CHAPTER 3

1.5K 119 18
                                    

Aicelle Point Of View

Maagang akong tumayo para pumasok. Ngayong araw din kasi ako dadalaw kay kuya Oda para makita ang kalagayan nya dun sa rehab. Ang totoo ayoko pumasok mas gusto ko pa makita si kuya kesa pumasok dahil nag aalala ako para sa kanya. Alam kong kawawa sya dun lalo na mag isa lang sya walang nag aalaga sa kanya dahil hindi pwede pumunta si ate Yoko araw araw dun...

Nakakainis kung kailan malapit na ang laban ng TAKEZONO dun pa sya nainjured. Alam kong maraming umaasa kay kuya lalo na ang team captain nila dahil napaka galing ni kuya maglaro kaso baka hindi talaga para sa kanya ang pag ba-basketball. Gusto kong umiyak at malungkot dahil pangarap ni kuya na maging number 1 sa japan kaso mukhang di na yun mangyayari kahit kailan...

"Aicelle bumaba kana dito para kumain." sigaw ni Mama..

Nagbihis na ako para bumaba para diretso alis na lang ako. Nakakatamad na tuloy pumasok dahil di ko na makikita si kuya sa gym na nag pa-practice. Pag baba ko nakita ko si ate Yoko na naka uniform din at mukhang sasabay sya sakin pumasok. Halata rin kay ate Yoko ang lungkot sa mukha dahil sa nangyari kay kuya..

"Good morning Aicelle." ngiting bati ni ate Yoko.

"Good morning ate Yoko." sagot ko..

"Wag mo na isipin ang kuya mo Aicelle. Mabuti ang kalagayan nya dun isipin mo ang pag aaral mo dahil ayaw ng kuya mo na malungkot ka." seryosong sabe ni Papa habang nakatingin sakin at kay ate Yoko.

"Opo Pa." sagot ko na lang..

Pagkatapos namin kumain ni ate Yoko sabay na kaming umalis para pumunta sa school. Hindi kami nag uusap ni ate at tulad nya malungkot din ako dahil di ko matanggap ang nangyari kay kuya Oda. Wala akong magawa para sa kanya kung paano sya makakapag laro ulit o baka hindi na talaga...

"Aicelle pagkatapos ng klase hihintayin kita sa gate para sabay na tayo pumunta sa kuya mo mamaya." biglang sabe ni ate Yoko.

"Salamat ate pasensya na kung ang tamlay ko ngayon. Hindi ko matanggap ang nangyari sa kuya ko di ko na sya makikitang maglaro ulit.....

"Wag kana malungkot Aicelle gagaling din ang kuya mo pero siguradong di na sya makakapag laro pa." anya ni ate Yoko na hindi maiwasan malungkot

Doon tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni ate Yoko. Alam kong masakit para kay kuya ang tanggapin yun. Nawala ang pangarap nya maging no 1 sa japan at ang pangarap nilang dalawa ni ate Yoko.

Naghiwalay na kami ni ate at pumunta muna ako sa canteen dahil maaga pa naman. Gusto kong umiyak dahil di ko talaga matanggap ang nangyari kay kuya ang sakit pero mas masakit yun para sa kanya...

"Hanamichi wag mong sabihin tatambay nanaman tayo may klase pa tayo." reklamong ng maputing lalaki.

"Bakit kaya hindi pumapasok si Oda ano kayang nangyari dun? sa isang linggo na ang laban ng TAKEZONO sa MEURADAI kaya dapat nandito sya." seryosong bulong ng lalaking may pulang buhok.

Nagulat ako ng makita sa canteen ang lalaking may pulang buhok. Napangiti tuloy ako dahil nakita ko nanaman sya at ang mga kaibigan nya kaso ibang kaibigan naman nya ang kasama nya ngayon. Hindi na ito yung mga kaibigan nyang naka jersey kundi naka uniform na sila at ang papangit nila. Yung may pulang buhok lang ang may itsura at yung isang kasama nya na maputi...

"Ano nanaman kaya ang ginagawa nila dito hehehe. Napapadalas ang punta nila dito sa school namin dinadalaw ba nya ako naku assuming ka Aicelle." napapangiti na lang ako sa iniisip ko dahil di talaga maalis ang tingin ko sa lalaking may pulang buhok. Seryoso na ang mukha nito at di na tumatawa kaya lalo itong naging gwapo sa paningin ko gwapo ba talaga? ay ewan baka namamalikmata lang ako hehehe...

Hindi ako nakakain ng maayos sa bahay kaya kumain ulit ako. Habang kumakain nakatingin ako sa kanya di naman nya pansin dahil nakikipag kwentuhan ito sa mga kaibigan nya. Nakakapag taka talaga ang personality nya kanina seryoso ngayon kung makatawa akala mo nasa mental. Ang dami tuloy naka tingin sa kanya dahil napaka lakas nyang tumawa nakakahawa yung saya na dulot nya nakalimutan ko tuloy na malungkot pala ako...

"Grabe naman yan kung makatawa parang walang bukas..

"Abnormal ata yan tignan mo itsura pula pa ang buhok...

Napapangiti na lang ako sa bulong bulangan ng mga tao dahil pinag uusapan nila yung lalaking may pulang buhok. Bakit kasi pula ang buhok nya sya lang tuloy naiiba sa mga kaibigan nya pero mukha syang mabait at mukhang masiyahin....

"Hoy kayo anong sinabe nyo? Hindi nyo ba ako kilala ako si Hanamichi Sakuragi ang henyong basketbolista whahaha....

"Sakuragi wag kang magyabang dito nakakahiya." bulong ng lalaking maputi habang inaawat ang lalaking may pulang buhok.

Hindi ko narinig ang pangalan nya dahil maingay sa canteen pero natutuwa ako dahil napaka lakas ng fighting spirit nya. Hindi sya mukhang henyo ewan ko basta natatawa ako kapag nagsasalita at nag yayabang sya..

Umalis na ako para pumunta sa klase ko. Nalulungkot parin ako pero di na tulad kanina dahil napangiti ako ng lalaking may pulang buhok. Ano kayang pangalan nya?

"Aicelle bilisan mo late kana." tawag ni Jinky sakin..

Nagmamadali akong tumakbo kaya di ko na napansin ang lalaking nabangga ko. Napangiti ako ng makita sa harap ko ang lalaki na may pulang buhok para akong nakakita ng manok na tao ewan ko ba bakit natulala ako...

"Ayos ka lang ba?" tanong nya...

"Hah????..

"Hanamichi hindi ka ata narinig." bulong ng lalaking mataba..

"Ayos ka lang ba bata? ang laki kong tao di mo ko nakita sa susunod mag iingat ka ang liit mo pa naman hehehe." ngiting sabe nya saka umalis.

Grabe din sakin yun hindi naman ako ganun kaliit. Mag sosorry na sana ako kaso umalis na sya agad ang bait pala nya kaso bata naman ang tawag nya sakin dahil siguro ang liit ko. Hanamichi pala ang name nya ang cute kasing cute ng buhok nya hahaha...

Nakalimutan kong late na pala ako kaya tumakbo na ako dahil sigurado akong pagagalitan ako ng teacher ko. Hindi mawala sa isip ko ang lalaking may pulang buhok bakit kaya ganun na lang ang ngiti ko pag nakikita sya...

Pag dating ko sa room wala pa si Mam kaya naupo na lang ako habang iniisip si kuya Oda pero di naman si kuya Oda ang naiisip ko kundi si Hanamichi. Nababaliw na rin ata ako bakit ko ba iniisip ang lalaking yun. Natutuwa lang siguro ako sa kanya ang cute kasi ng buhok nya...

"Hoy Aicelle anong nangyari sayo?" nagtatakang tanong ni Trisha.

"Wala." sagot ko.

"Anong wala? kundi kita kaibigan iisipin kong baliw kana rin tumatawa ka mag isa eh." nakangusong turan ni Trisha habang kumakain ng tinapay.

"Masaya lang ako." ngiting sagot ko

Kanina halos di maipinta ang mukha ko dahil ang tamlay tamlay ko. Ngayon naman para na akong nababaliw dahil tumatawa ako mag isa. Bakit kaya napapatulala ako kay Hanamichi ano kayang meron ang lalaking yun never pang nangyari sakin na ma-attract ako sa isang lalaki sa kanya lang. Siguro dahil natutuwa ako sa kanya, siguro nga, baka nga....

Nang matapos ang klase ko hinintay ako ni ate Yoko sa gate tulad ng sabi nya kanina. Excited akong makita si kuya Oda dahil di na kami nakapag usap mula ng pumunta sya sa rehab para magpagaling....

"Halika na Aicelle." yaya ni ate Yoko..

Tumango na lang ako sa kanya habang naka hawak ang kamay ko sa braso nya. Nakakatuwa na may isang katulad ni ate Yoko ang nagmamahal ng totoo kay kuya Oda. Sana lahat ng lalaki katulad ni kuya Oda na tapat magmahal at sana lahat din ng babae katulad ni ate Yoko na kahit ano pang mangyari di mang iiwan kahit anong problemang dumating. Ang tatag ng relasyon nilang dalawa dahil mula high school palang sila na...

Hindi ko pa naranasan mag mahal may mga nanliligaw sakin pero ayaw ni kuya. Mahigpit si kuya Oda sa mga lalaki na nanliligaw sakin kaya di ako nagkaron ng boyfriend kasi mas mahigpit pa sya kesa kay Papa...

Ayos lang naman sakin kung walang boyfriend dahil nag aaral pa naman ako. Gusto ko pag nagkaroon ako ng boyfriend katulad ni kuya Oda na loyal magmahal at marespeto sa babae, ganun din kaya si Hanamichi? bakit ko ba sya iniisip...

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now