CHAPTER 15 Golden Ball

1.6K 54 3
                                    

Shielle POV

nagising ako sa ingay ng alarm ko. Agad akong bumangot at dumeretso sa banyo

Ginawa ko ang morning Routine ko. Naligo,nagbihis at nagsepilyo

Lumabas ako ng kwarto at pupunta sana sa kwarto ni hayi ng madatnan ko itong nasang salas nakaupo

"Ang tagal mo naman Yielle kanina pa ako rito"aba nagising lang ng una niyayabangan na ako

"Ngayon ka lang nauna nagising kaya wag kang magyabang" pabalik na pag yayabang ko

"Eto naman di na mabiro hehe tara na"

Pagkasabi niya nun ay nauna na siyang lumabas ng pinto at sumunod naman agad ako

Naglakad kami papuntang room para exercise. Nakarating kami sa room ng buo

Pagkapasok namin ay kaunti pa lamang ang estudyante at wala pa ang mga legends

Umupo kami sa upuan namin at doon naghintay. Maya maya lamang ay dumating na ang mga legends at umupo rin sa sariling upuan

Dumating na rin ang guro ngunit hindi para magturo kundi para mag announce

"Estudents! Ngayon ay hindi ako magtuturo. May ipapagawa sa inyo ang ating head na si miss Gwen" pagkasabi niya nun ay biglang sumulpot si Miss Gwen sa gitna

"Ngayon ay may ipapahanap ako sa inyo. Mayroong sampong gintong bola na nakatago sa gitna ng Pulang gubat. Paunahan makakuha sa bolang iyon" paliwanag ni miss Gwen "sumunod kayo sa akin"dugtong niya pa

Lumabas si Miss at sumunod kami. Naglakad kami palabas ng paaralan sa harap ng pulang gubat

Tinawag iyon na pula dahil pula ang kulay ng mga dahon ng mga puno rito

Maya maya lamang ay tumigil si Miss sa paglalakad sa harap ng isang kubo na mukhang luma pero malaki

Tumigil siya at humarap sa amin bago nagsalita

"Now estudents. Kapag nahanap niyo na ang gintong bola, dito kayo pumunta at ibigay niyo ito sa akin bago niyo ilista ang inyong pangalan rito sa gintong papel. Maliwanag?"

"Oo!" Sabay na sigaw nila. Hindi na ako nakisigaw, sayang laway ko

"Okay! Now you may go" pagkasabi niya ng huling salita ay umalis na kami at nagtungo sa pulang gubat


************
Gwen POV

Bakit siya narito? Anong ginagawa niya rito? Anong pakay ng isang mataas rito sa paaralang ito?

Isang araw nakaraan nakita ko ang reyna sa isang lugar na parang may tinatanaw sa isang bintana

Sino ang pakay niya rito?

Nawala ako sa pag iisip nang may isang estudyanteng dumating dala ang isang gintong Bola. Iniabot niya sa akin ang bola bago pumunta sa gintong papel upang ilista ang pangalan

Saina Quin, lightning Manipulator

Sumunod naman ang isang lalaki at isang babae iniabot rin sa akin ang bola

Sebastian Evein, gravity
Antonette Quiambao, steel manipulator

Sunod sunod na ang dating ng ibang estudyante kasama ang mga legends

Keihayi Poe, Shadow manipulator
Cosmo Rhett, Legendary Fire
Hans Grey, Legendary Air
Milla Willow, Legendary Land
Elown Lorelai, Legendary water

Sumunod naman ang kanilang Leader

Primo Leander, legendary Earth

Nilinga linga ko ang paningin ko dahil isa na lamang ang natitirang bola ang hindi nahahanap

Pero ramdam ko kung kanino o kung sino ang may hawak ng huling bola

"Lumabas ka na riyan! Ikaw na lamang ang hinihintay" sigaw ko at nilingon naman ako ng mga estudyante sa gilid ko

Lumabas na siya, si Yielle ang huling may hawak ng huling bola. Lumabas siya mula sa puno na kanina ko pa nararamdaman na may tao

Lumabas siya ng magulo ang buhok at nakanguso. May grasa sa mukha at ibang bahagi ng katawan

Anong nangyari sa batang ito?

********

Shielle POV

Kanina ko pa nakita ang bola pero nahihiya ako lumabas dahil sa itsura ko

"anong nangyari sayo bata ka?! Bakit ang dungis mo?" Parang nanay na Tanong sa akin ni Miss Gwen ng tuluyan akong magpakita

"Eh kasi po..... hindi ko po nakita na may bangin roon sa gilid kaya ayon nahulog ako kaya nadungisan ako dahil doon, wag niyo po ako sisihin yung bangin po may kasalanan"tuloy tuloy na paliwanag ko

"Aba yung bangin pa talaga may kasalanan"napanguso ako sa sinabi ni miss

"Opo"nakangusong sabi ko

Pinabihis niya muna ako kaya nagteleport ako sa kwarto ko at nilinis ang katawan. Nagteleport ako pabalik sa kubo kung nasaan sila

Pagkarating ko ay kinuha ni Miss ang gintong papel kung saan nakasulat ang mga pangalan ng nakakuha ng bola

"Saina Quin, Sebastian Evein, Antonette Quiambao, Kaihayi Poe, Cosmo Rhett, Hans Grey, Milla Willow, Elown Lorelai, Primo Leander at ikaw, Yielle Shiu. Kayong sampo ang nakakuha ng gintong bola. Pagkatapos ng klase niyo ay pumunta kayo sa office ko at doon natin pag uusapan tungkol sa mga nakakuha" pagkasabi niya nun ay biglang naglaho na parang bula

"Ayy di man lang nanghintay si Miss" kunyaring padabog na sabi ko

"May sinasabi ka?"hala akala ko nakaalis na siya

"Hehe wala po sige bye bye!"naglaho ako at nung naramdaman kong nakaalis na talaga si miss bumalik ako

Nagsibalikan na ang iba sa klase, tanging kaming nakakuha lamang ng bola ang narito

"Yes! Kasama si Primo"bulong ni Saina pero narinig ko

"So ano kung kasama mo?" Malditang sabi ni Hayi

"Syempre magbabonding kami" masayang sabi nito sabay apir kay Antonette

Napataray ako dahil sa sinabi niya. Napalingon naman kaming lahat ng magsalita si Primo

"Sorry Im taken"pagkasabi niya ay biglang bumagsak ang balikat ni Saina

Ha?! Sino?!

Kaniya kaniyang tanong rin ang mga kaibigan niya sa kaniya kung sino ngunit ang tanging sagot lamang nito ay iling

Nang matapos sila ay nag yaya na bumalik sa klase at agad kaming sumunod

Natapos ang klase ng hindi ako nakinig at tanging huni ng ibon ang pinakikinggan ko. Sarap kaya sa tenga

Sabay sabay silang lumabas upang pumuntang sa Office. Wow di man lang ako inintay

Naggteleport nalang ako papuntang office. Bahala kayo diyan, di nyo ko inintay!


**********

(A/N: wala lanh trip ko lang)

Continue and Enjoy Reading🤧❤ alabyu

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon