CHAPTER 11

1.2K 115 14
                                    

Dalawang araw na lang lalabas na si Sakuragi sa rehab kaya naisipan ni Aicelle na dalawin ito pagkatapos nilang gumawa ng project. Gusto sanang sabihin ni Aicelle sa mga classmate nya na kilala nya si Sakuragi pero mas minabuti na lang nya na di ipaalam dahil baka tuksuhin sya...

"Sige aalis na ako tapos naman na ang project natin." sabe ni Aicelle at nagmamadaling lumabas ng bahay nila Fridah..

"Saan ka pupunta?" tanong ni Eiji at hinawakan ang kamay ni Aicelle..

"Uuwi na." sagot nya..

"Paano tong kalat nyo? ako maglilinis?" tanong ni Eiji..

"Sabe ko nga lilinisin ko." agad na bumalik si Aicelle sa loob para linisin ang kalat na iniwan nya.

Napapangiti naman si Minami dahil sa kakulitan ni Aicelle. Tinulungan nya si Aicelle maglinis ng kalat ganun din si Hanagata. Nauna ng umuwi sila Maki Sendoh at Rukawa dahil may laro pa sila kasama sila Mitsui Ryota at Jin.

"Tapos nito saan ang punta mo bata?" tanong ni Minami.

"Aicelle pangalan ko hindi bata." naiinis na sabe ni Aicelle.

"Ah ganun ba masabe nga kay Eiji yung sinabe mo. Ano nga ulet yung sinabe mo Sawaki--

"Wag kana man ganyan sige na nga bata na nga itawag mo sakin." nakasimangot si Aicelle habang nililigpit ang kalat dahil naiinis sya kay Minami.

"Natutuwa ako sayo para kang yung sa 7 dwarfs." pang aasar ni Minami..

"Sobra kana man hindi naman ako ganun kaliit." sabe ni Aicelle na hindi maiwasan masaktan.

"Sabagay mas matangkad ka nga dun ng konti. Matanong ko lang may boyfriend kana ba?" biglang tanong ni Minami.

"Wala pa." sagot ni Aicelle..

"Talaga bakit? dahil sa height mo." pang aasar ulet ni Minami

"Sobra ka talaga sakin wag mo na ko kakausapin." inis na turan ni Aicelle.

"Ayos lang naman pero tandaan mo magagalit si Eiji kapag nalaman nyang tinawag mo syang...

"Anong dapat kong malaman?" bungad ni Eiji.

"Wala sabe nya ang gwapo mo daw di ba Minami." kinakabahan si Aicelle dahil baka biglang magsalita si Minami.

"Ano? Ito gwapo? Mas gwapo pa ako dyan tignan mo nga buhok nyan bako bako ang gupit." pang aasar ni Minami..

Tumayo si Minami para kausapin si Eiji. Natatakot naman si Aicelle dahil baka biglang magsumbong si Minami. Ayaw nyang magalit ang kuya ni Fridah dahil sigurado magagalit din sa kanya ang kaibigan nya.

"Hindi ka nya isusumbong inaasar ka lang nun." seryosong sabe ni Hanagata.

"Paano kung mag sumbong sya katapusan ko na." naiiyak na sambit ni Aicelle.

"Wag ka mag alala ipagtatanggol kita." sabe ni Hanagata saka ito ngumiti.

"Salamat. Alam mo may kamukha kang artista kaso patay na sya." kwento ni Aicelle at natawa naman si Hanagata

Nang matapos mag usap ang dalawa nakita ni Minami na nakikipag tawanan si Aicelle kay Hanagata. Seryoso ang mukha ni Minami habang nakatingin kay Aicelle..

"Ano bang meron sa ngiti mo Aicelle." napapatanong ni Minami sa sarili..

Alam ni Minami sa sarili nya na may nararamdaman sya para kay Aicelle pero hindi sya sigurado at alam nyang masaya sya pag kasama si Aicelle. Nang matapos iligpit ni Aicelle ang kalat nagpaalam na sya sa mga classmate nya ganun din kanila Eiji Hanagata at Minami.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now