Chapter 20: Courage

14.3K 454 8
                                    

Chapter 20: Courage

"Mukhang hindi na yata darating ang espesyal na bisita mo, anak. Why don't you go home and rest? Alas onse y medya na."

Mom went to the VIP Room, where I was supposed to meet my Professor for dinner. He's my guest, and I'm his server, gaya ng napagkasunduan namin kanina. Ngunit maghahating-gabi na ay wala pa siya. He isn't even returning my phone calls or messages. Tumawag ako kanina sa faculty at nag-inquire kung naroon pa si Professor ngunit alas siyete pa lang daw ay umalis na siya.

Did he just stand me up on our first date?

"Another thirty minutes, mom. Uuwi na po ako kapag hindi siya dumating," walang-gana kong sabi.

"Sige, ikaw na ang bahala sa kanya. I also need to sleep at the staff house, napagod ako ngayong araw. Call Robert para maihatid ka niya pauwi," tukoy niya sa isa sa mga server na nakanight-duty.

Before leaving, she kissed the top of my hair. Kinuha ko naman ang mobile phone ko at tinawagan ang lalakeng iyon. Ngunit nakatatlong tawag na ako, hindi pa rin sumasagot.

Naghintay pa ako ng tatlumpong minuto gaya ng sinabi ko kay mommy at nang lumipas na ang oras ay iniligpit ko ang mga inihanda kong lulutuin ko dapat para sa kanya. Mabigat ang dibdib kong tinawag si Kuya Robert at nagpahatid ako sa bahay namin sa Santander.

The lights in his house are still on, but I chose not to go. I'm afraid he's just playing with me like I used to play with him when he was new here.

Naligo na lang ako at gumawa ng mga assignments bago ako natulog.

The next day, he gave me the cold shoulder again. Ni hindi niya ako tiningnan kahit noong tawagin niya ang pangalan ko.

Bahala ka diyan, magmatigasan tayo.

"Are you still mad at us?" tanong ni Cattleya nang abutan nila ako sa labas ng campus.

"I'm sorry na," Penelope said, tugging on my arms. Inakbayan din ako ni Marie Jane sa balikat at isinandal niya ang ulo niya roon habang humihingi ng tawad.

"Bullying others does not make you strong," sabi ko. Sumimangot sila kaagad. "It only makes you look pitiful," matapang ko pang pahayag.

Cattleya sighed and held my hand. "Sorry na, hihingi kami ng tawad kay Angelo para gumaan ang pakiramdam mo."

"You don't need to do that. Hindi naman iyon naaapektuhan sa mga sinasabi ninyo. It only makes him stronger. Angelo is my friend at nasasaktan ako kapag may mga masasama kayong sinasabi tungkol sa kanya."

Nag-iwas sila ng tingin sa akin. Alam kong tinamaan sila sa sinabi ko kaya gumaan ang pakiramdam ko. "I need to go home now." Iaangat ko pa lang sana ang kamay ko para pumara ng Jeep ngunit pinigilan ako ni Cattleya.

"Please? Sorry na. We will not act in that manner again," she said, naiiyak na. "Pipigilan ko na ang sarili kong mag-isip ng masama tungkol sa kanya. Hindi mo naman kasi ako masisisi, my ex-boyfriend used me because I have money. Tapos ganoon din 'yong si Jigs." Pinunasan niya ang luha niya gamit ang likod ng kamay niya.

Natawa ako dahil tumatawa siya habang umiiyak. Niyakap tuloy siya nina MJ at Penelope.

"Hindi naman kasi pare-parehas ang mga tao. Oo nga't niloko ka ng mga ex-boyfriend mo at ginamit ka lang, pero huwag mong lahatin. Marami pang matitino riyan, maling tao lang lagi ang natatagpuan mo."

Then she sobbed even more. I couldn't help myself, so I hugged her, and she sobbed even more on my shoulder. Nang tumahan na siya, sumama sila sa akin sa bahay.

I cooked for them while they watched Netflix movies. Maya-maya, naririnig ko na silang nagtatawanan. They are looking through my childhood photo albums. Wala kasi akong ngipin noong grade school ako. Sira-sira dahil sa kakakain ko ng kendi. Cattleya even took a picture of it and posted it on Instagram.

Sinubukan kong agawin sa kanila ang photo album pero pinagpasa-pasahan nila iyon. We were laughing as I tried to get it from them. I pulled Cattleya's hair when it was passed to her.. "Ouch! May galit ka na yata talaga sa akin!" sigaw niya na tumatawa. Inabot niya ang buhok ko at nagsabunutan kami. Nang mapagod ay hingal na hingal kaming humiga sa carpeted floor.

"Yaya, our meal!" tapik sa akin ni Penelope. Nakangiti akong bumangon. Sabog ang buhok ko kaya inayos ko muna iyon bago ako naglakad patungong kusina. Then I clicked the spoon against the glass several times. "My pets! Kain na!" sigaw ko na natatawa. Speaking of pet, bigla kong naalala si Skye at ang amo niya. Ngunit iwinaglit ko sila sa utak ko. Maybe I'm just a passing fad for him. Hahayaan ko na lang. Wala namang nangyari sa amin. But, as I was thinking those thoughts, I couldn't help but cry on the inside.

"Inom tayo, dali!" MJ raised the can of Edelweiss beer she had taken from her backpack. Penelope bolted outside at pagbalik niya, may hawak na din siyang ganoong beer. Marahil ay galing sa sasakyan niya.

"Cheers!" we exclaimed before watching a film about the love story of Jun and Lee, who live in the same house but at different time intervals - two years apart. She leaves a Christmas card in the (magical) mailbox before leaving Il Mare, a seaside house. In 1997, an architecture student receives the letter, and a warm friendship develops.

"Uso na ngayon 'yan,' no? Ang time interval movies?" Penelope commented after we finished the film. Tanging ang hawak na lang naming can ang may laman ngunit hindi pa rin ako tinatamaan.

Tumango ako.

"Alam mo? Something is wrong with you. May boyfriend ka na, 'no?" tanong niya. Nakatulog na ang dalawang kasama namin sa magkahiwalay na sofa, kami na lang ang gising.

"Getting to know each other pa lang kaso baka malabo na," malungkot kong sabi.

"Bakit naman?"

Tumawa ako ng pagak. "Biglang hindi na niya ako pinapansin."

Tumaas ang kilay niya. "Yang ganda mong 'yan, iniignore niya? Pakilala mo sa'kin, uupakan ko!"

Tumawa lang ako.

"Nag-away kayo?"

"Hindi, first date nga namin dapat kagabi kaso hindi niya ako sinipot." Lumabi ako.

"Wow, ha? Kapag pinakilala mo sa amin 'yan, bugbog-sarado 'yan."

Silence hangs on us.

"Na-curious na tuloy ako sa ka-GTKEO mo."

Hindi ako sumagot.

"Love mo?" Nanunuri niyang tanong.

Wala sa sarili akong tumango.

"Why don't you took a courage and asked him why he stood you up on your first date?"



N/A: Remember may trauma si Hugh sa past niya so hindi natin siya masisisi magtiwala ulit lalo na at lapitin ng lalake ang babaeng gusto niya. Sana huwag kayong bumitiw. :)

June ( Gugma Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon