CHAPTER 21

1.1K 106 7
                                    

Hindi nakipag practice si Sakuragi dahil iniisip parin nya ang sinabe ni Aicelle sa kanya. "Sigurado ka bang di ka makikipag practice?" tanong ni Mito.

"Oo nga Hanamichi sigurado hinahanap kana ni Haruko at ni Ayako." sabe naman ni Takamiya.

Hindi sumagot si Sakuragi sa tanong ni Mito at naglakad lang ito na parang wala sa sarili. "Mito gusto ko na mag quit sa basketball." seryosong sabe ni Sakuragi.

"Ano bakit naman?" tanong ni Mito na ikinagulat ng mga kaibigan nya.

"May problema kaba?" tanong ni Noma.

"Wala ng dahilan para maglaro pa ako." umiiyak na paliwanag ni Sakuragi saka tumakbo palayo kanila Mito.

"Ano bang nangyayare kay Hanamichi." nagtatakang tanong ni Takamiya.

Hindi na nga pumasok si Sakuragi kaya naman nag aalala si Haruko at Ayako sa kanya. "Nasaan na ba yang si Sakuragi." inis na tanong ni Ayako.

"Wala nga rin sila Mito hindi kaya kasama nila si Sakuragi?" napapaisip ni Haruko.

"Gung gong talaga." bulong ni Rukawa.

"Palagay ko di na sya darating." sabat ni Ryota.

"Hindi kaya may problema yang si Sakuragi? Hindi naman yan umaabsent sa mga practice natin." singit ni Mitsui sa usapan

"Siguro nga ngayon lang kase sya hindi nakipag practice." sagot naman ni Wezaki.

Nagsimula na nga mag practice ang SHOHOKU kahit wala si Sakuragi. Iniisip naman ni Rukawa na si Aicelle ang dahilan kung bakit hindi nakipag practice si Sakuragi pero ayaw nyang mag salita o makialam sa pribadong buhay nito..

"Sana nga nagkakamali ako ng iniisip sayo Sakuragi." bulong ni Rukawa habang nakatingin sa labas.

Pumunta si Sakuragi sa puntod ng tatay nya ng hindi alam nila Mito. "Bakit iniwan nyo ako dito? Itay talaga bang kapalaran ko ang masaktan? Sana sinama nyo na lang ako dyan para hindi ko nararanasan ang masaktan." sabe ni Sakuragi habang umiiyak.

"Ilang babae ba ang dapat manakit sakin? 100 ba? O lagpas? sabihin mo itay para alam ko kasi nasasaktan na ako napapagod na ako....

Nang matapos dalawin ni Sakuragi ang tatay nya dumiretso sya sa gym pero wala na ang team. Nagulat naman sya ng makita si Rukawa na seryosong nakaupo at nakayuko.

"Wag nyang sabihin may problema din sya." bulong ni Sakuragi habang nakatingin kay Rukawa.

"Pumasok kana gung gong nakikita kita...

"Bakit nandito kapa?" tanong ni Sakuragi.

"Eh ikaw bakit di ka nakipag practice?" balik na tanong ni Rukawa.

"Mag ququit na ako sa basketball. Alam ko naman yun ang gusto mo di ba ang mawalan ng gung gong dito sa gym. Masaya kana ba hari ng yabang?" inis na turan ni Sakuragi.

"Edi inamin mo din na gung gong ka." pang iinis ni Rukawa.

Hindi umimik si Sakuragi at tumabe lang ito kay Rukawa hindi na rin umimik si Rukawa na parang may iniisip din. "Hay naku." buntong hininga na lang ni Rukawa.

"One on one tayo Rukawa." paghahamon ni Sakuragi.

"Kapag nanalo ako hindi ka mag ququit sa basketball at kapag natalo naman ako dalawa tayong mag ququit sa basketball." seryosong sabe ni Rukawa.

"Ano? Bakit ka mag ququit? Dapat nga maging masaya kana hindi muna ako makikita dito....

"Hindi ako masaya Sakuragi kailangan ka ng team at kailangan kita." sagot ni Rukawa.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now