CHAPTER 6

1.3K 114 18
                                    

Nagpaalam na si Aicelle kay Sakuragi para puntahan ang kuya nya.

"Bakit ikaw lang mag isa?" tanong ni Oda.

"Hindi kasi pwede si ate Yoko dahil may tatapusin pa daw silang project. Ah kuya pwede ba akong mag tanong?

"Ano yun?..

Hindi pa man nagtatanong si Aicelle naka kunot na ang noo ng kuya nya.

"Kuya kilala mo ba si Sakuragi?" diretsang tanong ni Aicelle..

"Sakuragi?...

"Oo kuya yung pula ang buhok kung di ako nagkakamali ang full name nya Hanamichi Sakuragi..

"Bakit mo biglang natanong yan? Wag mong sabihin gusto mo ang lalaking yun." tinignan ni Oda ng masama ang kapatid nyang si Aicelle.

"Kuya naman tinanong ko lang kung kilala mo sya wala naman akong sinabe na gusto ko sya." napapakamot na turan ni Aicelle.

"Manlalaro sya ng SHOHOKU. Dati ko rin syang ka schoolmate pero hindi kami magkaibigan." sagot ni Oda.

"Kung dati kayong magka schoolmate bakit di kayo magkaibigan? mukhang friendly naman si Sakuragi kuya...

"Niligawan nya dati si Yoko at dahil dun hindi kami naging magkaibigan dahil ang turing ni Sakuragi sakin karibal kay Yoko. Isa pa ayoko rin maging kaibigan ang katulad nya." kwento ni Oda na hindi maiwasan mainis ng maalala ang nakaraan.. 

"Oh bakit bigla kang natahimik? gusto mo si Sakuragi?" tanong ni Oda sa kapatid.

"Hindi kuya di lang ako makapaniwala na gusto rin nya si ate Yoko sabagay maganda naman talaga si ate Yoko tapos mabait pa." seryosong sabe ni Aicelle..

"Ayoko si Sakuragi para sayo kaya ako na magsasabe kung magkaka gusto ka wag sa kanya." sabe ni Oda.

"Opo kuya." sagot na lang ni Aicelle..

Nagpaalam na si Aicelle sa kuya nya dahil baka gabihin pa sya. Pag labas nya nakita nya si Sakuragi na nagsusulat.

"Aicelle." pagtawag ni Sakuragi.

Hindi akalain ni Aicelle na makikita sya ni Sakuragi dahil naka focus lang ito sa pagsusulat.

"Bakit kuya? uuwi na pala ako magpagaling ka hah...

"Aicelle salamat hah. Ah may ibibigay sana ako pero wag mo muna bubuksan sa bahay mo na lang basahin." nahihiyang binigay ni Sakuragi ang sulat nya para kay Aicelle..

"Para sa akin tong sulat kuya? ano ba to love letter." ngiting tanong ni Aicelle..

"Ah eh whahaha di yan love letter ano yan letter for appreciation...

"Sige kuya sa bahay ko na lang babasahin to. Tapos ako naman susulat sayo ng letter for appreciating....

"Aicelle you made my day talaga napaka ganda mo.....

"Bolero ka kuya Sakuragi basta magpagaling ka hah..

"Oo naman Aicelle magpapagaling talaga ako para sayo. Sana kapag magaling na ako pwede bang lumabas tayo? naku nakakahiya sorry Aicelle." nahihiyang yumuko si Sakuragi at hindi makatingin kay Aicelle..

"Sige kuya lalabas tayo basta promise mo magpapagaling ka." ngiting sabe ni Aicelle..

"Talaga Aicelle lalabas tayo? Ang saya naman promise magpapagaling agad ako." kinikilig si Sakuragi sabay hawak sa kamay ni Aicelle.

"Aicelle...

Nagulat pa si Aicelle ng makita ang kuya nya bigla na lang syang bumitaw sa pagkakahawak ni Sakuragi dahil kitang kita nya ang galit sa mukha ng kuya nya..

"Umuwi kana." utos ni Oda na masama ang tingin kay Sakuragi..

"Kuya Sakuragi uuwi na ako." agad na nagpaalam si Aicelle kay Sakuragi at nagmamadaling lumabas.

Masaya si Aicelle kapag nakikita si Sakuragi pero napapaisip sya kung bakit ayaw ng kuya nya kay Sakuragi. Nagmamadaling makauwe si Aicelle para basahin ang letter na ginawa ni Sakuragi para sa kanya.

Pag dating sa bahay nakita ni Aicelle si Patrick ang classmate nya dati na hanggang ngayon nililigawan parin sya. Ayaw ni Aicelle kay Patrick dahil may pagka mayabang ito at pangit rin ang pag uugali.

"Anak nandito si Patrick...

"Flowers for you Aicelle." ngiting bungad ni Patrick sabay abot ng bulaklak kay Aicelle..

"Salamat." walang ganang sagot ni Aicelle.

"Ah Aicelle gusto sana kita yayain mag date at manood ng fireworks...

"Pasensya na may gagawin kasi ako." pagsisinungaling ni Aicelle dahil ayaw nyang lumabas kasama si Patrick..

"Kung di ka pwede baka sa ibang araw kaya?" pangungulit nito kay Aicelle... 

"Marami akong homework na kailangan kong tapusin pasensya kana Patrick." inis na umalis si Aicelle at iniwan sa sala si Patrick..

Dumiretso sya sa kwarto para magbihis. Ayaw nyang kausapin si Patrick ni makita ito ayaw rin nya dahil napaka kulit nito kahit na ilang beses na syang binusted ni Aicelle.

Naisip ni Aicelle na basahin na ang letter na binigay sa kanya ni Sakuragi kanina

Hi Aicelle..

Alam kong di ka maniniwala sa sasabihin ko pero maniwala ka lang. Una palang kitang makita nalaglag na ang puso ko sayo whahaha ay sorry corny ba? pero salamat dahil pinasasaya mo ako sa pamamagitan ng mga ngiti mo. Salamat dahil kahit may iniinda akong sakit napapawi yun sa pamamagitan mo walang halong biro Aicelle. Salamat at sorry dahil di kita magawang bantayan at alagaan dahil nandito ako pero promise babawi ako pag naka labas ako dito.. Ingat ka lage my forever Aicelle..

Nagmamahal ang gwapong si Hanamichi Sakuragi

Hindi alam ni Aicelle kung matatawa sa sulat ni Sakuragi o kikiligin. Gusto rin sana nyang sulatan ito para pasalamatan dahil napapawi rin ni Sakuragi ang lungkot na nararamdaman nya.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Where stories live. Discover now