CHAPTER 16

1.2K 108 13
                                    

Nagpasya si Sakuragi na ihatid si Aicelle at hindi sya mapalagay dahil iniisip nya ang mga sinabe ni Mitsui at Miyagi.

"Kuya Sakuragi bakit ang tahimik mo? May problema ka ba?" tanong ni Aicelle.

"Wala naman Aicelle." sagot ni Sakuragi.

"Parang meron ka kasing gustong sabihin sakin...

"Nahihiya ako kase ako." ngiting sabe ni Sakuragi.

"Wag kana mahiya kuya Sakuragi tayong dalawa lang naman please sabihin mo na." pangungulit ni Aicelle..

"Ano kasi. Ano ba ang nararamdaman mo sakin Aicelle may pag asa ba ako? o special lang ba ako bilang kaibigan sayo?" seryosong tanong ni Sakuragi.

"Bakit mo biglang natanong yan kuya Sakuragi?" nagtatakang tanong naman ni Aicelle..

"Ano kasi gusto kita pero kung si Patrick ang gusto mo wala naman akong magagawa yun nga lang pang 53 kanang babae na bumasted sakin." sabe ni Sakuragi na hindi maiwasan mahiya kay Aicelle.

"Wala naman akong sinabe na binabusted kita hindi nga lang ako sigurado kasi natatakot akong masaktan kuya Sakuragi." paliwanag ni Aicelle..

"Hindi ko naman sasaktan ang puso mo. Mag tiwala ka sakin Aicelle at di ko rin minamadali na magustuhan mo ko dahil gusto kong makilala mo ako kung sino ba talaga si Hanamichi Sakuragi.....

"Alam mo ang totoo nyan special ka sakin hindi bilang kaibigan ewan ko ba kung ano nakita ko sayo kahit di kana man gwapo." biro ni Aicelle...

"Aray ang sakit naman nun wahahaha pero kung ikaw magsasabe ayos lang." natatawang turan ni Sakuragi

"Ikaw kuya Sakuragi sinong crush mo? yung totoong crush mo hah...

"Isa lang naman ang gusto ko yung kasama ko ngayon." sagot ni Sakuragi sabay tawa.

"Bolero ka kuya Sakuragi." napapangiting sabe na lang ni Aicelle..

"Sakuragi....

Nagulat sila ng makita si Flora Mae na kasama si Haruko at Rukawa. Lumapit ito kay Sakuragi at binigyan ito ng magandang ngiti..

"Flora Mae ano ginagawa mo dito?" tanong ni Sakuragi.

"May dinaanan lang halika punta tayo sa bahay. Nagluto ang Mama ni Haruko." pag aaya ni Flora Mae sabay hawak sa kamay ni Sakuragi.

"Ah eh teka lang Flora Mae kasi hahatid ko pa si Aicelle ayos lang ba?" ngiting tanong ni Sakuragi.

"Ayos lang kuya Sakuragi sumama kana kaya ko naman mag isa umuwi." sagot ni Aicelle.

"Hindi pwede ayoko umuwi ka mag isa. Ayos lang ba Flora Mae hatid ko muna si Aicelle tapos punta ako sa bahay nila Gori para kumain." anya ni Sakuragi.

"Bakit hindi na lang natin sama si Aicelle? Mas maganda kung madami tayo di ba." suggest ni Flora Mae.

"Hindi na Flora Mae may tatapusin pa kasi akong homework." pagdadahilan ni Aicelle

"Ok." tipid na sagot nalang ni Flora Mae.

Nagkatinginan si Rukawa at Sakuragi na parang may hindi magandang mangyayari sa pagitan ni Aicelle at ni Flora Mae kaya ngumiti na lang si Sakuragi dahil ayaw nyang may babaeng nag aaway ng dahil sa kanya..

"Sige ganito na lang pupunta ako pero hahatid ko muna si Aicelle ayos ba yun." sabe ulet ni Sakuragi.

"Sige Sakuragi aasahan kita." turan ni Flora Mae.

"Wag kana pumunta." bulong ni Rukawa.

"Ayoko sayang yung pagkain." sagot ni Sakuragi.

"Take out na lang kita." sagot naman ni Rukawa.

Nagtinginan naman sila Haruko, Flora Mae at Aicelle dahil nagbubulungan sila Rukawa at Sakuragi. Tawa naman ng tawa si Sakuragi sa sinabe ni Rukawa kaya nagtataka tuloy ang tatlo kung anong pinag uusapan ng dalawa...

"Sige alis na kami." pagpapaalam ni Rukawa.

"Sakuragi hihintayin kita." habol na sabe ni Flora Mae.

"Oo basta pagkain darating ako wahahaha." natatawang sagot naman ni Sakuragi.

"Sana sumama kana sa kanila kuya Sakuragi ayos lang naman kung umuwi ako mag isa eh." sabe ni Aicelle.

"Ano ka ba pwede ba naman kitang iwan di ko gawain yun. Nagseselos ka ba kay Flora Mae? Gusto mo kumain din ako sa inyo wahaha." natatawang biro ni Sakuragi.

"Mabubusog ka kapag kumain ka samin baka di kana makakain kanila Flora Mae kapag kumain kapa." sagot ni Aicelle.

"Kahit mabusog ako kakain parin ako. Wag kana malungkot kakain ako sa inyo para naman makita ko ulit na masaya ka." ngiting sabe ni Sakuragi.

"Talaga kuya Sakuragi?

"Oo naman ngumiti kana....

Hindi binigo ni Sakuragi si Aicelle at kumain nga ito sa kanila kasama ang mga magulang ni Aicelle..

"Masarap ba Sakuragi?" tanong ng Papa ni Aicelle..

"Sobra po wala na ba?" natatawang tanong ni Sakuragi.

"Wala na ubos na bukas ipagluluto kita ng baon mo." anya ng Mama ni Aicelle..

"Ang swerte ko naman talaga salamat sa inyo Mama at Papa." naiiyak sa tuwa ni Sakuragi at niyakap ang mga magulang ni Aicelle..

Natatawa tuloy si Aicelle dahil tinawag ni Sakuragi na Mama at Papa ang mga magulang nya na kahit kailan hindi nagawa ni Patrick. Si Sakuragi lang ang may lakas ng loob na yakapin ang mga magulang nya at tawaging Mama at Papa...

Nagpaalam na si Sakuragi sa mga magulang ni Aicelle at hinatid naman sya nito hanggang sa labas...

"Pupunta kapa ba kanila Flora Mae?" tanong ni Aicelle..

"Bakit ayaw mo ba?" natatawang tanong ni Sakuragi.

"Kung sasabihin ko bang ayoko pupunta ka parin ba kuya Sakuragi?" tanong ulet ni Aicelle.

"Oh bakit malungkot ka nanaman? Sige hindi na ako pupunta inaantok narin naman ako wahahaha." sagot ni Sakuragi.

"Talaga kuya? saan ka matutulog pala?" tanong ni Aicelle..

"Sa gym o kaya sa bahay nila Mito depende kung saan abutan ng antok." ngiting sagot ni Sakuragi saka naghikab

"Mag iingat ka kuya Sakuragi hah...

"Oo naman sige Aicelle uwi kana malapit naman na ang bus kaya ko na hehehe..

Nagulat si Sakuragi ng yakapin sya ni Aicelle hindi nya tuloy alam kung hahawakan ba nya si Aicelle dahil kinakabahan sya. Malaki ang respeto nya pag dating sa babae at lalo na kay Aicelle..

"Kuya Sakuragi mamimiss kita." bulong ni Aicelle habang nakayakap kay Sakuragi...

"Hah? Oo sige mamimiss din kita. Aicelle bumitaw kana baka iba isipin ng tao sa atin ayokong masira ang tiwala ng Mama at Papa mo sakin." sabe ni Sakuragi

Bumitaw naman si Aicelle at nakita nya na umiiyak ito. Nagtaka tuloy sya dahil di nya alam kung bakit umiiyak si Aicelle..

"Bakit ka umiiyak? Sige yakapin mo na ulit ako wag ka lang umiyak wahahaha." biro ni Sakuragi sabay tawa.

"Mamimiss kasi kita kuya Sakuragi baka di na kasi ako makapunta sa school mo dahil ang dami ng activities sa school namin. Magiging busy na rin ako dahil ayaw ni kuya Oda na pinababayaan ang pag aaral." seryosong sabe ni Aicelle.

"Tama naman ang kuya Oda mo wag ka mag alala ako ang dadalaw sa school mo ayos ba yun? wag kana umiyak." ngiting sabe ni Sakuragi at pinunasan ang luha ni Aicelle..

"Talaga kuya Sakuragi? sabe mo yan hah...

"Oo naman hinding hindi ka bibiguin ni Hanamichi Sakuragi...

Napangiti na lang si Aicelle dahil sa sinabe ni Sakuragi sa kanya.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now