Chapter 23: FIRST DATE

12.8K 364 33
                                    

Chapter 23: First Date

From: H.
I'm outside. You may now leave the library.

Iniligpit ko muna ng dahan-dahan ang mga notes at pen ko bago ko siya nireplayan. I'm a little nervous about our first date, but mostly excited.

From: June Skye Torres
Aren't you worried that someone might see us?

Wala pang ilang segundo ay nagreply na siya.

From: H.
I'm not. Don't worry, I used my other car. Nasa tapat ako ng 7-eleven. Black car, Porshe.

Hindi ko na siya nireplayan. I stuffed all of my notes into my bag and hugged my workbooks. Agad akong umiskapo habang abala ang mga kaibigan kong nagsusulat dito sa library. Napailing na lang ako dahil hindi nila napansin ang pag-alis ko.

Nakasalubong ko pa si Angelo palabas ng campus. "Papasok ka na niyan?" tanong ko. Nakasuot na siya ng civilian, marahil ay nagpalit sa men's toilet.

"Oo. Ikaw? Uuwi ka na ba? Kaya mo naman nang magcommute mag-isa, 'di ba?"

Tumango ako ngunit sa totoo lang may kaunti pa rin akong kaba tuwing sasakay ako ng jeepney. Magagamay ko rin siguro iyon kapag nagtagal-tagal na.

Kumaway pa siya sa akin nang makasakay na siya. Tinahak ko naman ang daan papuntang 7-eleven. Ilang steps lang iyon mula sa entrance ng campus. Nang makarating ako ay tanging ang sasakyan lang naman niya ang naka-park doon. Tinted ang salamin ng kotse kaya hindi nakikita kung sino man ang nasa loob. Maraming estudyante sa paligid ngunit hindi ko pinansin. Agad akong sumakay sa likod ng kotse at isinarado iyon.

"Where to, Your Majesty?" I noticed him smiling in the mirror.

"Saan po ba tayo pupunta, Sir?"

He chuckled. "Sa langit, gusto mo?"

I could tell he was just kidding.

Pinigilan kong mapangiti. He started driving after I fastened my seat belt. Umikot siya at pabalik ng Santander ang ruta niya. "Sa Liloan tayo mismo mag-didate?"

"Nope. It's a surprise." He stated while driving cautiously and with his attention focused on the road. "Do you want to listen to some music? Anong genre ang gusto mo?"

"Hmm... Okay lang sa akin ang kapanahunan mo," I giggled. "Mga Rivermaya, Parokya ni Edgar, at Eraserheads, right?"

He laughed while holding the steering wheel with his left hand. He was again rubbing his index finger against his lips. Ganoon siya kapag itinatago ang ngiti niya.

"Bakit? 90's kids ka, 'di ba?" sabi kong nang-aasar.

He nodded repeatedly. "You can connect your phone and choose a song," sabi niya. Hindi niya pinatulan ang pang-bubully ko sa kanya. May pinindot siya roon sa dashboard at binuksan ko naman ang Bluetooth ng mobile phone ko. I connected it to his car and then selected music. I chose the last song I played, Until I Found You.

Hininaan lang niya iyon at parang naging background music lang namin habang bumibiyahe. "This is my first time hearing it, and I like it," he said.

"I like it too." I agree. I closed my eyes and ninamnam ko ang lyrics ng kanta.

Napamulat ako sa sumunod na sinabi niya.

"You know what? I think this is perfect for me; I used to say I'd never fall in love again until I met you. I told myself I'd never fall for you, but I did."

Nawalan ako ng imik because those words make me feel warm inside. Parang gusto kong umiyak at lumipat sa harap para yakapin siya ngunit hindi ko ginawa. I was moved by what he just said.

June ( Gugma Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon