CHAPTER 12

1.3K 113 25
                                    

"Bakit nakikipag usap ka kay Sakuragi hindi ba sinabe ko sayo ayokong lalapit ka sa kanya Aicelle. Ano bang mahirap intindihin dun?" tanong ni Oda sa kapatid nyang si Aicelle...

Hindi makasagot si Aicelle sa kuya nya dahil nakita nito na magkahawak kamay sila ni Sakuragi. Ayaw sana nyang magalit ang kuya nya kaya lang kitang kita nito sa akto ang pagtititigan nilang dalawa habang magkahawak kamay...

"Wala naman kaming ginagawa ni kuya Sakuragi kuya eh. Mabait sya sakin." sagot ni Aicelle.

"Mabait? gaano mo ba kakilala si Sakuragi sige nga Aicelle. Hindi mo kilala ang taong yun ang dami ng bad records ni Sakuragi sa lahat ng pinang galingan nyang school. Kung ayaw mong magalit ako sayo iwasan mo at layuan si Sakuragi." seryosong sabe ni Oda...

"Bakit ka ba ganyan kay Sakuragi kuya? Alam mo bang wala na syang pamilya mag isa na lang sya sa buhay. Alam mo rin ba yun kuya? Masaya ako kay Sakuragi dahil napapawi nya ang lungkot ko kapag naalala ko ang nangyari sayo kuya. Mula ng mainjured ka naging malungkot na ako at si Sakuragi lang nagpapangiti sakin kaya sana wag mo kong tanggalan ng kaligayahan dahil wala kaming ginagawang masama." umiiyak na paliwanag ni Aicelle..

Hindi naman nakasagot si Oda sa sinabe ng kapatid nya dahil nagulat ito ng malaman na wala ng pamilya si Sakuragi. Niyakap ni Oda ang kapatid nya dahil nararamdaman nito na nasasaktan si Aicelle..

"Tahan na wag kana umiyak sorry kung inaway ka ni kuya." pag aalo ni Oda habang yakap ang kapatid nyang si Aicelle.

Niyakap din ni Aicelle ang kuya nya at umiyak ito. Alam ni Oda na bata pa ang kapatid nya at walang alam pag dating sa pag ibig kaya sya natatakot na baka masaktan ang kapatid nya ng dahil kay Sakuragi.

"Kuya masaya ako kay Sakuragi." sabe ni Aicelle..

"Oo na masaya kana sa kanya wag kana umiyak...

Hindi alam ni Oda kung ano nakita ni Aicelle kay Sakuragi dahil kung tutuusin ang daming babae ang bumasted kay Sakuragi ang kapatid lang nyang si Aicelle ang bukod tanging nagka gusto kaya nagtataka si Oda kung ano ba ang nakita ni Aicelle..

"Di mo na aawayin si Sakuragi kuya?" tanong ni Aicelle.

"Alam mo hindi ko alam kung ano ba nakita mo sa lalaking yun. Wala akong magagawa dahil sya nagpapasaya sayo pero oras na malaman kung umiiyak ka ng dahil sa kanya papatayin ko sya." seryosong sabe ni Oda.

"Salamat kuya di naman nya ako sasaktan friend ko kaya si Sakuragi. Kuya sana maging friend mo din sya." ngiting sabe ni Aicelle.

"Ayoko maging friend yun ikaw na lang." inis na sagot ni Oda.

"Thank you kuya mahal mo talaga ako." malambing na sabe ni Aicelle sabay halik sa pisngi ng kuya nya.

"Binola mo pa ako ganyan ka maglambing kapag may kailangan eh....

"Love you kuya....

"Love you too mag ingat ka pag uwi mo...

Nagpaalam na si Aicelle sa kuya nya at pinuntahan si Sakuragi na nakayuko habang naka upo. Hindi alam ni Aicelle kung ano ba ang iniisip ni Sakuragi pero ayaw nyang makita na malungkot ito...

"Kuya Sakuragi." pagtawag ni Aicelle.

Pag lingon ni Sakuragi umiiyak ito kaya agad na lumapit si Aicelle sa kanya para punasan ang luha nito. Hindi naman maka tingin si Sakuragi ng diretso dahil nahihiya sya kay Aicelle lalo na nga gusto nya ang babaeng kaharap nya.

"Wag kana umiyak kuya nasasaktan kasi ako eh." pakiusap ni Aicelle.

"Sorry nasaktan ba kita? Alam ko ayaw sakin ni Oda sorry Aicelle. Wala akong maipagmamalaki sayo dahil di ako mayaman, di matalino at di rin gwapo pero kaya kitang protektahan sa paraang alam ko sorry hah." sabe ni Sakuragi.

"Kuya Sakuragi lalo mo naman akong pinaiiyak eh. Kahit ano kapa kahit wala kanang pamilya, kahit di ka mayaman at lalong di gwapo dito lang ako." pagpapalakas loob na sabe ni Aicelle.

"Salamat Aicelle pangako di ka iiyak sakin lage kong paliligayahin ang puso mo..

"Wee talaga? sabe mo yan hah....

Nakita naman ni Oda na masaya nga ang kapatid nya kay Sakuragi kaya wala syang magawa para hadlangan ang kaligayahan ng kapatid nya dahil kung ano magpapaligaya sa kapatid nya maligaya na rin sya...

"Hindi mo nga nakuha si Yoko sakin pero nanalo kana man sa puso ng kapatid ko Ibang klase ka Sakuragi." bulong ni Oda habang nakatingin kay Aicelle at Sakuragi.

Nagpaalam na si Aicelle kay Sakuragi para umuwi. Ayaw pa sana nya iwan ito kaya lang gagabihin naman sya masyado kapag di pa sya umuwi. Araw araw nagsusulatan si Aicelle at Sakuragi kaya lageng masaya si Aicelle lalo na kapag nababasa ang sulat ni Sakuragi sa kanya..

"Gabi na hah..

Nagulat pa si Aicelle ng makita si Minami sa daan. Hindi na sana nya papansinin ito kaya lang natatakot naman sya mag isa maglakad lalo na madilim sa dinadaanan nya...

"May pinuntahan kasi ako Ikaw ba? bakit ngayon ka lang uuwi?" tanong ni Aicelle.

"Sinusundan kita. Hindi nga ako nagkamali na hindi ka didiretso ng uwi." ngiting sagot ni Minami.

"Bakit mo naman ako susundan? Umuwi kana di ba malayo pa ang biyahe mo papuntang Osaka....

"Hindi na muna ako pupunta ng Osaka. Alam mo ba kung bakit? dahil sayo." seryosong sabe ni Minami.

"Dahil sakin? bakit ako?" takang tanong ni Aicelle.

"Hindi ko alam Aicelle basta ang alam ko lang dahil sayo kaya ayoko bumalik ng Osaka." sagot ni Minami.

"Kasalanan ko pala noh sorry hah hehehe...

"Ayos lang bata madali naman ako magpatawad." ngiting sabe ni Minami..

Tawa ng tawa si Minami sa kwento ni Aicelle kaya hindi ito naboring. Alam nyang marami syang kalokohan pero mas marami palang kalokohan si Aicelle na ngayon palang nakikita ni Minami kaya lalo syang nagka gusto kay Aicelle.

"Alam mo ikaw lang ang babaeng nakapag patawa sakin kaya ayoko bumalik sa Osaka eh....

"Talaga? ang ganda ng kwento ko di ba marami pa nga yan kaso nakalimutan ko na yung iba iisipin ko muna tapos ikukwento ko ulit sayo." madaldal na sabe ni Aicelle.

"Sige ikuwento mo sakin hah. Alam mo nagiging bata ako ng dahil sayo Aicelle...

"Sobra kana man pero salamat dahil nagustuhan mo yung kwento ko hehehe.

"Salamat Aicelle dahil napasaya mo ko." anya ni Minami.

"Wala yun basta quits na tayo hah di kana magsusumbong kay Sawakita hah..

"Pag iisipan ko." biro ni Minami.

"Kakainis naman to eh...

"Alam mo ba ngayon lang ako napasaya ng isang babae at dito pa sa KANAGAWA kaya ayoko na bumalik ng Osaka." seryosong sabe ni Minami.

"Talaga? Sino naman?" tanong ni Aicelle.

"Ikaw." sagot ni Minami.

Hindi alam ni Aicelle kung anong sasabihin nya kay Minami kasi di naman talaga sila close pero alam ni Aicelle na mabait na tao si Minami..

"Sige Minami dito na ako ingat ka hah." pagpapaalam ni Aicelle.

Napangiti na lang si Minami kay Aicelle saka ito naglakad.

✅ 𝐓𝐇𝐄 𝐆𝐄𝐍𝐈𝐔𝐒 𝐁𝐀𝐒𝐊𝐄𝐓𝐁𝐀𝐋𝐋 𝐌𝐀𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐊 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang