CHAPTER 42 Hug And Kiss Her Again

1.4K 48 1
                                    

Primo POV

Pagkatapos ng pagsubok sa amin ni Miss Gwen pumana ay pumunta ako sa Hardin

Madilim na ang kalangitan ngunit pumunta pa rin ako sa Ilalim ng puno kung saan ko huling nahalikan at nayakap si Yielle

Sana bumalik ka na

Kahit matagal basta bumalik ka

Tuwing naalala ko siya, naiiyak ako. Yung mga luhang tumulo sa kaniyang mata, yung lungkot niya ng dahil sa akin

Bakit ko nga ba siya hindi pinaglaban?! Bakit ko nga ba siya hinayaang masaktan?!

Tama sila ako ang may kasalanan ng lahat. Nasa huli talaga ang pagsisisi tulad ng sabi ni..... Shielle

Nawawala ang pagkamiss ko kay Yielle tuwing nakikita ko si shielle. Sino ba talaga siya?!

Pareho sila ng galaw, salita, boses, at... ganda

Pero kung si yielle at Shielle ay iisa, tulad ng sabi ni Elown ay dapat galit siya sa akin o di kaya nasasaktan tuwing malapit sa akin ang Prinsesa

Malakas ang kutob kong may koneksyon si Yielle at Shielle

Pagkarating ko sa hardin ay dederetso na sana sa Puno ng may matanaw akong babaeng nakapikit at nakaupo sa ugat nito kaya nagtago ako sa gilid

Anong ginagawa niya rito? Bakit siya narito?

"Lumabas ka diyan nararamdaman kita!" Saad niya pero nakapikit pa rin

Lumabas ako sa pinagtaguan at pumunta palapit sa kaniya. Nakasandal ito sa katawan ng puno habang nakapikit

"Anong ginagawa mo rito?" Deretsong tanong ko kaya dumilat siya at tumingin sa akin

"Natutulog"

"Eh bakit rito? Saka gabi na oh" medyo inis na saad ko.. gabi na nasa labas pa!!

"Gusto ko rito at bakit konsern ka?" Bakit nga ba?!!

"Psh sige matulog ka na riyan!" Saad ko at aalis na sana ng magsalita siya

"Hoy rito ka sa tabi ko" hindi ko alam pero para talaga siyang si Yielle

Lumingon ako at bigla niyang hinila ang kamay ko paupo sa tabi niya

"Bakit mo nga pala sinabi na parang ako si Yielle? " Seryosong tanong nito

"Ang kilos mo, boses, itsura at pakiramdam ay katulad niya. Tuwing nakikita kita naalala ko siya pero nakakapagtaka na nawawala ang pagkamiss ko sa kaniya tuwing nanjan ka at..... y-yung l-labi mo ay...... p-pamilyar rin" iwas tingin kong paliwanag

"Eh sino ba siya sa iyo?"

"Siya? Siya ang pinakaimportanteng babae para sa akin. Siya ang nagpabago sa akin. Nagpangiti, nagpatawa at n-nagpaiyak. Pero tuwing naaalala ko ang luha na pumatak mula sa kaniyang mata at ang lungkot nito ng dahil sa akin ay naiinis ako sa sarili ko" saad ko at di ko na napigilang hindi lumuha

Tumingala ako sa langit at tinanaw ang mga bituin

"Sobra mo siguro siyang gusto dahil ang mga lalaki ay hindi umiiyak kapag hindi nasasaktan" napalingon ako sa kaniya na nakatingin sa bituin

"Hindi lang sobra. Sobrang sobra" saad ko at tumulo na naman ang luha ko

Bakit hindi ko mapigilan iyak ko?!!

"Paano kung hindi na siya babalik?" Tanong nito pero ang tingin ay nasa langit

"Imposibleng mangyari iyon! Alam kong mahal niya ang mga kaibigan niya at.... ako"

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Yung ngiti ay pamilyar rin

"Masaya siguro siya ngayon. May tiwala ka sa kaniya eh" nakangiting saad nito at bigla niyang pinunasan ang mukha ko

Bakit ganto??! Kay Yielle lang tumitibok ang puso ko pero bakit pati sa kaniya?!!

"Alam mo bang kabaklaan ang tawag sa lalaking umiiyak?" Natatawang tanong niya

Nakatingin lamang ako sa mukha nito at sinusuri siya

Ganito rin yung pakiramdam ng pinagmasdan ko ang mukha ni Yielle sa unang pagkakataon

Ang ngiti niya at ang tawa

Para talaga siyang si Yielle

Nawala ako sa pag iisip ng kurutin niya ang pisngi ko bago tumayo... pati ang pagkurot

"HAHAHA tulala ka kasi eh" at tuluyan ng tumayo

Lalakad na sana siya palayo pero tinawag ko ang pangalan nito

"Shielle!" Lumingon siya na nakakunot ang noo

Walang pasabi ko siyang niyakap ng mahigpit na ikinagulat niya

"Pagbigyan mo ako ngayon lang please!! Namimiss ko na talaga siya eh" naluha ako habang sinasabi iyon

Hinawakan ko ang likod ng kaniyang ulo at inisiksik sa dibdib ko

Namimiss na kita Yielle

Ilang saglit pa ay bumitaw na ako at hinawakan ang mukha niya. Walang pasabing hinalikan ko ito

Akala ko ay aayaw siya ngunit nagulat ako ng ilagay niya sa aking batok ang kanyang dalawang kamay at nilaliman ang halik

Hinawakan ko ang bewang nito at inilapit siya sa akin

Bakit lahat ay pamilyar?!!!

Humiwalay ako pero hinila niya ang damit ko at idinikit ulit ang mga labi. Wala akong nagawa kundi halikan siya pabalik

Pati ang labi at paghila niya ay katulad ng kay Yielle!!

Ilang sandali pa ay humiwalay na siya. Niyakap ko ulit siya ng mahigpit bago magtanong

"Bakit lahat ng ginagawa mo ay kapareho ng ginagawa ni Yielle?" Humiwalay ako at tiningnan siya sa mukha

"Sabihin mo sa akin ang totoo. Ikaw ba at si yielle ay iisa?" Seryosong saad ko habang nakatingin sa mga mata niya. Nag iwas siya ng tingin at inialis ang kamay ko sa kaniya

"H-hindi" saad niya at walang paalam na naglakad paalis

Hindi ko na matinang ang mukha nito pero nakita ko ang pagpahid niya sa mukha niya. Umiiyak ba siya?

Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi niya ako pinakinggan at tumakbo na papasok sa loob

Y-y-yielle!!!

Umupo ako sa ilalim ng puno. Narito ako tuwing namimiss ko si Yielle at araw araw iyon

Nakaramdam ako ng antok kaya pumasok na ako sa loob. Pagkarating ko ay agad akong humiga at pumikit. Nakatulog rin ako ng mabilis

"Patawad mahal ko. Alam kong nasaktan kita"

Napamulat ako sa narinig ko ngunit walang tao at tanging sinag ng buwan ang nakikita ko

Boses iyon ni Yielle! At.......... Shielle!

*****************

Sino ba talaga?!

Vote and leave a comment😄

Continue and enjoy reading!🥰

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon