CHAPTER 30 Sit Beside Him

1.3K 53 2
                                    

Keihayi POV

Limang araw na ang lumipas noong kaarawan ng reyna at ang nangyaring insidente kay Yielle at Primo

Tuwing binabanggit namin ang nangyari ay namumula siya na parang kamatis kaya lalo kaming natutuwa

Hindi pa rin nila alam na kami ang may kagagawan sa nangyaring insidenteng iyon

"Anong ningingiti ngiti mo diyan?!" Tanong ni yielle habang naglalakad kami patungo sa klase

"Naaalala ko na naman kasi yung nangyaring insidente noong kaarawan ng reyna" pang aasar ko at ngumiti

"Insidente na yun! Hindi naman sadya yun eh! Saka wag mo na ngang ipaalala nabibwesit ako sa lalaking iyon! Inaasar pa ako!" Galit at tuloy tuloy na saad niya ngunit namumula ang pisngi

"Eh hindi naman iyon ang tinutukoy ko eh. Yung insidenteng nadulas ang Prinsesa Adiya!" Pabalik na pag sigaw at pag sisinungaling ko

Bago kasi kami umalis. Tumayo ang Prinsesa at akmang lalapit at yayakap kay Primo ngunit bigla itong natumba

Hindi namin matukoy kung nadulas o pinatid ito. Ang lakas ng tawa ni yielle non na parang siya ang may gawa

Hanggang sa pag uwi ay hindi na papawi ang tawa niya samantalang kami ay dagli dali naming tinulungan ang Prinsesa

Nakakapagtaka dahil imbis na mag alala ang Reyna at dalawa nitong kapatid ay tumawa lamang ito

Mas nag alala ang Hari at Yung babaeng hindi namin kilala pero mukhang kapatid ng Reyna dahil magkalapit ang mga Mukha nito

"Tsh bahala ka diyan" yun lamang ay biglang nauna maglakad

"Hoy weyt lang!" Sigaw ko at humabol sa kaniya pero sadyang mabilis siya maglakad

Dapat pala di ko na ginalit Hehehe!

Pagkarating namin ay nandoon na ang mga legends. Nakita ko rin na may nakaupo sa upuan ni Yielle si Saina at ginugulo si Primo

Lumapit kami at napatingin sa amin si Saina

"Upuan ko yan baka gusto mong umalis?" Naiinis na tanong ni Yielle

"Sorry ka ako na nakaupo dito! Ikaw ang lumipat!" Mataray na saad ni Saina

"Alis!!"

"Ayoko!"

"Alis sabi!"

"Ayoko nga sabi! Kung gusto mo doon ka sa gitna pumwesto!!"

Naiinis na si Yielle dahil sa mga sinasabi ni Saina at Tawa lang ng tawa sila Primo dahil sa itsura ni Yielle. Pero napalitan sila ng kaba ng biglang umiba ang kulay ng mata nito

Pati si Saina ay natatakot na rin ngunit hindi parin ito umaalis sa pwesto niya

Biglang tumayo si Hans at lumipat sa upuan ni sebastian. Lumipat naman si primo sa upuan ni Hans

"Alis sa-"hindi natuloy ang sigaw ni Yielle ng magsalita si Primo

"Dito ka"turo niya sa upuan niya

Nakatingin lang si Yielle na parang iniintindi ang sinabi

"Ayaw mo? Edi siya na lang"turo ni Primo kay Saina

Agad na tumayo si Saina at akmang lalapit malapit kay Primo ng bigla bigla ay gumalaw si Yielle ng mabilis papunta sa upuan ni Primo

Nainis na umupo ulit si Saina na ikinatawa namin. Si Yielle naman ay binelatan ito

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon