CHAPTER 20

1.2K 106 8
                                    

Nang matapos kausapin ni coach Anzai si Sakuragi nag palit muna ito bago umuwi. Nagtaka sya ng makita sa labas si Flora Mae at Aicelle..

"Hanamichi hinihintay ka ng dalawang bebot." sabe ni Takamiya.

"Paano ba yan Sakuragi mauna na kami sayo." anya ni Mito saka nagpaalam na kay Sakuragi.

Seryosong nakatingin si Sakuragi kay Flora Mae at Aicelle hindi nya alam kung lalapitan nya ba o uuwi na lang sya.

"Sakuragi..

"Kuya Sakuragi..

Nagulat pa si Sakuragi ng lumapit na si Aicelle at Flora Mae sa kanya. Hindi tuloy nya alam kung sino ang unang kakausapin sa dalawa...

"Sakuragi ihatid mo naman ako samin." paglalambing ni Flora Mae saka humawak sa braso ni Sakuragi.

"Sige ihahatid kita tapos mo si Aicelle naman ang ihahatid ko ayos ba yun." ngiting sabe ni Sakuragi.

"Wag na kuya Sakuragi sya na lang ang ihatid mo ayos lang ako. Isa pa pupuntahan ko rin ang kuya ko." sabe ni Aicelle.

"Yun naman pala Sakuragi ano tara na?" tanong ni Flora Mae na parang walang pakialam kay Aicelle.

"Teka lang Flora Mae kausapin ko lang si Aicelle." sabe ni Sakuragi at bumitaw kay Flora Mae.

"Kuya Sakuragi masaya kaba kay Flora Mae?" tanong ni Aicelle.

"Hah? Oo masaya ako sa kanya pero mas masaya ako sayo wahahaha kaya wag kana malungkot." ngiting sagot ni Sakuragi.

"Kuya Sakuragi ihatid muna sya wag muna ako ihatid. Ayos lang naman ako tsaka kaya ko naman umuwi mag isa." sabe ni Aicelle.

"Nalulungkot na rin tuloy si kuya Sakuragi. Pwede ba naman kitang pabayaan umalis mag isa. Aicelle nag seselos ka ba kay Flora Mae?" tanong ni Sakuragi..

"Hindi ako nagseselos kuya Sakuragi ayos lang talaga ako pakiusap ihatid muna sya." sagot ni Aicelle.

"Sige pero mag text ka sakin kapag nakarating kana sa kuya mo hah Ingat ka Aicelle." ngiting sabe ni Sakuragi.

Umalis na nga si Sakuragi kasama si Flora Mae hindi na napigilan ni Aicelle na umiyak

"Sana kuya Sakuragi ako ang pinili mo at hindi sya. Gusto kong sabihin sayo na nagseselos ako pero di ko masabe dahil kaharap sya sana ako na lang kuya Sakuragi." sambit ni Aicelle.

Umalis na si Aicelle para puntahan ang kuya nya. Gusto nyang umiyak sa kuya nya dahil ito lang ang karamay nya kapag malungkot sya...

"Tanga ka ba? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo." inis na sabe ng lalaki kay Aicelle..

"Ang haba naman ng buhok mo....

Isa si Minori Kishimoto sa manlalaro ng TOYOTAMA mahilig sa gulo at kaibigan ni Minami. "Ano sabe mo? Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo." inis na sabe ni Kishimoto.

"Player ba yun? napaka sungit naman." bulong ni Aicelle habang nakatingin sa lalaking di nya kilala..

Nagmamadaling umalis si Kishimoto at iniwan si Aicelle. "Ang tangkad nya kaso ang haba ng buhok...

Pag dating ni Aicelle sa rehab nakita nya ang kuya nya na kumakain mag isa. Nilapitan nya ito at niyakap nagulat naman si Oda ng makita ang kapatid nya..

"May problema kaba Aicelle?" tanong ni Oda.

"Wala kuya namimiss lang talaga kita." naiiyak na sagot ni Aicelle habang yakap ang kuya nya..

"Kilala kita Aicelle kaya sabihin muna sakin kung anong problema." nag aalalang tanong ni Oda.

"Kuya kasi si Sakuragi....

"Anong ginawa ni Sakuragi sayo? sinasabe ko na nga ba eh kaya ayokong lalapit ka dun eh..

"Kuya patapusin mo muna ako please. Wala syang ginawa sakin napaka bait ni Sakuragi sakin kaya nga ako nagkaka ganito kasi ano kuya mahal ko na sya." sabe ni Aicelle at niyakap ng mahigpit ang kuya nya.

"Ano mahal muna? Aicelle nag aaral ka palang tigilan mo yang love love." inis na sabe ni Oda sa kapatid.

"Bakit ikaw kuya nung nag aaral ka may girlfriend kana din. Isa pa di naman ako sigurado kung gusto ba ako ni kuya Sakuragi eh." sabe ni Aicelle.

"Paano mo nasabing di ka gusto nun? Wala naman atang babae nagkaka gusto dun maliban sayo kaya nga nagtataka ako kung ano nagustuhan mo sa kanya....

"Kuya hindi lang ako may gusto sa kanya. Hindi ba kilala mo si Haruko? yung pinsan ni Haruko na si Flora Mae may gusto kay Sakuragi." kwento ni Aicelle.

"Bumaligtad na ba ang mundo? Ano kayang nakita nyong dalawa dyan kay Sakuragi kung tutuusin walang maipagmamalaki si Sakuragi ubod pa ng yabang akala mo magaling....

"Kuya naman ang sakit mo naman mag salita sa kanya. Mayabang nga sya pero mabait naman si kuya Sakuragi kaya nga nagustuhan ko sya eh kaso di ko alam kung gusto rin ba nya ako...

"Hayaan mo ako kakausap kay Sakuragi." sabe na lang ni Oda.

Ayaw ni Oda na umiiyak si Aicelle lalo na kung lalaki ang dahilan. Ilang araw na lang lalabas na rin sya sa rehab pero hindi na ito makakapag laro tulad ng dati. Madali naman natanggap ni Oda ang nangyari sa kanya kaya susuportahan nya ang SHOHOKU dahil gusto rin nya makita ang laro ni Sakuragi..

Nagpaalam na si Aicelle sa kuya nya para umuwi. Nagulat sya ng makita si Sakuragi sa labas at hinihintay sya kaya laking tuwa nya ng makita ito..

"Kuya Sakuragi." sambit ni Aicelle at niyakap si Sakuragi.

"Teka Aicelle baka makita tayo ng kuya mo sabihin ang bilis ko hinay hinay." bulong ni Sakuragi.

"Bakit ka pala nandito?" tanong ni Aicelle.

"Dinadalaw ko ang kuya mo wahaha joke lang ano kasi gusto kita makita." nahihiyang ngumiti si Sakuragi  at kinilig naman si Aicelle.

"Wee talaga ba? kamusta naman ang paghatid mo kay Flora Mae kumain kaba sa kanila?" tanong ulit ni Aicelle.

"Niyaya nya ako pero sabe ko busog ako pero atin atin lang to di talaga ako busog wahahaha pwede bang makikain sa inyo Aicelle." natatawang sabe ni Sakuragi.

Natawa si Aicelle pero kinilig sya ng malaman nyang di kumain ang kuya Sakuragi nya kanila Flora Mae. "Sige kuya Sakuragi dun ka sa bahay kumain sigurado matutuwa sila Mama at Papa pag nakita ka." ngiting sabe ni Aicelle.

Sabay nga na umalis si Aicelle at Sakuragi hindi na nagpakita si Sakuragi kay Oda dahil ayaw nya rin tong makita..

Pag dating sa bahay nakita nyang nandun ulit si Patrick. Hindi naman nainis si Sakuragi pero nadismaya naman si Patrick ng makita na magkasama nanaman sila ni Aicelle.

"Kayo na ba?" tanong ni Patrick..

"Oo." sagot ni Aicelle..

"Hindi pa." sagot naman ni Sakuragi.

Halos sabay na sumagot si Aicelle at Sakuragi pero magkaiba ng sagot kaya naguguluhan si Patrick.

"Teka Aicelle tayo na ba? bakit di ko alam." nagtatakang tanong ni Sakuragi.

"Kuya Sakuragi wag kang maingay sinabe ko lang yun para tigilan na ako ni Patrick." bulong ni Aicelle.

Galit na galit si Patrick kay Sakuragi kaya umalis ito at iniwan sila ni Aicelle. Seryoso naman naupo si Sakuragi dahil naisip nyang panakip butas lang sya ni Aicelle para tigilan sya ni Patrick...

"Kuya Sakuragi ayos ka lang ba?" tanong ni Aicelle.

"Ayos lang Aicelle hindi na pala ako kakain may pupuntahan pala kami ni Mito ngayon." pagdadahilan ni Sakuragi.

Lumabas na si Sakuragi at hindi na sya nagpahatid kay Aicelle. Umiiyak sya habang iniisip ang mga sinabe ni Aicelle. "Magtatapat na sana ako ng nararamdaman ko para sayo Aicelle kaso di pala ako ang gusto mo." umiiyak na sigaw ni Sakuragi..

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum