CHAPTER 9

1.2K 116 18
                                    

Nagpaalam na si Aicelle kay Sakuragi para puntahan sa bahay ang classmate nitong si Fridah. "Masaya talagang kausap at kasama si kuya Sakuragi sana nga makalabas na sya para makita ko ang paglalaro nya." napapangiting sabe ni Aicelle habang naglalakad.

Pag dating ni Aicelle sa bahay nila Fridah nandun din ang iba nyang classmate.

"Nandyan kana pala Aicelle pasok ka." anya ni Fridah..

Inalis muna ni Aicelle ang sapatos nya at nagulat sya ng hawakan ng lalaki ang braso nya. "Ang tangkad nya at medyo kalbo siguro kapatid to ni Fridah." bulong ni Aicelle habang nakatingin sa lalaki.

"Ipasok mo na yan." utos nito..

"Kuya Eiji wag mo naman sungitan si Aicelle." sabe ni Fridah sa kuya nyang si Eiji.

"Eiji? bakit kapangalan ata ng lalaking sinabe ni Minami baka siguro magkapangalan lang sila." sambit ni Aicelle.

"Fridah ang gwapo ni Eiji." kinikilig si Jewel habang nakatingin sa kuya ni Fridah.

"Hindi nyo ba alam na ace player yan ng Sannoh. May boyfriend na ba yang kuya mo Fridah?" ngiting tanong naman ni Cally.

"Manlalaro ang kuya mo Fridah?" tanong ko agad ni Aicelle..

"Oo Aicelle manlalaro sya ng sannoh. Siguro nagtataka kayo bakit sa TAKEZONO ako pumasok ayoko kasi kasama si kuya sa iisang school." sagot ni Fridah.

"Ano bang full name ng kuya mo?" tanong ulet ni Aicelle dahil nahihiwagaan sya sa kuya ni Fridah na si Eiji.

"Eiji Sawakita para naman di Sawakita ang apelyido ko Aicelle." natatawang sagot ni Fridah.

Muntik ng maibuga ni Aicelle ang iniinom nyang juice. "So ibig sabihin ito pala ang Eiji Sawakita na sinasabe ni Minami?" napapatanong sa isip ni Aicelle.

"Ayos ka lang ba Aicelle?" tanong ni Fridah..

"Ayos lang ahm Fridah pagkatapos nito uuwi na ako ayoko magtagal dito." sabe ni Aicelle sa kaibigan dahil ayaw na nyang makausap pa ang kuya ni Fridah..

"Bakit naman? natatakot ka ba sa kuya ko? di naman yan nananakmal nangangain lang ng buhay." biro ni Fridah.

"Tapos na ba kayo gumawa ng project? puro kayo daldalan." bungad ni Eiji.

"Sorry kuya si Aicelle kasi natatakot sayo." sabe ni Fridah sabay tawa.

"Natatakot ka sakin?" tanong ni Sawakita..

"Hindi po." nakayukong sagot ni Aicelle..

"Halata ngang di ka natatakot dahil di mo ko matignan." sabe ni Eiji habang nakatingin kay Aicelle..

"Eiji." pagtawag sa labas ni Minami

"Nandyan na ata si Minami. Iiwan ko muna kayo." agad na lumabas si Sawakita ng pigilan sya ni Aicelle.

"Anong problema?" tanong ni Sawakita.

"Pwede bang ako na lang ang haharap kay Minami." pakiusap ni Aicelle..

"Kilala mo sya?" nagtatakang tanong naman ni Sawakita.

"Bakit kilala mo si Minami Aicelle? Ikaw hah." tukso ng mga classmate nya..

"Ah ano kasi basta...

"Girlfriend ka ba ni Minami?" tanong ulet ni Sawakita.

"Hah hindi. Ano lang...

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na di ko naman talaga kilala si Minami hindi nga rin kami close nun. Bakit naman kasi magkakakilala tong mga to sana di na ako pumunta sa bahay nila Fridah." inis na bulong ni Aicelle.

Nagulat si Aicelle ng pumasok si Minami kasama si Hanagata. "Bakit naman kasi ngayon pa sila pumunta rito gusto ko na tuloy umuwi at kumirapas ng takbo." sabe ni Aicelle sa isip nya..

"Kanina pa kami sa labas para kang bingi." inis na turan ni Minami..

"Pasensya na may isang babae kasi rito na ang sabe sya na daw ang haharap sayo." seryosong sabe ni Sawakita habang nakatingin kay Aicelle..

"Sinong babae?" takang tanong naman ni Minami..

"Ito." sagot ni Sawakita sabay tanggal ng notebook sa mukha ni Aicelle..

"Aicelle." sambit ni Hanagata.

"Ako nga nandito pala kayo." nasabe nalang ni Aicelle pero na hindi maiwasan kabahan..

"Small world Aicelle." ngiting sabe ni Minami..

"Magkakilala kayo?" tanong ni Eiji.

"Eiji may gusto akong ikuwento sayo pero palagay ko di mo magugustuhan yun." nakakalokong tumingin si Minami kay Aicelle.

"Sorry na." hinging paumanhin ni Aicelle na hindi makatingin kay Eiji....

"Bakit ka nag sosorry Aicelle?" takang tanong ni Fridah..

"Bakit ka nga ba nag sosorry Aicelle." ngiting sabe ni Minami..

"Nakakainis tong lalaking to ginigisa ako di ko na tuloy alam kung paano ako haharap sa kapatid ni Fridah lalo na nandito pa kami sa bahay nila." inis na tinignan na bulong ni Aicelle....

"Sawakita may laro tayo nila Maki pumunta ka tutal naman nandito na kayo ni Minami." seryosong sabe ni Hanagata.

"Sige." sagot nalang ni Eiji.

"Wag muna tayo umalis." ngiting tumingin si Minami kay Aicelle..

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Eiji.

"Wala naman. Nag eenjoy lang kasi ako dito di ba Aicelle." ngiting sabe ni Minami...

"Tara na naghihintay na si Maki sa court kasama si Sendoh at Rukawa." sabe ni Hanagata.

"Si Rukawa at Sendoh kasama? mukhang mag eenjoy akong maglaro." exciting na sabe ni Sawakita.

"Oo nandun sila." sagot ni Hanagata.

At bago umalis tinignan si Aicelle ng masama ni Eiji at ngumiti naman si Minami sa kanya. "Sana talaga di magsalita yung lalaking yun dahil kung hindi baka di na ako makapunta sa bahay nila Fridah." naiiyak na sabe ni Aicelle.

"Hindi mo sinabe sakin Aicelle na kilala mo pala si Minami crush na crush ko yun." kinikilig na kwento ni Cally..

"Hindi ko kilala si Minami nagkataon lang na pareho kaming nanonood ng laro nun." sagot ni Aicelle dahil yun naman talaga ang totoo.

"Alam mo bang ace player yang si Minami ng TOYOTAMA magaling din maglaro yan sabi ni kuya Eiji pero ang gusto nya talagang makalaban si Rukawa, Sendoh at tska yung may pulang buhok si Sakuragi ata name nun di ako sure." kwento ni Fridah..

"Si Sakuragi?" takang tanong ni Aicelle..

"Oo yung taga SHOHOKU sabe kasi ni kuya Eiji magaling daw yun lalo na sa rebound bilib daw sya sa taas tumalon ni Sakuragi." kwento ulet ni Fridah..

"Yung Rukawa ang gwapo rin kaso may girlfriend na." sabat ni Jewel.

"Ikaw Fridah sinong crush mo." tanong ni Cally..

"Si Fukatsu pero atin atin lang yun magagalit kase si kuya." ngiting sabe ni Fridah..

Walang kilala si Aicelle sa mga sinasabe ng mga kaibigan nya dahil hindi naman sya nanonood ng laro.

"Tara gumawa na tayo ng project." sabe ni Fridah sa mga kaibigan nya.

"Alam mo gustong gusto ko talaga sa mga basketball players lalo na si Maki kaso di na sya pwede di na rin pwede si Rukawa." sabe ni Jewel na hindi maiwasan malungkot..

"Oo nga malay mo naman si Uozumi talaga ang para sayo." pang aasar ni Cally.

"Naku wag na lang ayoko sa bakulaw noh." inis na sabe ni Jewel.

"Edi si Akagi na lang." pang aasar din ni Fridah.

"Ewan ko sa inyo basta si Rukawa at Maki ang bet ko kaso di na available." sagot nalang ni Jewel.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now