CHAPTER 5

1.4K 114 6
                                    

Aicelle Point Of View

Maagang pumasok si ate Yoko kaya hindi kami nag sabay. Mas maaga ang klase nya kesa sakin kaya mas maaga syang pumapasok pero minsan nagsasabay kami. Nakakamiss dahil minsan sabay sabay kaming tatlo pumapasok kasama si kuya Oda pero dahil sa injured nya di na sya makakapasok ang masakit pa di na sya makakapag laro.

"Anak kumain kana dito baka malate kapa." pasigaw ni Mama..

Ang aga aga bunganga agad ni Mama ang maririnig mo ganito na kami sa bahay pero kapag nandito si kuya hindi sumisigaw si Mama dahil ayaw ni kuya ng maingay.

"Good morning Ma." ngiting bati ko.

"Aba tanghali na Aicelle bakit ngayon ka lang bumaba." panenermon ni Mama.

"Nakikipag usap pa kasi ako sa sarili ko." biro ko..

Tumawa na lang si Papa sa sinabe ko at nainis naman si Mama sa inasal ko. Ang totoo masarap inisin si Mama dahil ang seryoso nito hindi katulad ni Papa na makulit at palageng nakangiti.

Pagkatapos kung kumain nag bihis na ako para pumunta sa school. Naisip ko na pagkatapos ng klase pupuntahan ko si kuya at isasama ko na rin si ate Yoko.

Pag dating ko sa school nagulat ako ng makita na kausap ni ate Yoko ang mga kaibigan ni Sakuragi. Ibig sabihin kilala ni ate Yoko si Sakuragi ganun din ang mga kaibigan nya? Ano kayang pinag uusapan nila si kuya Oda kaya? O baka naman si kuya Sakuragi..

Hindi ko na sila pinansin dahil wala naman akong sasabihin isa pa di ko rin kilala ang mga kaibigan ni kuya Sakuragi. Dumiretso na ako sa room para mag review dahil ngayon ang exam namin.

Taliwas sa inaasahan ko di nagpa exam si Mam kaya ayun sayang lahat ng nireview ko. Nang matapos na ang klase ko umalis na agad ako para puntahan si kuya. Hindi makakasama si ate Yoko dahil may tatapusin pa itong project at bukas na ang pasahan.

Nagulat ako ng makita si kuya Sakuragi na natutulog sa bangko. Nakakaawa ang itsura nya dahil sa tangkad nya di magkanda ugaga ang pag unat nya sa katawan nya dahil sa liit ng bangko na tinutulugan nya. Hindi muna ako dumiretso kay kuya Oda at nilapitan ko si kuya Sakuragi naaawa ako sa sitwasyon nya dahil kung matulog ito parang di kumportable..

"Kuya Sakuragi....

"Aicelle Oh Aicelle..

Napangiti nalang ako ng bigkasin nya ang pangalan ko. Para syang bata matulog napaka lakas din kung maghilik. Inayos ko ang higa nya kahit na malabo nyang maunat ang paa nya dahil sa liit ng bangko..

"Hay bakit kasi dito sya natulog may kwarto naman sya." bulong ko.

"Miss kanina ka pa hinihintay nyan...

"Oo nga miss sa paghihintay nya sayo nakatulog na sya dyan." sabe ng matandang babae.

Natuwa naman ako dahil hinihintay nya pala ako. Ang sabe ko sa kanya dadalaw ako pero di ko naman sinabe na hintayin nya ako. Si kuya Sakuragi talaga...

Nahulog si Sakuragi sa bangko dahil sa likot nito matulog. Napasigaw sya dahil sa sakit ng pagkakahulog nya.

"Hoy mga pangit anong nakakatawa nahulog na nga yung tao eh." inis na turan ni Sakuragi.

"Ayos ka lang ba kuya?" nag aalalang tanong ko.

"Ah Aicelle wala yun. Nandito ka pala. Alam mo ang totoo di naman kita hinintay nakatulog talaga ako dyan kasi nag iisip ako ng strategy paano kami babawi sa KAINAN." pagsisinungaling ni Sakuragi..

"Talaga kuya Sakuragi....

"Naku miss wag ka maniwala dyan kanina ka pa hinihintay nyan...

"Tumahimik ka matandang mangkukulam." pasigaw ni Sakuragi.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang