MPD : Untold

383 32 3
                                    

Rita's POV


Kahit na hindi ako pumasok ngayon ay inaasikaso ko parin dito sa bahay ang presentation na gagawin ko kay Rebecca. Sa totoo lang, wala akong ganang gawin ito pero dahil isa nga ito important client kuno ng Ka-Vogue ay napipilitan akong gawin. Kailangan kong ma-impress si Rebecca na alam ko namang malabo mangyari dahil in the first place, hindi niya ako gusto. Ramdam ko iyon sa paraan ng pananalita nito sa harap ni Ken noon.









Ibinababa ko ang iniinom kong gatas ng magring ang phone ko.








Bigla kong binato yung unan sa phone ko ng makita ko kung sino yung tumatawag. It was Ken. Dahan-dahan ko itong sinilip ulit at hindi parin tumitigil sa pagtawag. Tinaob ko na lang ang phone ko para hindi ko na makita ang pangalan nitong nag reregister.









Kinuha ko ang latop ko at pumasok ako sa kwarto para makapag concentrate ako sa pag edit ng presentation.









"RJ, ikaw na muna ang bahala kay Oslo. Sa kwarto lang ako.."








"Sige po Maam."









"Bawal kita i-kiss Oslo eh, may trangkaso ang Tata." pag b-baby talk ko dito..














Nang makapasok na ako sa kwarto ay pinagpatuloy ko na ang pag-eedit ko. Kinuha ko ang airpods ko at muling pinakinggan ang mga kantang nakakapagparelax ng mind ko...









Nakakailang slides palang ako sa presentation ng bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya nagulat ako. Niluwa nun si RJ at hawak hawak nito ang phone kong iniwan sa labas.







"Oh? Anong nangyari?" nagpapanic na tanong ko dahil bigla na lang nitong binuksan ang pinto ng kwarto ko na hindi naman nito ginagawa noon.. May emergency ba?







"Kanina pa po kasi ako kumakatok, hindi niyo binubuksan kaya ako na ang nagbukas.."








"Nakikinig kasi ako ng music, bakit ba? Ano bang nangyari?"





"Kanina pa po kasi tumatawag si Sir Ken sa phone niyo.." sabi nito sabay pakita ng phone..






"Wag mong sagutin!" utos ko dito pero nag peace sign ito at pinakitang nasagot na pala niya at kanina pa pala nasa line si Ken.. Kinuha ko ang phone ko kay RJ ..








"Bakit na naman ba? Istorbo ka." iritang sabi ko dito sa kabilang linya.







"Wow. Nakakahiya naman sa boss mo. Ako pa ngayon ang istorbo dahil tumawag ako. I called you multiple times pero hindi mo sinasagot!"









"At bakit ko naman sasagutin hah?" pagtataray ko dito.








"At bakit hindi? I just call you because I need some reports from your team. Iza told me na nasa iyo ang copy. " I rolled my eyes and napaupo ako sa kama habang nag iisip ng isasagot dito..





"Bakit kailangan mo pang tumawag? You can email me naman regarding sa report na hinahanap mo sa team ko..."









"I already emailed you pero walang reply so I decided na tawagan ka! At nakailang tawag pa talaga ako at si RJ pa talaga yung nakasagot. Ayaw mong sagutin ? Bakit?"









"Busy ako." iritang sagot ko dito.










"Ayaw mo akong kausap. Tama ako?"










My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now