Prologue

351 24 14
                                    

"Dos wait, ugh!"

"Can't wait," tugon ni Yves sa babae at mas pinalalim ang halik nila.

Tinulak niya ang babae sa isang bakanteng classroom ng hindi pinuputol ang halik nila. They're in school, but who the hell cares, right? Alas otso ng gabi at halos wala ng tao sa buong school nila. This woman waited for his basketball practice to finish just to confess and do this.

Nang makarating sila sa teacher's table ay binuhat niya ang babae para iupo doon, tinignan ng mata sa mata. "You sure you don't have boyfriend?"

"Yeah."

"ACHOO!" napangisi si Yves kasabay ng bahing niya. Liar.

"Let me ask you again, wala kang boyfriend?"

"I told you, wala! I'm not the type of girl that will cheat," maarteng sabi ng babae.

"ACHOO!" she really is a liar but who cares, this woman is offering herself to Yves, sino ba si Yves para tumanggi sa grasya?

"Okay, sabi mo, eh," sang-ayon niya na lang sa babae kahit alam niyang nagsisinungaling ito.

Muli niya itong hinalikan, kasabay ng paglalakbay ng kamay niya sa ilalim ng pencil skirt nito. Habang ang kabila niyang kamay ay isa isang tinatanggal ang butones ng polong puti.

Nang maalis niya sa pagkakabutones sa polo ay binaba niya ang labi sa leeg nito, pababa sa panga ng babae... pababa sa leeg at... pababa sa leeg. Naglakbay ang isa niyang kamay sa likod nito at tinanggal ang pagkaka-hook ng bra ng babae.

BOG!

Akmang dadalhin niya sa bibig ang isa sa dibdib ng babae ngunit parehas silang napalingon sa tunog ng may nalaglag na... libro? Inangat ni Yves ang tingin sa kung saan nanggaling ang libro at doon, isang babae na may nakasaksak na earphone sa tenga, naka- P.E uniform, naka-bagpack habang may gulat na tingin sakanila at nakabuka pa ang bibig.

"Kyah!" unang nagkaroon ng reaksyon ang babae at tinakpan ang mukha at tumakbo palabas ng classroom.

Tumikhim ang babaeng naka-ear phone, pinulot nito ang libro, hinarap si Yves at tinaggal ang pagkakasaksak ng earphone sa kanang tenga niya. "I'm sorry, I guess?"

"I didn't mean to intrude on you guys, pero sino bang mag-aakala na may gagawa no'n dito?" sabi nito na parang mas tinatanong ang sarili, bago umiling.

"Anyways, I'm sorry tinakbuhan ka nung kasama mo."

Nang hindi sumagot si Yves sa babae ay nag paalam ito. "Um, mauuna na ako, may quiz ako bukas at kailangan ko mag-review... and sorry again."

Bumalik si Yves sa katinuan ngunit wala na ang babae sa harap niya.

"Shit!" mura niya sabay takbo palabas ng classroom para habulin ang babae, suot niya ang varsity shirt niya na nakalagay ang apelyedo niyang Mercado at ang numero niyang "2".

Hindi ganoon kalakihan ang Emerald University na eskwelahan nila kaya't kapag kumalat ang kwento na sinubukan niyang makipagtalik sa loob ng classroom, masisisra ang reputasyon niya!

Tang ina, bakit ba kasi nandoon yung babae?

**********

Naglakad si Kristal papuntang parking lot sa labas ng eskwelahan nila. What she witnessed was so bizarre, having sex in classroom, really? Bumalik lang naman siya dahil nakalimutan niya ang isa sa libro niya na sinabi ng professor nila ay may test sila. Mukhang gulat na gulat pa kanina yung lalaki nung umalis siya pero kinibit balikat niya na lang.

Nang makarating sa pintuan ng kulay itim na Toyota Hilux ay inilabas ni Kristal ang susi niya mula sa bulsa ng jogging pants at sinuksuk sa susian.

"Ugh!" daing niya dahil nang papasok na siya ay may humila sa braso niya. Tinignan niya ang taong iyon ng may simangot sa mukha.

"What?" irita niyang tanong.

"Wait, hah, hah!" hingal na sabi ni Yves, atleta siya pero, iba ang tumatakbo habang natataranta. Nang medyo nahabol niya na ang paghinga ay hinarap niya si Kristal.

"About what you saw earlier..."

"Ano meron doon?"

"Um, pwede bang wala kang pagsabihan na kahit sino, your friends, classmates and especially the student affairs?" medyo alangan na tanong ni Yves, tinanggal ni Kristal ang pagkakahawak ni Yves sa braso niya.

"Excuse me, sir? Pero ni hindi nga kita kilala, and even kakilala kita, who am I to tell your sex, um, I mean love affairs to others, that's a private matter."

"What?"

"Kung iniisip mo na ipagkakalat ko, don't worry, what happened there will stay there... I promise."

"So if you excuse me, mauna na ako," sabi ni Kristal at sumakay ng kotse nito at nag drive palayo.

Tinanaw naman ni Yves ang kotse nito. Hindi na siya nakapagsalita dahil higit sa pagsabi ng babae na wala itong pagkukwentuhan, mas nagulat siya sa sinabi nitong hindi siya nito kilala. Maliit lang ang campus ng Emerald, siguro ay nasa kulang kulang tatlong libong estudyante lang simula freshmen hanggang senior.

And he is the mighty Yves Mercado, also known as "Dos", the most valued player of their basketball varsity! Kahit gaano kaliit ang eskwelahan nila ay nagawa niyang paaribahin ito sa interscholastic sports battle sa loob ng magdadalawang taon niya dito dahil sa galing niya maglaro! Maski freshmen na halos kaka-enroll palang sa bagong school year ay agad na naka-follow na sa social media accounts niya!

Tapos sasabihin ng babaeng iyon na hindi siya nito kilala?! Napailing siya dahil ang mas nakakagulat sa lahat ay, hindi siya bumahing! Which means, the woman is not lying.

Yves has this supernatural condition that he inherited from mother side but only manifest in the men of the family. They are allergic to lying! Babahing at babahing siya kapag may naririnig siyang kasinungalingan, sa sariling bibig niya man galing o sa iba.

Karamihan ng kakilala niya, nagsisinungaling sa araw araw. Pero ang babaeng iyon, alam niya na sandali lang sila nagkausap at hindi niya dapat iyon maging basehan para masabing tapat ito. Ngunit ang hindi pagbahing habang may kausap ay bago sa pakiramdam niya... That's quite refreshing.

Lips That Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon