Chapter 33: Angela Razonable

10.3K 330 41
                                    

Chapter 33: Angela Razonable

"Misu tōresu!" sigaw ni Chef Miyuki sa pangalan ko, ang chef head restaurant na pinagtatrabahuhan ko. I'm now a sous chef, and this is my last stop on my culinary journey before returning to the Philippines. For the past five years, I've also been on a food trip to the best food destinations in the world. Among my favorite destinations are Hong Kong, Italy, Thailand, Mexico, Greece, Singapore, and, of course, Japan.

"Hai!" sigaw ko sabay lakad palapit sa kanya. Iniwan ko ang ginagawa kong sukiyaki. Balak kong ipatikim sa kanya iyon kung tama na ang lasa. Parang may kulang pa kasi sa ingredient.

"Could you please check the stock in the freezer?" pakiusap niya sa matigas na Ingles.

"Hai," sagot ko at agad namang tumalima sa inuutos niya. Dadagsa mamayang gabi ang mga parokyano namin kaya mabuti nang makabili ng stock kung may kulang. I then opened the freezer door and entered. Then I counted each box on the shelves and jotted down the information in my spill-resistant black notebook. Tantiya ko ay kukulangin ang pork, beef at scallions pati udon noodles at dried bonito flakes kaya isinulat ko iyon. Iuutos ko mamaya kay Ryōta para bilhin ang mga ito.

Chef Miyuki is quite strict in the kitchen, so everyone is always cautious. Every time he commands, he uses a firm voice. Iyong mapapagalaw ka hindi dahil sa takot, kundi dahil confident siya sa lahat ng iniuutos niya.

That night, a drunk Japanese called my name, and I approached him with a smile despite the fact that it was already 10:30 p.m. Sobrang susuko na ang paa ko sa ngawit sa katatayo mula pa kaninang alas onse ng umaga.

"Omae wa baka na no?" sigaw niya sa wikang Nihongo. Hindi pa man ako nakasasagot ay inihagis niya sa akin ang mainit na sabaw ng ramen.

Agad na kumilos ang kamay ko at iniharang iyon sa mukha ko ngunit kay init ng sabaw na iyon. "Itai!" sigaw ko. He even pushed me so hard that I stumbled with the other customers and they quickly stop the drunkard. Pakiramdam ko ay na-twist ang ankle ko sa pagkatumba ko ngunit hindi ko ininda iyon. Sinaklolohan ako ni Ryōta at agad akong dinala sa kusina.

"Is it painful?" kunot ang noo niya at kumikibot ang labi niya habang dinadahan-dahan ang paglislis ng chef coat ko hanggang sa siko ko.

"It hurts!" sabi ko na salubong ang kilay habang dumadaing sa sakit.

Pagkarolyo ni Ryōta ng sleeves ng suot ko ay sobrang pula na ng braso ko kaya inilagay niya kaagad sa running water. "It is already swollen. Allow this to sit for about twenty minutes before wrapping with cling wrap."

Kasasabi pa lang niya iyon ngunit nasa harap na namin kaagad si Chef Hanamichi, hawak sa kamay ang cling wrap. Inilapag niya iyon sa gilid ng sink at sinabing babalik na siya sa harap dahil marami pang dumadagsang parokyano.

"I can do it, you may return to your post," sabi ko. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso kong nasa running water at tinapik ko iyon. "I'll be fine here."

But I could feel the dull and prickly pain on it causing to have a burning sensation.

"Hontou ni?"

Pinilit kong ngumiti at dahan-dahang tumango. He slowly let go of my arms and tapped my shoulder as he went inside to attend to the needs of the customers.

Hindi pa rin ako umuwi ng gabing iyon kahit na pinapauwi ako ni Chef Miyuki. I kept boiling the tsukemen broth and other ramen broths inside the kitchen. Alas dose na nang makapagligpit kami.

Ryta insisted on sending me home, but I refused. Malapit lang naman ang bahay na tinutuluyan ko.

I then walked alone through Shibuya's busy streets. Napatigil ako sa paglalakad nang mabunggo ng kasalubong kong lalake ang napasong braso ko.

"Ouch!" sigaw ko sabay hawak ng parteng iyon. I squinted at him.

"Sumimasen!" sigaw niya habang yumuyuko at naglalakad ng paatras.

My brows was furrowed while whining from pain. I then turned around and took a slower step, and then a few drops of white stuff fell from the sky. Paisa-isa na ang pabagsak ng maninipis na niyebe. Para iyong mumunti at mapuputing bulak na galing sa kalangitan. I extended my hand and caught some of it.

"Skye, you've done an excellent job," sabi ko habang nag-iinit ang magkabilang-mata ko. Pinaypayan ko iyon at itiningala ang mga mata ko at sinalubong ang lamig na dala ng nagbabagsakang snow. "I'm glad you've gotten this far. You did it. You didn't quit!"

A year has flown by, and I'm ready to return to the Philippines tomorrow. Ipinakargo ko na ang mga gamit ko at ang maliit na itim kong luggage ang itinira ko.

Ngayon ay naghahanda ako para sa sobetsukai o pa-farewell party ng mga katrabaho ko sa Mikoto Fuunji. I combed my pixie hair, lightened my brown eyes, and reddened my thin lips. I wore a parka coat and a white cotton long sleeve shirt that hugged my body. My knee-length leather skirt, palm-length gloves, and combat red boots matched the deep red on my lips.

Kakaturn-off ko lang ng warmer nang biglang magring ang mobile phone ko. Pagtingin ko niyon ay pangalan ng isa sa taong namimiss ko ang nasa screen.

Angelo wants to speak with me via video call.

Agad kong ini-slide ang green button at tumambad sa akin ang pinakaimportanteng tap sa buhay ko.

"Hello, mommy!" matinis at ipit ang boses ng batang iyon habang ikinakaway ang dalawang kamay niya.

I smiled from ear to ear as I gazed at her tiny, lovely face. "Hi, baby!"

"When do you plan to return home?" Her thin pinky lips pouted. Kipkip niya sa kamay niya ang glass drinking cup niya sabay sipsip ng hintuturo niya. It's been her habit since birth, and I've told Angelo and my mom to break it, but my pretty girl still can't.

"Bukas po," sagot ko habang itinatabi sa pintuan ang maliit na maleta ko.

"Yay!" She giggled and groaned with excitement and slid down from the black sofa. "Promise po?"

"Yep."

"I can't sleep without you, mommy. I'm really missing you na. How many days and nights have you been gone?" She approached Angelo and he gave her a banana. Ibinigay niya sa daddy niya ang hawak niyang drinking cup at pumirmi siya sa tabi at kumagat sa saging habang hawak sa kamay niya ng phone.

"Mommy will be there without you even realizing it," sabi ko na nanggigigil. Gustong-gusto kong kurutin ang kulay rosas na pisngi niya.

She then walked back and grabbed a piece of paper, which she showed me "Look, Mommy! I can now write my name."

"Wow! Ang galing naman ng baby namin na 'yan!" puri ko sa kanya.

She let out a cute little giggle and read her full name aloud. "Angela Razonable," she says. Muli na naman siyang naglakad at pinanood ko lang ang kalikutan niya. Hindi siya napipirmi sa isang tabi. Parang ako lang noong bata ako. Could you please pass that to me, Yaya?" Dinig kong sabi niya.

Nabitiwan niya ang hawak niyang phone. Tumalbog iyon sa carpeted floor at narinig ko ang muli niyang pagbungisngis.

"Angela, be careful! That's my fourth phone!" sigaw ni Angelo. Napapailing na lang ako habang ngumingiti.

Nang iangat ni Angela ang phone mula sa sahig ay tumambad ang kulay-kapeng mga mata niya. Nakatutok ng sobra ang phone roon. "Mommy, look!" excited na sabi niya habang binubuklat ang isang photo album. "Yay!" she cheered. Nang madako siya sa isang larawan ay tumigil siya at ipinagdikit ang larawan na iyon sa sarili niyang mukha.

Napatigil ang paghinga ko nang makita ko ang larawang iyon.

"Is this me, mommy?" tanong niya habang itinuturo ang larawan ko noong kasing-edad ko siya.

"No, that's me," I blurted laughing.

"It's me po," pangungulit niya.

Yeah. Angela is a miniature version of myself. Para akong nananalamin sa pagkabata ko kapag tumitingin ako sa kanya. Sabi nga ng iba, para kaming pinagbiyak na bunga.

June ( Gugma Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon