CHAPTER 1

2.7K 130 14
                                    

Aicelle Point of View...

Ako nga pala si Aicelle nag aaral ako sa TAKEZONO kung saan dun din nag aaral si kuya Oda. Malaki ang pag hanga ko kay kuya pag dating sa paglalaro ng basketball dahil sya lang naman ang ACE PLAYER ng TAKEZONO. Sobrang galing nya! kaya ang daming humahanga kay kuya pero hindi naka pasok sa Interhigh ang team nila dahil tinalo sila ng pinaka magaling sa distrito ng KANAGAWA ang team ng KAINAN..

"Aicelle." pagtawag ni Mama..

"Nandyan na po Ma." sagot ko.

Pagbaba ko nakita ko si kuya Oda at ate Yoko ang girlfriend ng kuya ko. Napaka bait ni ate Yoko sa amin kaya naman botong boto ang parents ko kay ate Yoko.

"Papasok kana ba?" tanong ni kuya.

"Opo kuya pero pahingeng baon." malambing kong sabe sa kanya.

"Oh tipirin mo yan isang linggo mong allowance yan." birong sabe ni kuya sakin.

"Kuya naman bakit ito lang baka di ako mabuhay nito." pagrereklamo ko..

"Ngayon mo lang baon yan." nakangiting sagot ni kuya Oda.

"Talaga kuya salamat hehehe sige alis na ako kuya bye ate Yoko." pagpapaalam ko

"Ingat Aicelle.....

Napakasaya ko dahil may pasok nanaman. Gustong gusto ko may pasok dahil may baon hehehe. Ang totoo namimiss ko kasi ang mga classmate ko dahil wala akong kapatid na babae. Dalawa lang kami ni kuya na anak ni Mama tinuring ko na rin na ate si ate Yoko pero iba parin ang totoong may kapatid na babae..

Pag dating ko sa school nagulat ako ng makita ang team ng SHOHOKU. Ang totoo wala akong kilala sa SHOHOKU kasi hindi ako nakakanood ng laban ni kuya Oda. Bakit kaya nandito ang team nila ano kayang meron?

Natatawa ako ng makita ang lalaking may pulang buhok kakaiba ang itsura nya para syang manok. Ayoko tumawa pero nakakatawa sya pati ang pag sasalita nya! hindi ko akalain na may player pala silang pula ang buhok alam ko kasi bawal sa player ang may kulay.

"Ano bang ginagawa natin dito Sakuragi?" inis na tanong ni Mitsui.

"Nakakahiya pinag titinginan tayo ng mga babae dito." bulong ni Wezaki..

"Yari tayo nito kay captain di tayo nag practice." kinakabahang sabe naman ni Rekori.

"Hahaha wag kayo mag alala kay kulot ako bahala dun." pagtawang sabe ni Sakuragi..

"Ikaw ang bahala kami kawawa. Vice captain pa mandin ako kinunsente ko kalokohan mo." naiinis na turan ni Mitsui.

"Gusto ko lang maki balita kay Oda kaso parang wala sya dito." seryosong tinignan ni Sakuragi ang paligid habang naglalakad.

"Sino si Oda?" tanong ni Rekori.

"Ang Ace player ng TAKEZONO at karibal ni Sakuragi kay Yoko." sagot ni Mitsui habang tumatawa.

"Bakit puro babae ang nakikita ko parang wala naman lalaki." pagtataka ni Wezaki.

"Ayaw mo nun puro anghel ang nasa paligid" ngising sabe ni Mitsui.

Umalis na ako at pumunta na sa klase ko. Gusto ko sana sila lapitan at itanong kung bakit sila nasa school ng TAKEZONO dahil ang layo ng school ng SHOHOKU sa school namin. Si kuya Oda kaya ang pinunta nila????

"Nandyan nanaman ang mga pangit na yan." bulong ni Trisha habang nakatingin sa team ng SHOHOKU.

"Sigurado minamanmanan nila ang Ace player natin na si Oda." bulong ding sabe ni Jinky.

Nakakapag taka lang bakit mamanmanan ng Shohoku ang Takezono. Ang pagkakaalam ko naging pangalawa ang Shohoku sa pinaka magaling kaya bakit nila mamanmanan si kuya Oda.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon