Chapter 7: Uncrushing Anton

23.9K 845 12
                                    

Chapter 7: Uncrushing Anton

"Uncrush ko na 'tong si Professor Hugh, trenta na pala siya. Yuck!" sabi ni Marie Jane habang may tinitingnan sa isa niyang phone. 



Katatapos lang naming magreview at naisipan naming mag-group call. 



Bumangon si Cattleya at may itinayp sa isang phone niya. "Nasa trenta kaya ang true love. Ano ka ba? 'Yang mga edad na 'yan ang pagod nang maglaro. Kumbaga, seryoso na sila. Nasa marrying stage na kasi." 



"Kaya nga! Baka kapag niligawan ako ni Prof, hingiin agad ang kamay ko—" 



"Napakailusyunada mo talaga!" sigaw agad ni Cattleya kay MJ. 



Maging si Penelope ay nagsearch din yata. Namamangha niyang tinitigan ang kung ano mang naroon sa kabilang phone niya. "Na-post na sa website ng LU ang credentials niya! Wait, ha? Ako na ang magbabasa," prisinta niya. ""Hugh McConaughey earned his PhD in International Management from Harvard Business School in Boston, Massachusetts, USA. He earned his MAB at the University of the Philippines and his BS Business Administration (summa cum laude) at the University of San Carlos in Cebu." Habang patagal ng patagal ang pagbabasa niya ay lumalaki ang mga mata niya. "Wow, ha! Ang dami niyang academic journal publications, pati authored books at policy papers. Tapos ang dami ding awards! Nakakalula!" 



Si Cattleya naman ang nagsalita, "Alam niyo ba? Hindi lang sophomore ang hawak niyang year, hawak din niya ang mga graduating class dahil mentor din daw siya at may research project din siyang minomonitor sa third year. Then magcoconduct din yata daw siya ng academic counselling sa mga freshman!" 



"Wow!" tanging nasabi ni Penelope. 



Hindi na iyon bago sa akin dahil nakikita ko ngang abala si Professor sa bahay nila. Ni hindi ako niyon pinapansin kapag binibisita ko ang alaga niyang pusa. 



"Skye! Itigil mo muna 'yan. Hatiran mo ng ulam ang mga kapitbahay natin!" utos ni mommy. Hindi na ako nagpaalam sa mga kausap ko. Agad kong in-end ang group call. 



"Bilisan mo ngang bumaba, June Skye!" sigaw niya mula sa kusina. 



"Wait lang, mom! Magbibihis lang po ako!" Nakapajama na kasi ako kahit papadilim pa lang. I quickly brushed my teeth, fixed my hair, put on my yellow flowery above-the-knee dress, and applied some perfume. 



"Ano ba, Skye! Lalamig na 'yong kaldereta at adobo!" sigaw ulit ni Mommy. 



"Opo! Bababa na!" Ngumiti muna ako sa harap ng salamin at umikot. "Perfect!" I was smiling as I walked down the stairs and into the kitchen. 



"Bilisan mo at baka kumakain na ang mga iyon." Itinulak pa ako ng bahagya ni Mommy. Kumilos naman ako.



While walking towards their big house, I was practicing my cheerful tone. "Hi, maayong gabii!" Masyadong matinis. "Hi, good evening kuya Anton." Masyadong pabebe. 



Bahala na nga! 



I walk past their open gate and their door is slightly open kaya pumasok na rin ako. Babati sana ako ngunit wala namang tao sa living room area nila. I even go to their dining room, wala rin. Inilagay ko na lang sa mesa at tinakpan ng food net ang ulam na dala ko. 



Lalabas na sana ako ngunit narinig kong parang nag-aaway sina Anton at Ate Ey sa itaas. At dahil usyosera ako, dahan-dahan akong humakbang paakyat ng kanilang grand staircase. I tiptoed while sneaking a glance at the opened door. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko kaya agad akong nagtago at sumandal sa pader habang hawak ko ang dibdib ko. 



"I want to taste it." I heard Anton said in his bedroom voice. Nagsimulang lumakas ang kabog ng dibdib ko at mas lalo pa iyong lumakas nang marinig ko ang kakaibang ungol ni Ate Ey, nasasarapan. Nagtakip ako ng tenga at dahan-dahang nilisan ang bahay nila. 



My entire body tensed as I tried to comprehend what had just occurred. My childhood crush, Anton, is flicking his tongue inside Ate Ey's feminity. Nanginig ako sa hindi ko malamang dahilan. Pumikit ako at huminto sa labas ng gate nila. Pinagmasdan ko iyon at inalala ang lahat ng pagbisi-bisita ko sa kanila. I suddenly realized something I should have known before. Walang gusto sa akin si Anton dahil may iba siyang gusto. Lagi ko silang nahuhuling nagnanakawan ng tingin ngunit nagpapatay-malisya lang ako. 



Nang makabalik ako sa amin ay tulala ako pa rin ako ngunit hindi yata napansin ni Mommy dahil abala na siya sa paggawa ng sales report ng restaurant namin. 



"Ihatid mo pa 'to sa bago nating kapitbahay. Ano nga bang pangalan niya?" 



"Hugh po," wala sa loob na sagot ko. 



I walked out again, this time to Professor McConaughey's door. Napaatras ako dahil baka may kahindig-hindig din akong hindi dapat makita. But Skye, his cat, greeted me. I smiled, walked inside, and placed the lunch boxes on the console table. I got down on one knee on the white granite floor. "Hello, Skye!" While hugging him, I giggled. He licked my face and pawed at my chest with impunity.



"Aren't you afraid of getting allergies again?" Professor Hugh was staring at me as he walked down the stairs. 



Tiningala ko siya habang yakap ko ang alaga niyang pusa. "I take allergy shots, may antihistamine na rin ako sa kuwarto ko. Isinabay kong binili noong binilhan ko ng laruan si Skye."



Hindi siya nagsalita. Instead, he took several steps towards me before reaching out his right hand to assist me, which I accepted, pulling myself up.. "What brings you here?" Masungit na naman siya. Ganoon naman lagi, laging nakaangil tuwing bibisita ako rito sa bahay niya.



"I brought you some food." Pinasaya ko ang boses ko ngunit tinitigan lang niya ako. 



"Did you see them?"



My brow furrowed, unable to understand what he was saying. "Who?"



"Them," he said, a grin on his lips. "You saw them."



Dahan-dahang lumaki ang mga mata ko. "H-how did you know I saw them?" I was stuttering.



"I saw you walking out of their house, dazed and confused."



"I mean, how did you know they were doing something? Nakita mo rin?" 



Tumawa siya ng malakas. A laugh I've never heard before from him, napakasarap sa tenga. "No. But I could tell they did something after I left."



"Galing ka doon?" Himala, ang daldal niya ngayon. 



He just smirked. 



"So how does it feels that your crush doesn't succumb to your seduction?"



Ngumuso ako. "Eh, di magpalit ng crush. Madali lang naman akong kausap. Kung ayaw niya sa akin, ayaw ko rin sa kanya." 



Maybe deep inside, I'm a little hurt especially because I thought he was "the one". But now, I am uncrushing him. Totally. 


N/A: Nasa ONE NIGHT STAND WITH AN HEIRESS 'yong scene nina Anton at Ey

June ( Gugma Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon