CHAPTER 19

1.1K 105 14
                                    

Hindi na pumunta si Aicelle sa school nila Sakuragi at hinatid na lang sya ni Minami sa school ng TAKEZONO. Hindi parin mapalagay ang isip ni Aicelle sa mga sinabe ni Fukatsu na may love triangle sa pagitan nila Flora Mae at ni Sakuragi. Napapaisip rin sya kung bakit kasama si Minami sa nabanggit ni Fukatsu.

Pag dating naman nila Mitsui at Ryota sa gym nakita nyang natutulog si Rukawa at Sakuragi. "Hanep ginawang tulugan ang gym wag ko kaya paglaruin tong dalawa." sabe ni Ryota habang nakatingin sa dalawa.

"Ikaw naman ang captain ikaw ang masusunod." sagot ni Mitsui.

Sa sobrang lakas ng hilik ni Sakuragi nagising si Rukawa at nagulat sya na nakayakap si Sakuragi sa kanya. Napabalikwas sya ng tayo ng makita si Ryota at Mitsui na pinapanood silang dalawa habang natutulog.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Rukawa

"Aicelle mahal kita." sambit ni Sakuragi habang naghihilik..

"Hoy gung-gong gising umaga na." pinagpapalo ni Rukawa ang mukha ni Sakuragi at nagalit naman ito ng magising.

"Si Aicelle nasaan si Aicelle?" tanong ni Sakuragi.

"Wala si Aicelle nanaginip ka gung-gong." sagot ni Rukawa..

"Aicelle ka ng Aicelle yang laro mo ayusin mo." serysong sabe ni Mitsui.

Sunod sunod naman na dumating si Ayako Rekori at Wezaki. Dumiretso naman si Haruko sa class room nya dahil may exam ito. Nakangiti naman si Ryota ng makita si Ayako na naka dress pati si Mitsui namangha sa ganda nito.

"Anong meron Ayako bakit naka dress ka?" tanong ni Sakuragi.

"May date kasi ako." ngiting sagot ni Ayako.

"Date? Lage mo na lang sinasaktan ang puso ko Ayako." naiiyak na sambit ni Ryota.

"Kanino ka naman makikipag date?" tanong naman ni Mitsui.

"Sa bestfriend ko dont worry babae naman yun Miyagi." sabe ni Ayako.

"Babae? sama naman ako." natatawang sabe ni Mitsui.

"Sama din ako para mabantayan kita tapos yung bestfriend mo babantayan ni Mitsui." ngiting sabe ni Ryota.

"Hay naku walang kadala dala." pagpaparinig ni Rukawa kay Mitsui.

"Sakuragi...

Nagulat sila ng makita si Flora Mae at nagtataka sila kung bakit napapadalas ang punta ni Flora Mae sa gym. "Sakuragi ikaw ata ang sadya ni Flora Mae." bulong ni Mitsui.

"Hala ka pag nalaman yan ni Aicelle sigurado katapusan na ng puso mo." pang aasar ni Ryota.

"Sakuragi pinagluto kita sana magustuhan mo." sabe ni Flora Mae saka inabot ang paper bag na may lamang pagkain.

"Salamat sige kakainin ko to pero di kana sana nag abala kasi lilibre naman ako ni Rukawa." sabe ni Sakuragi sabay tawa.

"Sinong nagsabe na ililibre kita?" tanong ni Rukawa.

"Sumakay kana lang mayayari ako nito kay Aicelle ayoko pa naman nagseselos yun." bulong ni Sakuragi kay Rukawa.

"Isusumbong kita." sabe ni Rukawa na iniinis si Sakuragi.

"Ano pinagbubulungan nyo? May problema ba?" tanong ni Flora Mae.

"Oo meron ikaw." sarcastic na sagot ni Rukawa.

"Ano sabe mo?" inis na tanong ni Flora Mae.

"Ah wala yun Flora Mae wag mo pansinin to salamat dito." ngiting sabe na lang ni Sakuragi.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now