Chapter XXVII: I Love You Since 1502

58 3 0
                                    



**************************


Peter Pan


Taong 1502 nag simula ang pag mamahalan namin ng aking asawa na si Millieanna Wendy Saavedra, tulad ng nababasa ninyo sa mga libro ay hindi ako tao. Isa akong kakaibang nilalang na ang alam ng nakararami ay isang karakter lamang o kathang isip ng manunulat, akala ko rin noon ay hindi ako tunay hanggang sa maligaw ako sa mundo ng mga tao at doon ko nakilala ang babaeng handa kong ipaglaban.





Abala akong nag lalayag patungong kanluran ngunit sa kasamaang palad ay biglang may hindi inaasahang kaganapan na naging dahilan kung bakit ako napunta sa mundo ng mga tunay na tao, lahat sila iba ang turing sa'kin at ni isa ay wala man lang tumutulong pero si Wendy? Hindi siya nag dalawang isip na tulungan ako.





Napaka bait niyang tao at sa totoo lang? Siya ang pinaka magandang nilalang na nakilala ko, sa dinami-dami ko nang nakasalamuha ay wala pang nakaka bihag ng puso ko at siya lamang ang naka gawa non. Dahil sa kalabisang saya na nararamdaman ko, nanatili ako sa mundo ng mga tao at habang lumilipas ang mga araw ay unti unti akong napamahal sa kaniya.






Sobrang galak ko dahil malaman kong inibig niya rin pala ako kaya nag pakasal kami at iyon na ang simula ng pag buo namin ng isang masayang pamilya, nagkaroon kami ng tatlong anak, isang lalaki at dalawang babae. Noong mga oras na iyon ay wala na akong ibang hinahanap pa dahil para sa'kin, sapat na ang makita kong malusog at masaya ang buong mag anak ko.






Lumipas ang ilang taon, masaya pa rin kami ni Wendy kasama ang aming mga anak na lumalaking malusog at sadyang magaganda at gwapo. Marahil, namana nila ang itsura namin ni Wendy. Dumating na ang unang taon ng kapanganakan ng bunso naming anak ngunit may bisitang hindi naman imbitado ang dumalo, hindi ko inaasahang magagawang sumunod ni Tinkerbell sa'kin patungo dito sa mundo ng mga tao.





Kulay itim na ang mga pakpak niyang dati'y kulay berde, matatalim ang tingin niya sa'min lalong lalo na kay Wendy pati na sa mga anak ko. Alam kong darating ang araw na ito pero hindi ko maintindihan kung saan nang gagaling ang galit na nararamdaman niya, wala naman akong atraso o ginawang masama sa kaniya dahil matalik kaming mag kaibigan. Bata pa lamang ako ay kasama ko na siya, kapatid na ang turing ko sa kaniya kaya labis akong nag aalala sa kaniya.





Alam ni Wendy kung anong klaseng nilalang ako at kung saan ako nag mula dahil dinala ko na siya sa Neverland noon para makabisita sa mga nilalang na sandali kong iniwan, hindi ko tinatakbuhan ang responsibilidad ko bilang pinuno pero hindi ko rin maatim na iwam ang pamilya ko kaya nanatili ako sa mundo ng mga tao. Nais ni Tinkerbell na bumalik na ako sa Neverland pero tumanggi ako lalo na nang makita kong lumuluha ang mga anak kong bata pa, wala pa silang kamuwang-muwang.






May kapangyarihan ako at higit akong mas malakas kaysa sa kaniya kaya nagawa ko siyang pigilan, prinotektahan ko ang mga mahal ko sa buhay dahil alam kong iyon ang tama. Umalis siyang luhaan at mabigat ang loob, sa huli? Wala rin siyang nagawa kung hindi ang bumalik mag isa. Nag aalala si Wendy para sa kaligtasan namin kaya nag pasya kaming lumipat sa ibang bansa para lumayo, nagbaba baka sakaling hindi niya na kami muling matunton.






Akala ko tapos na ang lahat pero hindi pa rin pala, wala pa ring tigil si Tinkerbell sa pang gugulo kaya kahit labag sa loob ko ay iniwan ko ang buong pamilya ko para balikan ang iniwan kong sinumpaang tungkulin. Nang makabalik ako sa Neverland para mamuno, bumabalik pa rin ako sa mundo ng mga tao para bantayan ang mag iina ko dahil hindi ako panatag na wala ako sa tabi nila. Nalaman ni Tinkerbell ang tungkol doon kaya mas lalong namuo ang galit sa puso at isipan niya, isinumpa niya ang buong pamilya ko pati na ang mga susunod na henerasyon.






Lost Girl From NeverlandWhere stories live. Discover now