CHAPTER 9 Introduce yourself

1.8K 66 1
                                    

Shielle POV

Pagpasok ni Saina with her alalay ay nagling linga sila upang humanap ng upuan pero mukhang sa gitna nalamang ang walang nakaupo

Napatingin sa pwesto namin si Saina at agad na pumunta rito sunod sunod ang kanyang alaga

"Excuse me! Pwede bang umalis kayong dalawa riyan" kapal ng apog talaga neto

"Hindi pwede" sagot ko

"Grr kahapon ka pa! Nakakairita ka na"

"Ikaw din kahapon pa pero di ako nagreklamo"

"Pwede bang umalis nalang kayong dalawa riyan bago ko kayo gawing isang abo"

"Eh ayoko nga! Wala namang pangalan mo nakalagay rito edi ibig sabihin hindi mo ito pagmamay ari" ani ko habang kunyaring hinahanap ang pangalan niya sa lamesa

"Gagawin na talaga kitang abo!"sigaw niya sa akin habang gumagawa ng isang kidlat

Agad ako naghagis ng bato sa ere at bumagsak sa ulo niya

"A-ano yun?"takot na tanong niya

"Hulaan mo"pagkasabi ko ay bigla niyang iniangat ang kamay na balak kuhanin ang nasa uluhan niya "oppsss wag mong hahawakan baka malusaw ka"

"B-bato?"tumango ako "ito yung batong ginamit mo kanina kaya nalusaw ang mga halimaw h-hindi ba?"

"Yeahhh saktong sakto. Yan nga! Ang batong fierra"

"T-tanggalin mo yun kung hindi gagawin kitang abo"sinubukan niyang gamitin ang kapangyarihan niya "b-bakit hindi nagana ang kapangyarihan ko"

"Tanong mo sa bato"

Bigla siyang lumapit sa akin at akmang sasabunutan ako ng bigla ko rin itaas ang isang kamay ko at balak na ikumpas sa hangin

"Isang lapit mo pa ikukumpas ko na ng tuluyan ang kamay ko"natatawang banta ko

"Anong dapat kong gawin? Pakitanggal na nito"pagmamakaawa niya

"Mmmmmm......try mo lumuhod sa harap ko at humingi ng tawad"

"What!? No! Never!"

"Okay fine"

Unti unti akong lumapit sa kaniya ng siya ikaatras niya

"A-anong gagawin mo?"

Kinakabahang tanong niya. Kinuha ko ang batong nasa ulo niya na siyang ikinalaki ng mata niya

"HAHAHAHA hindi ito batong fierra. Isa lamang itong energy rock na dumidikit at tuwing gagamit ka ng kapangyarihan ay hinihigop lamang ng batong ito" natatawang paliwanag ko. Tumawa naman ang nasa paligid na nakarinig sa sinabi ko

"Nakakailan ka na talaga!"

Bumuo siya ng kidlat sa kamay niya at akmang lalapit sa akin ngunit napa atras rin ng itinaas ko ang totoong batong fierra

"Gusto mo totohanin ko sinabi ko?"pang aasar na tanong ko

"Grrrrrrr nakakainis! Tara girls dun nalang tayo sa gitna. Atleast naman kaklase natin si primo hindi ba"

Pagkatalikod niya ay bigla siyang natumba dahil sa mataas niyang heels na siyang mas ikinatawa ko

"HAHAHAHA uto uto na tatanga pa"

Tiningnan niya ako ng masama bago tumayo at naglakad kasunod ng kanyang mga alagang makakapal rin ang lipstick. Pumwesto sila sa gitna kung saan bakante

Bumalik ako sa upuan ko at saktong pagpasok ng guro namin. Nakita ko si Primo na sa bintana ang tingin na parang ang lalim ng iniisip

"Good morning class!"

"Good morning!"

"I am your history subject teacher! I am Christian Salvador but you can call me Mr. Salvador. Now students introduce youself. Start with you" turo niya sa studyanteng nasa pinakagilid sa unahan

"Jacky malukos, hearing voice"

"Next!"

"Kleven Banzuelo, electric manipulator"

"Aina Desengano, snow manipulator"

"Saina Quin, lightning manipulator"

"Sarah Masicap, trap maker"

"Antonette Quiambao, steel manipulator"

"Mary glaine Camintoy, plant manipulator"

"Cosmo Rhett, Legendary fire"

"Sebastian Evien, gravity"ani ng katabi ni cosmo na kanina pa tinitingnan ni Hayi

"Keihayi poe, shadow manipulator"

Its my turn "Yielle Shiu, matter manipulator"

"Milla Willow, legendary land"

"Elown Lorelai, legendary water"

"Hans Grey, Legendary air"

"Primo Leander, legendary earth"walang buhay na sabi ni primo na nasa likod ko

"Ow kumpleto pala ang mga legends rito"sabi ng guro sabay tingin sa relo niya "meron pa tayong 30 minuto upang pag aralan ang history"

Binuklat niya ang libro at pinalutang sa harap namin. At isang kumpas lamang ng kamay niya ay lilipat na sa ibang pahina

"Ito ang reyna ng liwanag, Si reyna Lierra" palipat sa pahina kung saan ang larawan ng reyna "siya ang pinakamalakas at pinakamatapang na reyna at dahil sa lakas ng kapangyarihan niya ay nagawa niyang pangalagaan ang lahat ng palacio. Isang araw sumugod ang dilim sa lahat ng palacio. Kinalaban ito ng reyna at dahil sa lakas,ganda at tapang ng reyna ay nabihag ang hari ng dilim na si Haring Raquim. Dahil sa pagmamahal niya sa reyna ng liwanag ay tuluyan niya ng binitawan ang pagiging hari ng dilim. Nagbago ang hari at nagpakasal sa reyna. Nagbunga ang pagmamahalan nila. Tanging ang dalawang goddess na lalaking panganay lamang ang nakita naming anak ng hari at reyna dahil ang bunsong babae na siyang susunod na reyna ay hindi pa namin nakikita kahit na ang mga hari at reyna ng mga palacio ay hindi pa siya nakikita. Ang bunsong anak nila ang may pinakamalakas na kapangyarihan at ayun sa lahat siya raw si adiya na ipinangalan ng reyna mula sa makapangyarihang niyang kwintas,ang kwintas adiya"

Natapos ang history at sumunod ang ibang subject

Hindi ako nakinig at nakatingin lamang sa may bintana na tanaw ang magaganda at malalaking puno

Rinig ko ang matitinis na huni ng ibon, tanaw ko ang sayaw ng mga puno at iba't ibang kulay ng dahon nito

Hanggang sa matapos ang klase ay hindi ako nakinig


*******

Someone's POV

Tanaw na tanaw ko siya mula rito sa taas kung saan ako nakaupo sa ulap.

Ang pag titig niya sa mga halaman sa labas ng paaralan mula sa bintana. Ang pakikinig niya sa magagandang huni ng mga ibon

Lagi ko siya sinusundan. Mula sa paglaho niya sa kaniyang dating silid, sa pagpasok at labas niya sa barrier at kahit saan siya pumunta ay nararamdaman ko kaya mabilis ko siyang nahahanap

"Patawad"bulong ko sa sarili

Ilang minuto nakalipas may lumapit sa kanya at inaya siya. Umalis siya sa pwesto niya at ramdam ko saan sila patungo ngunit hindi ko na ito sinundan pa

Umalis na rin ako sa pwesto ko at bumalik na sa Palacio

******************

Mahal na mahal kita........................ tobleron hihi

Continue reading🥺

Enjoy!❤

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon