Chapter 8: Talk With Him

20.6K 688 6
                                    

Chapter 8: Talk With Him 

"Women does truly have that talent," Professor Hugh said, nodding slightly and looking at me with an odd expression. He turned away from me and grabbed the food I had brought for him.

Naguluhan ako sa sinabi niya kaya sinundan ko siya hanggang sa kusina. "What do you mean? He can't see my worth, so I need to move on!" galit na pagrarason ko. "I saw him pleasuring another girl, anong gusto mong gawin ko? Magpakatanga?" Nagsimula nang mangilid ang luha sa gilid ng mga mata ko. Masakit sa pakiramdam but I'm not going to show my weakness to him or anyone else.

Tiningnan niya ako habang inililipat niya sa plato ang dala kong ulam. "Wala akong sinabing magpakatanga ka. In general, I'm learning that women have the ability to move on that fast."

"O-of course, we know our worth. I know... I can... I can still find a guy who sees my worth."

He stared at me with an amused expression in his face. "Yeah, you can. But you won't be able to found him if you continue being a tease."

Umakyat ang init ng dugo ko sa ulo sa narinig ko. "I'm not a tease!" sigaw ko.

"Yeah," he said, his gaze sweeping over my entire body from head to toe, then grinning. "You're definitely not a tease."

I grunted dahil alam kong iniinsulto niya ako sa uri ng pagsuyod niya sa katawan ko. "I am not—"

He leaned so quickly. He grabbed both of my shoulders and I took a step back as my heart began to beat abnormally. "Go home and make a reaction paper whether you're a tease or not," he said as he spun me around and pushed me out of his house. Napaigtad pa ako sa paraan ng pagsarado niya ng pinto. Napakalakas!

"Yung lagayan ng ulam!" naiinis na sigaw ko. Wala pang ilang segundo ay muling bumukas ang pinto ng bahay niya at salubong ang kilay niyang ibinigay sa akin ang dalawang empty lunchboxes, nakalagay na iyon sa paperbag.

"And one thing, I don't want you fooling around and telling others where I live. Nagkakaintindihan ba tayo, Miss Torres?"

"You wish! Sasabihin ko sa mga admirers mo sa LU kung saan ka nakatira! Bleeh!" sabi ko sabay takbo ng mabilis palayo sa kanya. Paglingon ko'y hindi na maipinta ang itsura niya sa sobrang inis.

I am annoyed at him. No, I am annoyed at myself dahil mabilis akong naapektuhan sa sinabi niya. I'm not a tease. I dress this way because it makes me comfortable, and I will not let his words enter my heart.

I walked slowly, wondering if I was truly a tease. Am I? Kaya ba ayaw sa akin ni Anton dahil inihahain ko ang katawan ko sa kanya? I dress provocatively in order for him to admire me, but he doesn't feel the same way. He dislikes me because he likes his boss's daughter.

I went inside our house then eat alone dahil wala na si mommy sa baba, I also washed the dishes and went upstairs. I then shower and ponder again, ano ang kulang sa akin at hindi ako magustuhan ni Anton. Kahit bago ako matulog ay iyon pa rin ang iniisip ko.

The next day, I woke up around 7' o clock. Napabalikwas ako ng bangon dahil hindi ako nagising sa alarm ko. I should be dressed and eating at this hour dahil mabagal akong kumilos.I quickly took a bath, changed into my uniform, and went downstairs. "Mom! Hindi mo ako ginising!" sigaw ko habang bumababa ako. Ngunit pagdating ko roon ay wala na si Mommy. I quickly notice the note in the fridge saying, she went out early dahil marami siyang gagawin sa restaurant. From now on, learn how to commute, sabi pa niya sa note niya.

Nanginig ng kaunti ang kamay ko habang hawak ko ang note na iyon. Hindi na ako kumain, lumabas na lang ako at naghintay ng bus o jeep na dumadaan sa LU.

"You can do this, Skye." I said to myself while twiddling my thumbs. Nakahawak ako ng mahigpit sa shoulder bag ko habang nakatayo sa harap ng gate namin, nag-aabang ng masasakyan.

But my heartbeat stopped when I saw Anton's car leaving their house and driving close to me. "Hatid na kita," sabi niya. Malumanay ang mukha niya kagaya lagi ng ipinapakita niya sa akin. He never took advantage of me ever since I told him that I like him. Natural pa rin ang pakikitungo niya sa akin. "7:30 na."

Kahit atubili ay sumakay pa rin ako. Hindi kami nag-iimikan nang umandar na ang kaniyang kotse.

"Hindi ako sanay na tahimik ka, June."

Napapikit ako sa lamyos ng boses niya. Malayong-malayo sa laging galit na si Hugh. Ay teka? Bakit pumapasok sa utak ko ang lalakeng iyon?

"Hatinggabi na nang mapansin ko ang mga dala mong ulam," panimula niya.

Mahigpit ang hawak ko sa seatbelt dahil kinakabahan na ako sa mga susunod niyang sasabihin. "D-do you... Or are you in a relationship with ate Ey?" lakas-loob na tanong ko.

Nakita ko ang pagngiti niya habang hawak ang manibela. "We are not in a relationship but I love her so much."

Parang patalim iyon na tumarak sa puso ko. Tumingin ako sa labas dahil naiiyak na ako. "W-what makes you fall for her? Lagi ka niyang binubully. Tinatawag ka pa niyang pobre at kung anu-ano pa ang masasakit na salita ang natatanggap mo sa kanya. Ganoon bang klase ng babae ang gusto mong makasama habang-buhay? Tandaan mo, pinalayas pa niya ang kapatid mo sa bahay na iyon...

I heared him laughed a little. "Kung natuturuan lang ang puso, June. Matagal ko nang iniwan ang malditang 'yon. But she needs me and I need her. I won't leave her coz I love her."

Doon ko na pinakawalan ang luha ko. Tahimik lang akong umiyak habang patuloy ang tingin ko sa dinadaanan namin. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa seatbelt. Nagulat pa ako nang abutan niya ako ng tissue.

He placed his hand at my shoulder. "Someday, tatawanan mo na lang na nagkagusto ka sa akin. Believe me, June."

Humikbi ako. "I won't."

"You don't like me. Malapit lang ang loob mo sa akin dahil mabait ako at lagi kita pinagpapasensiyahan. Someday, you will find your own man. But for now, mag-aral ka munang mabuti."

"K-kaya mo ba ako laging pinagpapasensiyahan dahil kaibigan mo si Daddy?"

"Ganoon ba ang nararamdaman mo sa pakikitungo ko sa 'yo?"

Umiling ako at umiyak muli. "Hindi, kaya nga gustong-gusto kita, e."

Tumawa ulit siya at paulit-ulit ang marahan niyang pagtapik sa balikat ko. "You just see me as an older brother, June. Sinasabi ko sa 'yo, kapag nag-mature ka na, tatawanan mong nagkagusto ka sa isang tulad ko."

"I like you so much," sabi ko na umiiyak pa rin.

"Someone is already inside my heart, and it would be unfair to tell you that I like you, right?"

Naiyak akong lalo. Bakit ang lumanay pa rin ng boses niya. "Iiwasan mo na ba ako dahil may Ey ka na?"

He laughed again. "No. I'd still treat you the same way I did before."

"D-do you find me a tease?" I asked out of a sudden.

Natigilan siya ngunit nagsalitang muli pagkatapos ng ilang segundo. "You are not a tease. I find you rather playful. And I respect how you dress yourself. Who am I to judge you if you're happy and comfortable with your outfit?"

"Bakit si Ate Ey? Narinig ko minsan, you don't like what she wears. Maiksi din iyon. Pinapasok mo pa siya sa loob ng bahay nila para magpalit." Parang bata lang akong nagtatanong.

"I don't like it when other men stare at my girl's body."

Tumango-tango na lang ako. He really doesn't like me. Now, I know. 

June ( Gugma Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon