Katulad ng pamagat, nakikiusap ang manunulat na panatilihin munang lihim ang tipon ng mga tula na ito. Nais muna niyang magulumihanan, sumaya't masaktan habang unti-unting hinuhulma ang hindi tiyak na hinaharap ng kanyang pag-ibig. Kasing gulo ng kanyang mga nararamdaman ang pagnanais niyang maging makasarili sa kanyang sariling akda kahit na kagustuhan din naman niya ang ipabasa ito sa karamihan.