CHAPTER 22

1.1K 106 0
                                    

Ngayong araw lalabas ang kapatid ni Aicelle na si Oda. Excited sya dahil makakasama na nya sa bahay ang kuya nya. Gusto sana nya sabihin kay Sakuragi pero hindi sila okay lalo na iniiwasan sya nito.

"Aray ang sakit." maiyak iyak na turan ni Aicelle ng madapa sya kakamadali..

"Ayos ka lang?..

Nagulat sya ng makita si Hanagata at tulungan syang tumayo. Nahihiya si Aicelle kay Hanagata dahil napaka clumsy nyang tao..

"Next time wag ka magmamadali para hindi ka nadadapa." seryosong sabe ni Hanagata.

"Ngayon kasi lalabas ang kuya ko kaya excited akong makita sya." ngiting sabe ni Aicelle.

"Ganun ba gusto mo bang ihatid na kita?" tanong ni Hanagata.

"Hindi na baka makaistorbo pa ako sayo tsaka kaya ko naman." sagot ni Aicelle.

"Sige pero gagamutin ko na lang ang sugat mo siguro naman di kana tatanggi." sabe ni Hanagata.

Ginamot nga ni Hanagata ang sugat ni Aicelle sa tuhod at natuwa sya sa kabaitang pinapakita sa kanya ni Hanagata.

"Salamat Hanagata....

"Welcome....

Nakita naman ni Aika at Ashley si Hanagata na may kasamang babae. Gusto sanang lapitan ni Aika si Hanagata at tanungin kung sino ang babaeng kasama nya..

"Girlfriend kaya nya yan?" tanong ni Ashley habang nakatingin kay Hanagata.

"Girlfriend man nya o hindi wala na akong pakialam dun lage naman akong nasasaktan ng dahil sa kanya." inis na sabe ni Aika.

Pagka alis ni Aicelle hindi alam ni Aika na nakita sila ni Hanagata. "Aika." pagtawag ni Hanagata..

Ika ika naman si Aicelle ng maglakad dahil mahapdi pa ang tuhod nya. "Nakakahiya si Hanagata pa nakakita sakin." naiinis na sambit ni Aicelle

"Ayos yang lakad mo hah." natatawang bungad ni Sendoh.

"Ang sakit kasi ng tuhod ko." sagot ni Aicelle.

"Nakita mo si Hanagata? Oo nga pala may laro pala kami nood ka nandun si Sakuragi at Minami." pang  aasar ni Sendoh.

"Ayoko manood." sagot ni Aicelle.

"Bakit naman? Wag ka mag alala di ka namin aasarin pipikunin lang." birong sabe ni Sendoh.

"Alam ko naman ayaw ako makita ni kuya Sakuragi." sabe ni Aicelle na hindi maiwasan malungkot.

"Ganun? pero si Minami gusto ka makita. Alam mo Aicelle sabe lang ng mga lalaki na ayaw ka nila makita pero kapag nakita kana nila sigurado gaganahan maglaro yung mga yun." ngiting sabe ni Sendoh.

"Sige na nga sinabe mo eh....

"Sige punta ka hah asahan kita...

Pag dating ni Aicelle sa rehab nagulat sya ng makita si Maki at ang buong team kasama si Sakuragi. "Hala bakit sila nandito." tanong ni Aicelle..

Nagtago si Aicelle para hindi sya makita ni Sakuragi pero nagulat sya ng tumama ang likod nya sa matigas na katawan ng isang lalaki.

"Hoy anong ginagawa mo dyan?" seryosong tanong ni Rukawa na ikinagulat ni Aicelle.

"Nagtatago." sagot ni Aicelle.

"Bakit ka nagtatago?" tanong naman ni Rukawa.

"Ano kasi naalala ko may practice pala kami sa sayaw. Ano Rukawa pwede ba wag mo sasabihin na nagpunta ako rito." pakiusap ni Aicelle.

"Ayoko nga." sagot ni Rukawa.

"Sige na please pagluluto kita ng lunch." ngiting sabe ni Aicelle.

"Iniiwasan mo si Sakuragi tama ba? Halatang halata sa itsura mo." anya ni Rukawa.

"Hindi noh bakit ko naman sya iiwasan may sayaw talaga kami." pagsisinungaling ni Aicelle dahil di sya makatingin ng diretso kay Rukawa.

"Talaga? Halatang nagsisinungaling ka bumalik ka dun kung ayaw mong bitbitin kita papasok dun...

Walang nagawa si Aicelle at sumunod na lang sya kay Rukawa. Pag pasok nila nakita nyang nagtatawanan ang team at si Sakuragi.

"Nakakatawa ka talaga Hanamichi." ngiting sabe ni Ayako.

"Aicelle nandito ka pala upo ka." sabe ni Mitsui.

Pagka upo ni Aicelle si Sakuragi naman ang tumayo at lumabas. Nagkatinginan naman si Rukawa at Mitsui na halatang nag iiwasan ang dalawa.

"Ehem may problema ba?" tanong ni Fujima.

"Kami wala si Sakuragi baka meron." sagot ni Ryota.

"Hindi lang naman si Sakuragi pati ito." sabe ni Rukawa sabay turo kay Aicelle.

"So ikaw nga ang dahilan ng pag walkout ni Sakuragi?" tanong ni Maki.

"May pa walkout walkout pa yung panget na yun akala mo talaga ang gwapo." sabat ni Kiyota.

"Magkamukha kayo." pang aasar ni Rukawa.

"Hindi ko alam bakit nya ako iniiwasan." sagot ni Aicelle.

"Nakausap ko si Sakuragi totoo bang ginawa mo yun Aicelle?" tanong ni Oda sa kapatid.

"Anong ginawa?" tanong ng team kay Oda.

"Totoo bang panakip butas si Sakuragi sayo para iwasan ka ni Patrick?" tanong ni Oda..

"Ikaw naman pala may kasalanan." inis na turan ni Mitsui.

"Hindi kami nagkaintindihan kuya. Bakit ko naman gagawin kay kuya Sakuragi yun eh ano...

"Ano." sabay sabay na tanong ng team..

"Gusto ko sya pero di ko masabe kasi alam ko naman gusto rin sya ni Flora Mae." paliwanag ni Aicelle..

"Talaga? Gusto ni Flora Mae si Sakuragi?" tanong ni Maki at tumingin kay Fujima..

"Hindi ko alam yan." sagot ni Fujima.

"Ang tanong sino bang gusto ni Sakuragi." sabe naman ni Ayako.

"Palagay ko si Aicelle ang gusto nya wahahaha." natatawang sagot ni Kiyota.

"Ako rin." sang ayon ni Jin.

"Pero sweet si Flora Mae." sabe naman ni Mitsui.

"Hindi ba sweet si Aicelle?" tanong ni Rukawa.

"Kay Sakuragi lang sya sweet." sagot ni Mitsui.

"Alangan naman sayo sya maging sweet." sabat ni Ryota

"Kahit gung gong yung si Sakuragi marunong magmahal yun. Isa pa nakita ko sa kanya na masaya sya kapag kasama ka Aicelle." seryosong sabe ni Kiyota.

"Friend na kayo ni Sakuragi?" natatawang tanong ni Maki

"Hindi parin." sagot ni Kiyota sabay tawa.

"Ayoko si Sakuragi para sayo pero kung sa kanya ka magiging masaya walang dahilan para tutulan kita." sabe ni Oda sa kapatid nya.

"Salamat kuya gusto ko si kuya Sakuragi." sabe ni Aicelle at yumakap sa kuya nya...

"Parang baby pala tong umiyak si Aicelle nakaka awang paiyakin." bulong ni Mitsui.

"Bakit mo naman paiiyakin? Gawain mo siguro magpaiyak ng babae." sagot ni Rukawa.

"Tama ka dyan Rukawa gawain nya yan kaya walang nagtatagal na babae dyan." pang aasar ni Ryota.

Nag group hug ang team at nakita yun ni Sakuragi pero hindi nya nalaman ang katotohanan na gusto sya ni Aicelle. "Sorry Aicelle kung umiyak ka dahil sakin lalayo na ako sayo pangako yan para di kana masaktan." sabe na lang ni Sakuragi.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon