CHAPTER 45 Dark Hell's Queen

1.3K 52 5
                                    

Primo POV

Kung hindi siya ang tunay na anak ng reyna?! Eh sino?!

Napatingin kami sa reyna dahil sa sinabi nito. Halatang nagulat ang reyna pero agad niyang binawi at ngumisi

Nawala ang ngiti ng Prinsesa dahil sa pag ngisi ng reyna

Bakit siya nakangisi?!!!

"Bakit ka ngumingiti mahal na reyna eh hindi ka ba nagulat o nadismaya sa sinabi ko?" Takang tanong ng Prinsesa ngunit hindi sumagot ang reyna at nakangisi pa rin ito

Natigil ang laban at natuon sa pag uusap sa pagitan namin

"Ako nga pala si Vera ang anak ng reyna ng Dark Hell at kapatid ni Vin. Ako ang babaeng kinilala niyo bilang isang Prinsesa at anak ng reyna" pagpapakilala nito at ngumisi bago ituon ang paningin sa reyn

"Alam ko ang kahinaan niyong lahat! Lalong lalo ka na mahal na reyna! At kahit kayong malalakas!" Dagdag na saad nito at tinuro ang mga Goddess

Ngumisi rin ang una at pangalawang Goddess tulad ng reyna na ipinagtaka namin

"Bakit kayo nakangiti?! Hindi ba't dapat kayong malungkot dahil ang babaeng sinasabi niyong anak at kapatid ay hindi totoo?!" Nawala ang ngiti na saad ni Vera

"Bakit nga ba kami hindi ngingiti?! Eh sa una pa lamang ay kilala ka na namin?! At ang iyong ina Vera!" Saad ng reyna

Nagulat si Vera pati ang kapatid nito. Ilang saglit pa ay lumabas na ang sinasabi nilang ina. Pamilyar ang mukha nito

"Kung gayon ay kilala mo na ako?!" Nakangising saad nito

"Oo naman! Simula pa lang ay kilala na kita mahal kong kapatid!" Saad ng reyna na ikinagulat namin

Tama! Siya iyong katabi ng reyna noong kaniyang kaarawan!

"Kung gayon rin ay hindi na kita hahayaang huminga pa dahil kilala mo na ako!" Saad ng kapatid ng reyna

"Kilalang kilala kita! Mula sa pagpapapatay sa akin! Sa pang gugulo sa palacio! Ang pag utos mo sa dark hell na patayin ang mga nakakakilala sayo! Ang pagtawag mong anak kay Vera at Vin! At ang pagpapapaslang mo sa aking anak! Lahat ay alam ko!" Saad ng reyna

"Oww oo nga pala! AKO nga pala nag utos na patayin ang iyong bunsong anak na isang Goddess Glory! Kawawa ka naman" pang aasar ng kapatid ng reyna na ikinatulo ng luha ng reyna

"Patawarin mo ako kapatid ko dahil sa pagpatay ko sa iyong anak at patawarin mo ako dahil ngayon na ang katapusan niyo!" Nakangising saad ng kapatid nito

Tumulo ang luha ng reyna at yumuko pero nagulat kami ng ibaling nito ang kaniyang tingin sa kapatid at ngumiti

"Mukhang may hindi pa kayo nakikilala mahal kong kapatid!" Nakangising saad ng reyna na ikinabigla namin pati na rin ang ibang Dark hell

"Ipagpaumanhin mo aking kapatid ngunit kilala ko na kayong lahat! Kasama ang mga tagapagmana ng ibang palacio!" Nakangising sagot naman ng kapatid ng reyna. Hindi pa rin napapawi ang ngisi ng reyna

Ilang saglit pa ay biglang natumba ang ibang kasama ng Dark Hell sa likoran nito

Napatingin kaming lahat sa mga nakahandusay na may tama ng palasong kulay itim at puti sa likoran nito

"Sino ang may gawa niyon?!" Galit na sigaw ng Kapatid ng Reyna

"Hindi namin alam!" Saad ng reyna pero nakangiti

Lumapit sa akin si cosmo na may hawak na bolang apoy pati na rin sila hans at bumulong

"Ang wirdo! Bakit nakangiti siya eh hindi ba't pinaslang na nila ang anak nito pero bakit parang hindi siya naapektuhan?" Bulong na tanong sa akin ni Cosmo

"Kung hindi siya ang tunay na prinsesa at kung patay na ang Prinsesa?! Kanino ka nakatadhana?!" Naguguluhang tanong naman ni Elown

Magsasalita pa sana si Hans ng sumigaw ang kapatid ng reyna

"Tama na ang bulungan mahal na prinsipe at Prinsesa!" Sigaw nito kaya naghanda kami

Ibinuka ng Reyna, una at pangalawang Goddess ang kanilang pakpak upang gumawa ng malakas na hangin

Ibinato namin ang mga bolang kapangyarihan patungo sa kanila

Naglabas ng itim at puting kapangyarihan ang una at pangalawang goddess at sabay na inihagis patungo sa kalaban

Ilang oras na ang nangyaring labanan sa gitna namin at ng dark hell. Kaunti na lamang ang kalaban at marami na sa amin ang nasugatan

May galos na sa kung saang parte ng katawan sina Cosmo, hans, elown, milla, hayi, sebastian, saina, ako at ang iba pa

May galos na rin ang lahat ng Goddess sa iba't ibang parte ng katawan

Nakita ko rin na pagod at pawis na ang reyna at hari dahil sa tagal naming naglalaban pero wala pa silang kahit galos

Ang ibang reyna at hari naman ng ibang palacio ay nagkagalos na rin kasama ang aking ina at ama

Sina Miss Gwen at ibang guro o katulong ng akademya ay ginagamot ang mga malalang sugat o galos

Napahawak ako sa aking binta ng may naramdaman akong matulis na bagay na tumama rito

Isang palaso may lason! Tulad ng ginawa ni Yielle ay nilagyan ko ito ng dahon ng alabay. Pinasukan ko ng apoy bago ang tubig ang tama nito kaya naghilom kaagad ang sugat

Si Yielle! Mabuti na lamang at wala siya rito

"Miss asan nga pala si Shielle?" Tanong ni Cosmo kay Miss Gwen habang nakikipaglaban

Asan nga pala iyon?

"May inasikaso" saad ni Miss hawak ang isang estudyanteng may tama

Inasikaso?

Ilang beses na namin tinira ng sariling kapangyarihan ang reyna ngunit hindi man lang ito nasasaktan at tumatawa lamang

"HAHAHAHA lahat ng sinabi ko ay magkakatotoo! Bakit ba ayaw niyong maniwala sa akin?!" Natatawang saad nito

"Dahil hindi pa siya lumalabas! Ang taong tatapos sa buhay mo!" Sigaw ng nakangising reyna na ikinakunot ng noo namin

"HAHAHAHA Ipagpaumanhin mo aking kapatid ngunit isang tao lamang ang makakapagtapos sa aking buhay at iyon ang iyong bunsong anak! Ang Goddess Glory!" Natatawang saad nito

"Ngunit.... paano ako matatapos kung ang tanging tatapos sa aking buhay ay natapos ko na noong sanggol pa lamang siya?!" Pang aasar na saad ng kapatid ng Reyna

May isinenyas siya sa likoran namin. Napalingon kaming lahat roon at saktong may patungong palaso sa aming mukha na galing kay Vin at Vera

Napapikit ako dahil mukhang ito na ang katapusan ko

Patawad mahal ko!

Ilang segundo na akong nakapikit ngunit wala akong naramadamang sakit

"Iyon ang akala mo!"


**************

Awitism🥺

Shout out kay Mae Devine Palma❤ Supportive po siya🥺

Vote and leave a comment!🥰

Enjoy and continue reading❤

ENCHANT ACADEMY: The Missing Goddess [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon