CHAPTER 15

1.2K 107 5
                                    

"Ako si Hanamichi Sakuragi the basketball Man ka sapatos ko si...

"Mukhang maganda ang mood mo Hanamichi hah?" ngiting tanong ni Mito kasama sila Takamiya at Ohkuso

"Maganda nga Mito biruin mo nakilala ko na ang parents ni Aicelle." kwento ni Sakuragi sabay kanta.

"Talaga? Anong sabe sayo? Hindi ba nadissapoint?" tanong ng mga kaibigan ni Sakuragi.

"Ako pa ba wahahaha si Hanamichi ata to. Gustong gusto nga ako ng Mama at Papa ni Aicelle gwapo nga daw ako." pagyayabang ni Sakuragi.

Hindi naman naniwala sila Mito at Takamiya maging si Ohkuso.

"Maniwala kami sayo Hanamichi ikaw magugustuhan." sabat ni Takamiya.

Hindi pa nakakapag salita si Sakuragi ng dumating si Rukawa at bungguin ito gamit ang bisikleta nya....

"RUKAWA... Grrrhhh.....

"Harang harang ka dyan gung-gong." pang iinis ni Rukawa..

Nagtawanan sila Mito at sabay sabay silang nagpunta ng gym para mag practice. Laking tuwa ni Sakuragi ng makita si Aicelle na kausap ni coach Anzai agad syang lumapit para kausapin ito.

"Aicelle." pagtawag ni Sakuragi..

"Hi kuya Sakuragi pinabibigay ni Mama sayo luto daw nya sana magustuhan mo daw." inabot ni Aicelle kay Sakuragi ang lunch box na may lamang pagkain.

"Ang bait talaga sakin ni Tita nag abala pa wahahaha....

"Tama na ang pagpapa cute practice na." bungad ni Rukawa.

"Aicelle sandali lang maglalaro lang ang henyo dyan ka lang panoorin mo ko." sabe ni Sakuragi.

"MALAKAS ANG TEAM NG SHOHOKU." sigaw ng team..

"Sakuragi ngayong naka balik kana ikaw na ulit ang magiging center." seryosong sabe ni Ryota.

"Gusto mo kahit point guard pa wahahaha." pang aasar ni Sakuragi.

"Aagawan mo pa ako ng posisyon. Umayos ka Sakuragi dahil hindi na tayo pwedeng matalo gusto kong maging number one sa japan." seryosong sabe ni Ryota habang nakatingin kay coach Anzai.

"Gagawin ko ang lahat para makapasok sa Inter high at maging number one sa japan ang SHOHOKU." sigaw ni Sakuragi na ikinagulat naman nila Rekori at Wezaki.

"Aba mukhang maganda ang naidulot ni Aicelle sayo hah." sabe ni Ryota.

"Wag ka maingay kulot kinikilig ako." bulong ni Sakuragi.

"Hay naku." napapabuntong hininga nalang ni Rukawa.

Natutuwa si Aicelle na makita si Sakuragi na nagpa-practice. Gusto nyang ipakita rito na susuportahan nya ito hanggang sa manalo ang SHOHOKU at maging number one sa japan...

"Aicelle ano na bang status nyo ni Sakuragi?" tanong ni Haruko.

"Wala naman kami Haruko basta ang alam ko special sakin si kuya Sakuragi at masaya ako kapag kasama sya." sagot ni Aicelle habang nakatingin kay Sakuragi.

"Kung special sya sayo ibig sabihin may nararamdaman ka para sa kanya. Alam mo Aicelle natutuwa ako na masaya si Sakuragi dahil sayo." ngiting sabe Haruko.

"Talaga? pero alam mo ate Haruko hindi ko alam kung ako ba nagpapasaya sa kanya o baka si ate Yoko kahit na alam kung sila na ni kuya Oda. Ayokong isipin yun pero di hamak naman na mas maganda si ate Yoko sakin." anya ni Aicelle.

"Iba ka sa kanya Aicelle wag mo ikumpara ang sarili mo kay Yoko." bungad ni Sakuragi na ikinagulat ni Haruko at Aicelle.

"Kuya Sakuragi narinig mo." tanong ni Aicelle.

"Oo narinig ko tumingin ka nga sakin Aicelle nagseselos kaba kay Yoko? Wag ka magselos hindi ko naman na mahal si Yoko dahil alam mo ba kung sino ang mahal ko teka lang isusulat ko." sabe ni Sakuragi at kumuha ng papel.

Nagtataka naman si Aicelle ganun din si Haruko sa ginagawa ni Sakuragi. Kumuha nga sya ng papel at ballpen at isinulat ang pangalan ni Aicelle at may drawing pang puso. Natuwa tuloy si Haruko ganun din si Aicelle dahil napaka sweet nito.

"Hoy Sakuragi ano bang ginagawa mo dyan nagpa-practice tayo." pagsigaw ni Mitsui.

"Ayos ba Aicelle? may puso pa yan para damang dama mo wahahaha." sabe ni Sakuragi sabay takbo at bumalik na sa paglalaro..

"Ang sweet naman." kinikilig na bulong ni Haruko. 

Ngayon mas naging special lalo ang pag tingin ni Aicelle para kay Sakuragi dahil pinaparamdam nito sa kanya na special din sya kahit na nga ba wala syang alam pag dating sa love.

Nang matapos ang practice pinuntahan agad ni Rukawa si Haruko. Naghilamos naman sila Mitsui, Sakuragi, Rekori, Wezaki at Ryota..

"Hanamichi sigurado kana ba sa nararamdaman mo para kay Aicelle?" tanong ni Ryota.

"Anong ibig mong sabihin kulot?" seryosong tanong ni Sakuragi.

"Sa ganda ni Aicelle naniniwala ka ba na walang manliligaw yun maliban sayo? Ayoko lang masaktan yang puso mo." sabe ni Ryota.

Biglang natahimik si Sakuragi ng maalala ang manliligaw ni Aicelle na si Patrick. Ayaw nyang pag isipan ng di maganda si Aicelle pero ayaw nya nanaman na masaktan ulit..

"Oo nga sa palagay mo ba Sakuragi special sayo si Aicelle? Paano kung maraming nanliligaw sa kanya hindi naman oras oras nababantayan mo sya." singit ni Wezaki sa usapan

"Isa pa di naman sinabe ni Aicelle na gusto ka nya special ka siguro bilang kaibigan." sabat naman ni Mitsui.

"Bakit di mo tanungin si Aicelle Hanamichi para malaman mo kung gusto kaba talaga nya." suggest ni Ryota.

"Yan din ang gusto kong malaman pero nababahala ang aking puso dahil pinag seselosan nya si Yoko." sagot ni Sakuragi.

"Si Yoko? Bakit naman nya pagseselosan edi ba boyfriend ni Oda yun." sabe naman ni Mitsui.

"Yan din ang iniisip ko akala nya si Yoko parin ang mahal ko." kwento ni Sakuragi.

"Bakit di mo sya tanungin walang masama kung mag tatanong ka basta kung ano maging sagot nya balitaan mo kami." ngiting sabe na lang ni Ryota.

"Ayoko nga bakit ko kayo babalitaan." sabe ni Sakuragi sabay tawa at iniwan sila Mitsui at Ryota.

Naglakad na si Sakuragi para puntahan si Aicelle hindi mawala sa isip nya ang mga sinabe ni Ryota at Mitsui. "Paano nga kung special lang ako kay Aicelle bilang kaibigan at hindi gusto?" napapatanong ni Sakuragi sa isip nya habang naglalakad.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Kde žijí příběhy. Začni objevovat