Chapter 22: Baby, Meet Me

13.7K 409 54
                                    

Chapter 22: Baby, Meet Me
 
"Skye!" tawag sa akin ni Miss Laviene, a third-year student at the LU Young Hoteliers and Restaurateurs Society, isang University organization na kinabibilanangan ko.
 
"Po?" sagot ko. Nilingon ko siya habang hawak ang gunting at ang letter H na kasalukuyan kong ginugupit. Nagkalat sa monoblock table ang ibang mga letra at ang mga iyon ay ididikit mamaya sa announcement ng bulletin board ng org namin.
 
"Could you please forward this to the Faculty department?" pakiusap niya habang hawak niya ang isang folder.
 
Inilapag ko ang hawak ko at tumayo. Kinuha ko mula sa kanya ang folder ngunit muntik na akong maubo sa sumunod niyang sinabi.
 
"Professor Hugh must sign it."
 
Napahawak ako sa dibdib ko. "Bakit ako?"
 
She moved her gaze around, as I did. Abala ang lahat sa kanilang ginagawa. I bite my inner cheek, dahil magsisimula nang kumabog ang dibdib ko sa excitement.
 
"I believe he is busy overseeing the theses of the graduating students. Kung kaya mong sumingit sa pila sa opisina niya, gawin mo. Magpapapirma ka lang naman."
 
Binuklat ko ang folder at binasa ko iyon. Ang nakalagay ay Permission Letter For Hotel Visit at sa baba niyon ay ang buong pangalan ni Professor Hugh McConaughey kung saan siya pipirma. Ngayon ko lang nalaman na Chairman siya ng Centre for Career Development. Napakarami naman niyang career. How does he find the time to do all of this? Natutulog pa ba 'to? Kagabi, hinatid niya ako pagkatapos naming mag-usap, and the light in his room was still on when I peeked inside my room.
 
"Balik ka kaagad kapag nakapagpapirma ka!" Pahabol pa niya sa akin nang kunin ko ang mobile phone ko sa table.
 
"Alright!" sigaw ko.
 
I then went downstairs and turned left after walking to the hallway. Tatlong building pa ang nilagpasan ko bago ako nakarating sa faculty building. Pagdating ko roon, anim na estudyante ang nakapila sa labas ng kaniyang opisina. Lahat sila ay may hawak na portfolio. Iyon marahil ang mga thesis nila na minomonitor ni Professor McConaughey.
 
"Excuse me, Miss?" Kinalabit ko ang balikat ng babaeng nasa harap ko. Agad siyang lumingon at ngumiti ako. "Mga ilang minuto po bago matapos ang pa-check ninyo kay Prof?"
 
"Around 5–10 minutes per group lang," she also smiled.
 
"Oh, I see. Thank you." I then decided to fall in line, kesa gawin ang sinabi ng president ng org namin. Hindi na ako makikisingit, tutal ilang minuto lang naman ang hihintayin ko. Natukso akong mag-message kay Prof ngunit hindi ko ginawa. Instead, I opened my phone and settled in to watch a new drama. Natapos ko na kasi ang pinapanood ko last week. I put on my airpods and leaned against the wall, waiting for my turn on the line.
 
Kinilig ako nang marinig ko ang opening tune ng production company ng drama na pinapanood ko. The first episode then began. Panaka-naka ang tingin ko sa mga estudyanteng lumalabas at nakangiti sila tuwing galing sila sa loob. Sino ba naman ang hindi kikiligin sa hot and gorgeous na Professor McConaughey? Pinigilan kong mapangiti at itinuon ko na lamang ang pansin ko sa pinapanood kong kdrama.
 
Hindi naglaon, na-pause ang pinapanood ko dahil tumatawag si Mommy.
 
"Po," agad kong sagot pagkatapos kong i-slide ang green button.
 
"It's your vacant time, right?" she asked. Dinig ko sa background niya ang malamyos na tugtog ng restobar.
 
"Yes po," mailkling sagot ko. Pagtingin ko sa linya ng mga estudyante ay tatlo na lang ang natitira at ako na ang sunod. Wala nang nakasunod sa akin.
 
"I just checked the CCTV," she said.
 
"Okay," sagot. Ngunit lumaki ang mga mata ko dahil naalala ko ang nangyari kagabi.
 
"Okay?" Mom burst out laughing. "'Yong lalakeng naghatid sa 'yo kagabi, 'yon ba 'yong special friend mo?" "Ginamitan pa niya ng diin ang salitang 'special friend'.
 
Humagikgik ako. Nagsimulang mag-init ang pisngi ko. "Opo," sabi ko na hindi mapigil ang ngiti. Tumingin ako sa baba at bahagyang sumisipa sa sahig habang nakangiti.
 
"I see." Her voice has a serious tone to it. "He decided to kiss your forehead dahil nakita niya ang cctv sa bungad pa lang ng gate. Kung wala siguro iyon, baka sa labi ka niya hinali-"
 
"Mom!" mahina at may diing sabi ko. Pulang-pula na ang pisngi ko.
 
"What?" She laughed on the other end of the line. "Huwag mo akong ma-mom-mom diyan, Skye. Napagdaanan ko din 'yan," parang kinikilig ang tono niya.
 
"Eee," sagot ko ng mahina. Pumadyak pa ako ng mahina. Nagtinginan tuloy ang dalawang estudyanteng natira sa linya. Nakapasok na ang isa sa loob ng opisina ni Prof.
 
"When will you introduce him to me? He looks familiar. He's already been here, I believe."
 
Napangiti ako. "Opo. Last Sunday daw."
 
"Hindi lang last Sunday. Tuwing Linggo yan narito. Nabighani siguro sa 'yo—"
 
Magsasalita pa sana siya ngunit nagpaalam na dahil tinawag na siya ng server. Pagtingin ko sa harap ko ay isa na lang ang natira. Hinawakan ko ang puso ko dahil ang lakas ng tibok niyon. Inayos ko ang suot kong uniform at sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Kinagat-kagat ko pa ng bahagya ang labi ko para pumula. Hindi kasi ako nakapag make-up kanina bago pumasok.
 
"Next!" Dinig kong sigaw ni Professor. Nanginig pa ang balikat ng sinusundan ko bago siya naglakad papasok.
 
As time passed, I tapped my right foot slowly. Para akong sinisilihan na ewan. Kakakita ko lang naman sa kanya kagabi.
 
"Wala na ba?" Dinig kong tanong ni Professor sa kausap niyang estudyante.
 
"Meron pa po, Prof. HRM student po. Second year yata?" sagot niya.
 
Maya-maya, lumabas na ang estudyante, then she motioned for me to go in bago niya tahakin ang hallway. Mabilis ang tibok ng puso ko nang ako naman ang humakbang papasok.
 
When I walk in, his head is on the headrest of his swivel chair, and his eyes are closed.
 
"Hello po, Professor," mahina at kimi kong bati.
 
Hindi niya ako binigyang-pansin. Basta nakasandal lang siya at nakapikit kaya malaya kong pinagmasdan ang guwapo niyang mukha, pagod ngunit malakas pa rin ang dating. I could also see his slow breathing.
 
Lumunok muna ako bago nagsalita. "Sir, magpapapirma lang po ako," sabi ko ngunit hindi siya sumagot. Natutulog na yata talaga. Nahiya naman akong gisingin kaya inilapag ko na lang ang hawak kong papel sa working table niya.
 
Tatalikod na sana ako ngunit nagmulat na siya ng mga mata. He flexed his neck to stretch it then kinuha niya ang papel na inilagay ko sa table niya. His eyes are on it, and I am still standing in front of him.
 
"Miss Torres, did you check this letter?" He said in a baritone voice.
 
"Opo. Tama naman po ang letter format pati grammars," sagot ko na medyo kinakabahan. I knew he was a perfectionist when it came to his craft.
 
"Check this," sabay turo niya sa papel na hawak niya. "Come here," aniya while motioning for me to take a step beside him. Sumunod naman ako. Then I leaned in, clutching the neckline of my uniform. My eyes scanned the letter's details, but my eyes widened when he kissed my left cheek!
 
I almost yelled from surprise because he grabbed my waist and dragged me into his lap. His gaze darted outside the door before he leaned in closer. He tilted his head to kiss my lips passionately. I could taste his minty breath as his tongue explored mine, and my arms instinctively wrapped around his neck. Napakalakas ng kabog ng puso ko habang hinahalikan niya ako ng maruddob.
 
When he pulled away from that kiss, I lightly punched his broad chest. "May makakita sa atin," gigil at namumula kong sabi.
 
He just smirked. He then leaned in for a sniff of my neck at nakiliti ako. Hinampas ko siyang muli ngunit sa mamasel na braso naman niya. "Ano ba?" sabi ko na nakikiliti.
 
"Baby, meet me outside later. We'll go to Liloan Port for our first date."
 
 
 

June ( Gugma Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon