CHAPTER 14

1.2K 109 10
                                    

Alam ni Aicelle sa sarili nya na mahal ni Yoko ang kuya Oda nya kaya wala syang dapat pag selosan lalo na alam nyang gusto sya ni Sakuragi pero hindi sya sure kung love ba talaga ang nararamdaman ni Sakuragi para sa kanya...

"Bakit ka malungkot Aicelle?" tanong ni Sakuragi.

"Naging crush mo pala si ate Yoko bakit hindi naging kayo? dahil ba sa kuya Oda ko?" seryosong tanong ni Aicelle.

"Nauna akong manligaw kay Yoko hindi pa ako kasali sa basketball pero mas gusto nya ang kuya mo dahil magaling itong maglaro. Ako kasi inaamin ko mahilig ako sa gulo lage rin akong pinapatawag ng teacher dahil di ako nag aaral mabuti, mahilig rin akong mag cutting at mag absent. Simpleng tao lang ako Aicelle walang sinabe sa kuya Oda mo na gwapo at magaling maglaro." kwento ni Sakuragi.

"Alam mo kuya Sakuragi kahit wala ka ng mga bagay na yun bilib ako sayo dahil na kaya mong mabuhay sa mundo kahit ikaw lang mag isa. Nagagawa mo pa ngang ngumiti kahit na may problema ka kasi kung ako nasa kalagayan mo baka siguro nasiraan na ako ng bait." sabe ni Aicelle at hinawakan ang kamay ni Sakuragi.

"Aicelle wag kana man masyadong mabilis baka isipin pa ng mga tao tayo na." bulong ni Sakuragi na hindi maiwasan kiligin.

"Para maisip mo kuya Sakuragi na hindi ka nag iisa." ngiting sagot ni Aicelle.

"Ano kaya pinakain ni Sakuragi dyan kay Aicelle ang laki ng tama kay Sakuragi." napapaisip na tanong ni Ryota kay Mitsui.

"Ewan ko pag nakikita ko sila naiinis ako." sagot ni Mitsui habang nakatingin sa dalawa.

"Bakit ka naman naiinis? Hindi mo kasi matanggap na naunahan ka pa ni Sakuragi." pang aasar ni Rukawa.

"Ganun na nga Rukawa. Malas mo Mitsui better luck next time." ngiting sabe ni Ryota

"Malas talaga hay." sambit na lang ni Mitsui.

Nagpasya sila Rukawa na mauna sa gym para makapag solo sila Aicelle at Sakuragi. Dinala ni Aicelle si Sakuragi sa bahay nila para ipakilala sa Mama at Papa nito. Naabutan naman nila si Patrick na naghihintay kay Aicelle na may dalang bulaklak at chocolate..

"Sino sya Aicelle?" tanong agad ni Patrick.

"Kaibigan ko. Anong ginagawa mo rito?" inis na tanong ni Aicelle dahil ayaw nyang makita ito si Patrick.

"Dinadalaw kita yayain sana kitang mag date pero mukhang may kadate kana ata." masamang tinignan ni Patrick si Sakuragi.

"Sino ba sya Aicelle? Kung maka tingin akala mo ang gwapo mukha naman tortang manok." bulong ni Sakuragi sabay tawa...

"Anong sinabe mo? Yang buhok mo nga parang manok." pang iinsulto naman ni Patrick.

"Pwede ba Patrick kung iinsultuhin mo lang si Sakuragi pwede bang umalis kana." pakiusap ni Aicelle.

"Teka bakit ako ang aalis? Yang kaibigan mo walang manners isa pa nakikipag kaibigan ka sa panget na yan." sabe ni Patrick habang nakatingin kay Sakuragi.

"Nandyan kana pala anak sino yang kasama mo?" tanong ng Mama ni Aicelle.

"Ako po pala si Hanamichi Sakuragi tita pasensya na po kung ganito lang suot ko mahirap lang po kasi ako." sabe ni Sakuragi at nag mano sa mga magulang ni Aicelle.

"Napaka totoong tao mo naman walang problema sa amin kung anong suot mo iho kumain na ba kayo?" tanong naman ng Papa ni Aicelle.

"Hindi pa nga po tito may pagkain po ba kayo? Pwede bang makikain tita at tito wahahaha." sabe ni Sakuragi na hindi marunong mahiya sa mga magulang ni Aicelle.

Natuwa lalo si Aicelle ganun din ang magulang nito dahil sa pagiging totoo ni Sakuragi. Inasikaso naman ng magulang ni Aicelle si Sakuragi.

"Masarap ba Sakuragi?" tanong ng Mama ni Aicelle.

"Sobrang sarap po napaka swerte ni Aicelle dahil may mga magulang syang katulad nyo." ngiting sabe ni Sakuragi habang kumakain

"Bakit wala kana bang magulang Sakuragi?" seryosong tanong ng Papa ni Aicelle.

"Wala na po akong magulang patay na po sila." sagot ni Sakuragi habang naka yuko.

"Sorry Sakuragi." hinging paumanhin ng mga magulang ni Aicelle..

Hindi na napigilan ni Sakuragi na umiyak sa mga magulang ni Aicelle dahil naiisip nito ang pagka matay ng mga magulang nya...

"Sorry po kung umiyak ako naaalala ko po kasi ang mga magulang ko pangarap ko po na magkaroon ng pamilya pero malabo na po yun kasi patay na sila." kwento ni Sakuragi habang umiiyak.

"Pwede mo kaming ituring na magulang iho wag kana umiyak. Alam mo natutuwa ako sayo dahil first time ni Aicelle na magdala ng lalaki dito sa bahay ibig sabihin nun special ka para sa kanya." anya ng papa ni Aicelle.

"Talaga special ako sayo Aicelle? bakit di mo sinabe." kinikilig na tanong ni Sakuragi.

"Si Papa talaga sinabe pa." nakasimangot na turan ni Aicelle.

"Mas gusto kita kesa kay Patrick arogante kasi yung lalaking yun." singit naman ng Mama ni Aicelle.

Tumawa nalang si Sakuragi habang nakatingin kay Aicelle. Pagkatapos kumain nagpaalam na si Sakuragi.

"Kuya Sakuragi salamat sa oras mo sobrang natutuwa ako sa pagiging totoo mo." sabe ni Aicelle.

"Ano ka ba wala yun. Masaya ako Aicelle kasi nakasama kita at nakilala ko ang mga magulang mo siguro nga destiny tayo." napapangiting sabe ni Sakuragi.

"Paano naman kuya kung hindi ikaw ang destiny ko?" tanong ni Aicelle.

"Edi babaguhin ko para ako ang maging destiny mo." sagot ni Sakuragi sabay ngiti.

"Ikaw talaga kuya Sakuragi....

Kinikilig si Aicelle sa mga sinasabe ni Sakuragi kahit na nga ba hindi nya pa alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman nya basta ang alam nya special si Sakuragi sa buhay nya at masaya sya lalo na kapag kasama ito.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now