CHAPTER 4

1.5K 117 24
                                    

SAKURAGI POV...

"Alam mo wag mo na isipin si Oda sigurado di na yun papayag na matalo ulit lalo na sayo." sabe ni Mito..

"Hindi naman ata si Oda ang pinunta nyan kundi si Yoko." sabat ni Takamiya sabay tawa.

"Sana nag practice na lang ako wala naman nangyari." sambit ko saka naglakad para pumunta sa gym.

Pag dating ko sa gym nagulat ako ng makita si Rukawa na nagpa-practice. Ayokong mag practice na kasama sya kaya naghintay ako sa labas. "Kapag nga naman minamalas ka oh....

"Oh Hanamichi bakit di kapa mag laro?" tanong ni Takamiya.

"Nandun kasi si Rukawa sa loob." sagot ni Noma.

Pag labas ni Rukawa nakita nya kaming nakatayo. Ang hambog ng Rukawa na to akala mo napaka galing. Ano kaya nagustuhan sayo ni Haruko ko ubod kana man ng yabang...

"Hoy gung-gong bakit nandito ka?" seryosong tanong ni Rukawa.

"Tabi mag lalaro ako. Ipapakita ko sayo Rukawa na mas magaling ako sayo" inis akong pumasok sa loob ng gym para maglaro.

"Puro salita." bulong ni Rukawa...

Hindi pa ako nag sisimulang idakdak ang bola sa ring ng sumakit ang likod ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sobrang sakit. Halos di ako makatayo dahil nanakit ang likod ko. Sumigaw ako ng malakas dahil sobrang sakit na di ako makatayo sa sakit parang binabato ang likod ko sa sakit parang may nabaling buto sa likod...

"Anong nangyari sayo?" tanong ni Rukawa

Hindi ako makapag salita sa tanong nya. Hindi naman ako makahinge ng tulong sa mga kaibigan ko dahil umalis na sila. Wala akong magawa kundi umiyak sa sakit. Pinilit akong itayo ni Rukawa pero di ako makatayo sa sobrang sakit ng likod ko.

"Sandali tatawagan ko si Akagi." natatarantang sabe ni Rukawa.

---------------
Rehabilitation

Umaga na ng magising ako nagulat ako ng makita si Akagi at Rukawa. Hindi na masyadong masakit ang likod ko pero nagtataka ako ng makitang nasa rehab ako. Gusto kong magwala dahil ayoko dito ayokong mapunta sa rehab dahil may laban pa kami at gusto kong mag laro...

"Anong ginagawa ko dito?" tanong ko sa dalawa.

"Ikinalulungkot namin Sakuragi hindi ka makakapag laro." seryosong tumingin si Rukawa sakin.

"Nagbibiro ka ba? ayaw mo lang dahil masasapawan ka. Gori sabihin mong di ito totoo." sabe ko na hindi maiwasan magwala.

"Totoo Sakuragi. Mas gugustuhin na namin na nandito ka kesa naman hindi ka makapag laro habang buhay." sagot ni Akagi.

"Hindi to totoo ayaw nyo lang akong palaruin." inis akong lumabas at iniwan silang dalawa.

Ayokong tanggapin ang nangyari sakin ayoko dito. Ayoko, ayoko. Gusto kong mag laro, gusto kong makita si Haruko. Hindi ko na maipapakita sa kanya kung gaano ako kagaling. Wala ng Hanamichi Sakuragi na mang gugulo sa team ayoko dito.. Ayoko....

"Sakuragi patawad...

"Patawad? kasalanan mo ang nangyari sakin. Siguro gusto mo masolo si Haruko kaya pinag dasal mo na ma rehab ako." inis kung turan saka sinuntok sa mukha si Rukawa.

"Tumigil kana Sakuragi wala syang kasalanan. Ako na mag sasabe sa team ng nangyare sayo at hindi ko ipapaalam sa kanila na may alam si Rukawa sa nangyari sayo." paliwanag ni Akagi.

Hindi ko pinansin ang sinabe ni Gori dahil masama ang loob ko. Ayokong marehab gusto kong maglaro pero paano ko naman gagawin yun kung nandito ako. Ayokong pang habang buhay na hindi makapag laro ito na lang ang meron ako at masaya ako sa pag babasketball dahil si Haruko ang nag turo sakin nun. Hindi ko napigilan maiyak sa harap ni Akagi at Rukawa dahil sa sakit na nararamdaman ko....

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now