nakangusong sumunod ako sa kanila patungo sa dorm ni ate milla at ate elown

Pagkapasok namin sa isang kwarto sa loob bg dorm nila ay puno ito ng iba't ibang desenyo at kulay

Pinapasok ako ni Hayi sa isa pang pinto ay iniabot sa akin ang lahat ng gown para raw isukat

Isinukat ko ang dilaw at lumabas. Maganda namab daw pero masiyadong matingkad

Sinukat ko rin ang kulay asul at kayumanggi bago lumabas. Tulad ng kanina ay pinabihis na naman nila ako

Huli kong sinuot ay ang kulay itim. Pagkalabas ko ay parang namangha sila sa itsura ko

"Ano? Okay na ba ito? Ate elown, ate milla at Hayi ano na?"tanong ko sa kanila

"A-ang ganda mo Yielle"sambit ni Hayi

"Oo nga Yielle para kang anghel na nagmula sa dilim"natawa ako sa sinabi ni ate milla

"Ang ganda mo Yielle! Bagay na bagay sayo!"natawa naman ako sa aksyon at pagsabi ni Ate elown

"Bakit niyo nga pala kami tinatawag na 'ate'?tanong ni ate elown

Tinuro ko si Hayi bago ako magsalita

"Ginaya ko lang siya hehe"sambit ko

"Nakakatawa ka talaga! Yan na susuotin mo para bukas ah pumunta ka rito aayusan ka namin"napatango naman ako bago ihubad ang gown at ibalik sa nilagyan

Bumalik kami Ni hayi sa dorm at itinuloy ko na lamang ang pagtulog ko


*********

Cosmo POV

Hindi pa rin ako makapaniwalang gusto ako ni Milla myloves hehehe

Tuwing inaasar ko siya tungkol sa sinabi niya ay namumula siya na parang kamatis at dahil doon napapangiti ako

Naalala ko rin ang paghalik ko sa kaniya. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko na rin ang labi ng babaeng minamahal ko

Naghahanda kami ngayon ni master at hans para sa mangyayaring pagdiriwang mamaya

Nakangiting nakaharap sa salamin si hans na parang poging pogi sa sarili

"Kahit anong harap mo ako pa rin ang makikita mo"pagpapalakas ko ng hangin

"Di ka naman pogi!"matapang na sagot nito

"Magsisimula na naman kayong dalawa!"napatingin kami sa nakangiting master

"Master bakit lagi ka na lang nakangiti?"kuryos na tanong ko

"Masama bang ngumiti?!"dapat pala di na lang ako nagtanong!

"Hehe hindi naman"pag pepeace sign ko

"Syempre dahil nalunasan na ang kasungitan"bulong sa akin ni hans na ikinatawa ko

"Psh bulungan pa kayo eh naririnig ko! Tara na nga lumabas na tayo"lumabas si master at sumunod naman kami

Habang naglalakad ay rinig ko ang bulungan ng iba

"Nakita ko siya kanina tumatakbo"

"Ang ganda niya! Para siyang anghel na galing sa dilim"

"Oo nga! Kung hindi lang siya narito iisipin kong isa siya sa matataas"

"Hindi ako makapaniwalang ganon ang itsura ni Yielle kapag nagsuot ng magandang damit"

Napatingin kaming dalawa ni hans kay master dahil napangiti ito. Nagsubong ang tingin namin ni hans at ngumisi

Rinig ko rin ang hiyawan at tilian lalo na ang mga babae dahil sa pagdaan namin.sorry na gwapo lang hehe

Nakarating kami sa karwaheng sasakyan namin papuntang goddess palacio ngunit wala pa ang mga babae at tanging si sebastian lamang ang narito sa loob

"Ay wala pa sila"saad ko na binara agad ni master

"Anjan na oh ayan nakaupo"turo niya sa bakanteng upuan. Aba nagiging sarkastik na rin si master! Iba talaga epekto ng isang Yielle

Ilang sandali lang ay nakita ko ang pagngiti ni Hans habang nakatingin sa kung saan

Napatingin ako kung saan siya naka tingin

Si elown naglalakad papalapit sa amin. Suot niya ay kulay asul Gown. Sa bawat gilid ay may kulay gintong desenyo. Nakatingin lamang ito sa dinaraanan nila

Napatingin ako sa likod nito at kita ko si Hayi na nakakulay kayumangging gown. Ang ganda niya rin pero mas maganda ang nasa likoran niya

Naglalakad ang naka kulay pulang binibini ko hehe. Bagay na bagay sa kaniya ang gown na suot niya

Nang makalapit sila ay inalalayan ni hans si elown, si sebastian kay hayi at saken si Milla

Napatingin kami sa kanila na may halong pagtataka

"May kinuha raw saglit"nakuha nila ang nais naming itanong kung nasaan si Yielle

Nakaalis na ang ibang karwahe patungo sa palacio

"Bakit ang tagal niya?! Alam ni-"hindi natuloy ni Primo ang sinasabi ng maestatwa ito na parang may kung anong nakita

Napalingon kami kung saan siya nakatingin. Anghel?!! Ay hindi! Si Yielle!

Tumatakbo siya patungo rito suot ang kaniyang kulay itim na gown. Ang ganda niya super

Nang makalapit ay lumapit siya sa nakaestatwang Master habang nakatingin sa kaniya

"Hoy!!"hindi pa rin nagsasalita si Primo kahit ilang beses na siyang tawagin ni yielle at tanging mata lamang nito ang nagalaw

Nagsitawanan kami sa aksyon na ginagawa nito



*************

Support me guys😘

Vote and leave a comment❤

Continue and enjoy reading❤💖alabyu

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon