Chapter 9: Mr. President

19.2K 612 16
                                    

Chapter 9: Mr. President

When I arrive on campus, I quickly exit Anton's porshe car after thanking him. Kumaway pa ako sa kanya pagkatapos kong bumaba. "I'll be moving on from you," nakangiti kong sabi na ikinatawa niya.

"Yes, you will," he said then nag-drive na siya papunta sa hotel resort na pinangangasiwaan niya.

Pag-ikot ko ay nagtama ang paningin namin ni Professor McConaughey. Nasa lilim na siya ng puno ng kaimito at malapit na siya sa building namin. He smirked and walked towards the building.

7:56 na! May four minutes na lang ako para makarating sa room namin kaya hinawakan ko ng mahigpit ang shoulder bag ko at tumakbo ng mabilis. Dadaigin ko na si Road Runner sa bilis o kaya si Usain Bolt. Hindi ako dumaan sa main entrance kundi sa fire exit. Dali-dali ko ring tinakbo ang hagdanan roon kaya 7:59 na ako nakarating sa room namin.

"Oh! Bakit doon ka dumaan?" tanong sa akin ni Mr. President nang tumabi ako sa kanya.

Sumenyas ako ng "wait lang" habang hinihingal ako. Binigyan niya ako ng tubig.

"Malinis 'yan," sabi niya. Agad ko namang ininom. Kakaabot ko pa lang pabalik sa kanya ang flask bottle ay sumulpot na si Professor kaya nagsitayuan kami at bumati.

"Maayong buntag kaninyong tanan." His gaze wandered around and he looked wide-eyed when he saw me. Nagyuko ako ng ulo para itago ang ngiti ko.

One point.

Akala mo ha?

The class began, and he instructed us to get a half-lengthwise sheet of paper. "This is just a True or False test," he began.

"Yes!" napasuntok pa sa hangin ang marami sa amin. Hindi ako nagsalita, basta nakayuko ang ulo ko at nakatingin sa papel na nasa desk ko.

"If the statement is correct, write TRUE; if it is incorrect, write FALSE and provide the correct ANSWER."

They grunted and laughed when they heard what he had just said. "Sir, naman e!"

Nag-angat ako ng tingin at maluwag ang ngiti ng kaniyang mga labi. Bago pa man niya ako mahuling nakatingin ay yumuko na ulit ako. Then he handed out the test papers, and I went over the quiz and wrote my name and date on the paper as soon as it reached me. I then took the quiz, which was very simple. He told us to put our pencils down and turn our papers to the front..

We checked our papers and I got 15 out of 20. Not bad. Ang nakaperfect lang sa amin ay si Mr. President at ang kaibigan kong tatlo na sina Penelope, Marie Jane at Cattleya. They are all a Dean's Lister and I am proud of them.

Then he scribbled today's goal and notes on the board. One thing I like about his teaching style is that he never looks away from the class. Kabisadong-kabisado niya ang mga isinulat niya. He also allowed his students to participate in the discussion. Ipinagpasalamat ko na hindi na niya ako pinag-iinitan ngayon. MTTH lang ang klase niya sa amin. My blockmates spent the better part of fifty minutes watching our Professor's physique while listening to his lecture. Pati ang mga lalake ay namamangha sa laki ng katawan niya. Pagkatapos ng klase namin, nagbigay ulit siya ng assignment sa workbook namin.

Naglakad si Professor at sumandal sa gilid ng teaching table habang pinapanood ang mga kasama kong nagliligpit ng kanilang mga notes. "Miss Torres."

"Shit! Ang sexy talaga ng boses," dinig kong bulong ng katabi ni Mr. President.

Ako naman ay tumalon ang puso ko sa gulat. Bakit na naman? Ano na namang kasalanan ko? Hindi naman ako late? Hindi naman ako zero sa quiz.

"Po," sabi ko pag-angat ng puwetan ko sa upuan.

"Is this yours?" sabi niya sa pouch na transparent at iniangat pa niya iyon. Kasabay ng pagtawa ng mga kaklase ko ay ang dahan-dahang paglaki ng mga mata ko. Nakalagay roon ang extra panties ko at may yellow post-it note na June Skye Torres. My father teaches me to be organised kaya may ganoon ako. May name label lahat ng gamit ko sa eskuwelahan. At hindi iyon nawawala sa bag ko dahil sa buwanan kong dalaw. Nahulog siguro kanina habang tumatakbo ako.

Nanginginig ako sa inis habang tatagos na yata sa palad ko ang medyo may kahabaan kong kuko. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko nang magmartsa ako para kunin sa kanya ang mga panty ko.

"One-one," he whispered when I got near him. Inikutan ko lang siya ng mata at hinablot sa kanya ang pouch ko. Everyone was giggling kaya kinuha ko kaagad ang bag ko at lumabas ng klase. I am not going to give in to his bullying. Babawi ako mamaya, pag-uwi ko. Papakawalan ko ng maraming daga ang bahay niya.

Ngunit natigilan ako sa naisip ko. Kawawa si Skye kapag nagpakawala ako ng mga daga. Iyon ang ginawa ko sa maghapong araw ko sa campus, ang mag-isip ng ganti sa pambubully niya sa akin.

"Hindi ka pa ba uuwi, Skye?" anas ni Marie Jane nang matapos siyang magsulat ng research sa Philippine Literature dito sa library.

"Mauna na kayo, hindi pa ako tapos," anas ko pabalik. Isa-isa silang humalik sa pisngi ko bago sila magpaalam. I spent another hour writing with my research. Habang nagsusulat kasi ako ay iniintindi ko na ang binabasa ko para pagdating sa bahay wala na akong gagawin, manonood na lang ng kdrama.

Madilim na nang lumabas ako sa library at hindi naman ako natakot dahil maraming pang-gabing estudyante. Ngunit natigilan ako nang maalala kong hindi ako masusundo ni mommy.

When I went outside the campus, I held my shoulder bag in front of my body and tapped my right feet. "No, Skye. Kumalma ka lang. May makakasabay ka pauwi ng Santander," sabi ko sa sarili ko.

At lumuwag ang paghawak ko sa bag ko nang makita ko si Mr. President.

"Uy! Ba't narito ka pa? Nasaan sila MJ?" Tumabi kaagad siya sa akin sa waiting shed.

"Nauna na sila kanina."

I-aangat sana niya ang kamay niya nang may makita siyang jeep na paparating ngunit agad niyang ibinaba iyon. "Mamaya na ako sasakay, hintayin muna natin ang mommy mo."

I twind my thumb, paulit-ulit. "Hindi ako masusundo ni mommy. Iisa lang naman ang way natin, puwede ba akong makisabay sa 'yo?" Nagsisimula nang mamuo ang luha sa magkabilang-gilid ng mga mata ko. Parang tinatambol ang puso ko sa sobrang kaba. Nagpunas pa ako ng luha kaya nagulat siya. The anxiety of commuting for the first time is kicking in my system.

Hahawakan niya sana ako ngunit nabitin sa ere ang kamay niya at nagsalita na lamang. "Huwag kang umiyak. Sasamahan kita."

Tumango ako habang pinipigilan ang sarili kong umiyak. "P-puwede bang hawakan mo ako kapag nasa loob na tayo ng jeep? Kinakabahan kasi ako," pag-amin ko. Unti-unti nang nanginginig ang kamay ko kaya yumuko na lang ako. This is the first time that it happened to me. Nagsimula nang pumatak ang luha ko. "S-sorry," sabi ko habang nanginginig ang bibig ko.

"No, it's okay. Huwag kang kabahan. Relax ka lang. Puwede ba kitang hawakan?" tanong niya. Tumango ako. Hinawakan niya ako sa likod at pati ang kamay ko. "Inhale," sumunod naman ako. "Exhale." Paulit-ulit niyang sinabi iyon at tumalima naman ako hanggang sa maging panatag na ang pakiramdam ko.

Angelo Razonable is a scholar and a dean's lister in LU. He is our class president for the past semesters. He is also my fellow alumnus in high school kaya matagal ko na rin siyang kakilala. Pangingisda ang ikinabubuhay nila kaya ilag siya sa ilan sa mga blockmates naming mayayaman, lalong-lalo na sa akin. Nag-iba ang tingin ko sa mga mahihirap nang iligtas nila ako sa car accident na kinasangkutan ng kotse namin at ng isang pampasaherong jeep. Isa ako sa mga survivor at marami ang namatay sa aksidenteng iyon. At isa ang pamilya ni Angelo sa tumulong sa amin noon.

"Tara?" sabi niya na nakangiti nang may paparating nang biyaheng pa-Santander.

June ( Gugma Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon