CHAPTER 13

1.2K 111 11
                                    

Ngayong araw ang labas ni Sakuragi sa rehab kaya naman excited si Aicelle na makita ang kuya Sakuragi nya..

"Hi Aicelle good morning." bati ni Fridah..

"Aga nyo naman teka dala nyo ba yung project natin?" tanong ni Aicelle..

"Oo naman kami paba." sagot ni Cally..

Sabay sabay na pumasok sila Aicelle kasama ang mga classmate nya.

"Alam nyo hanggang ngayon naaalala ko parin ang mukha ni Rukawa grabe talaga ang gwapo nya." kinikilig si Jewel habang iniisip si Rukawa..

"Ako nga din di maka move on kay Sendoh lalo nung hawakan nya ang kamay ko." kwento ni Cally na hindi rin maiwasan kiligin.

"Edi ba may girlfriend na si Rukawa sabe nyo? tapos si Sendoh imposibleng walang girlfriend yun dahil napaka gwapo nya kaya imposibleng palagpasin ng mga babae yun." sabat ni Aicelle.

"Wala akong pakialam kung may girlfriend sila basta pagpapantasyahan ko silang dalawa." sabe ni Cally habang nakataas ang isang kilay nito. 

"Ikaw Aicelle wala kabang crush?" tanong ni Jewel..

"Meron." ngiting sagot ni Aicelle..

"Sino? si Maki ba o si Fujima o baka naman si Minami? Ang hilig mo sa ace player hah." pang aasar  ni Cally sa kaibigan.

"Hindi sya ace player. Hindi ko nga rin alam kung ano bang position nya basta ang alam ko may gusto ako sa kanya." sagot ni Aicelle.

"Eh sino nga?" tanong naman ni Fridah.

"Si Sakuragi yung taga SHOHOKU." diretsang sagot ni Aicelle..

"Tara Fridah at Jewel ayoko kausapin to si Aicelle pipili na lang wala pang taste." inis na turan ni Cally.

"Bakit? mabait naman si Sakuragi hindi nyo pa kasi sya kilala eh." paliwanag ni Aicelle..

"Kilalang kilala namin yun. Alam mo si Sakuragi lang naman ang lalaking dumakdak ng bola sa ulo ng players gung-gong kaya yung lalaking yun." kwento ni Jewel.

"Talaga? Kung ganun ang astig pala nya." napapangiting sabe ni Aicelle.

"Anong astig dun? Hindi ko akalain na mahilig ka pala sa exotic Aicelle. Hindi naman sa panlalait pero kasi di naman gwapo si Sakuragi tsaka kung magkakagusto ka rin lang naman dapat dun na sa gwapo katulad ni Sendoh at Rukawa o kaya ni Fujima." seryosong sabe ni Cally.

"Mas importante pala sa inyo ang itsura kesa sa ugali...

Hindi makapag salita ang mga kaibigan ni Aicelle sa sinabe nya dahil para sa kanya ang tunay na gwapo sa ugali nakikita hindi sa itsura katulad ni Sakuragi...

Hindi na lang nagsalita si Cally at Jewel at bumalik na sa upuan nila. Ayaw ni Aicelle na may manlalait sa kuya Sakuragi nya dahil mula ng malaman nyang wala ng pamilya si Sakuragi sobra syang nasaktan at naawa kaya gagawin nya lahat para damayan at protektahan din si Sakuragi...

Nang matapos ang klase ni Aicelle sumabay na sya kay Yoko para puntahan ang kuya Oda nya at si Sakuragi. Excited sya na makita ito dahil ngayon araw ang labas ni Sakuragi.

"Oh bakit parang ang saya mo ata Aicelle?" tanong ni Yoko.

"Wala naman ate Yoko." ngiting sagot na lang ni Aicelle.

Pag dating nila sa rehab nakita ni Aicelle na maraming bisita ang kuya Sakuragi nya. Dumiretso naman sa loob si Yoko para puntahan ang boyfriend nyang si Oda. Aalis na sana si Aicelle ng tawagin sya ni Sakuragi.

"Aicelle." pag tawag ni Sakuragi na ikinagulat naman ng team..

"Hi kuya Sakuragi." bati ni Aicelle..

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now