MPD : Vacuum

298 36 4
                                    

Rita's POV











Nakasimangot ako habang inaalala ko yung nangyari kahapon.. Habang pinipresent ko ang Magazine cover ng team ko ay hindi natuloy dahil sa biglaang pagsulpot ng Rebecca Solidad na iyon. The same girl na kameeting ni Ken with Miss Claudia. Ang sabi sa office ay bigating CEO daw iyon ng isang Cosmetic Company at nakikipag partner sa Ka-Vogue para kami ang mag published ng magazine for launching ng bago nilang make up line. Hmmp. Kung dumating kasi yun sa tamang oras ay hindi siguro ako nanggagalaiti sa inis ngayon dito sa bahay. Pero hello! Kasagsagan ng presentation ko!!! Nabastos ako! Hindi lang ako kundi pati ang team ko. At ang Tsinoy naman ay nagpakaladkad din at umalis ng conference room ng hindi manlang nagbitaw ng salita. Ilang araw kong pinaghandaan ang presentation na iyon tapos mababalewala lang!!! Nakakainis!!











Dinidiin ko ang pagmamap ko sa sahig dito sa bahay. Sabado ngayon at nagpasya akong mag general cleaning..
















"Wow. Ang aga mo namang magsipag. Baka pwedeng pakidamay pati yung kwarto ko?" bungad na sabi ni Ken ng madatnan niya akong nagmamap dito sa sala.. Inirapan ko lang ito at tuloy lang ako sa ginagawa ko.










"Nasaan si Oslo?"










"Bakit mo hinahanap hah? Tsaka baka naman pwede mo akong tulungang maglinis ng bahay ko! Nakikitira ka na nga lang dito eh.."












"BAHAY KO." pagtatama niya sa sinabi ko.













"Kumain kana dun! Nagluto na ako.."









"Totoo? Aba! Mukhang ang ganda ng gising mo hah!" nakangiting sabi nito.











"Masama ang tulog at gising ko! Kaya umalis ka sa paningin ko!"









"Oh! Ang aga-aga, nagagalit ka! Nasaan ba kasi si Oslo talaga?"









"Nasa kabilang bahay kasama si RJ, nag gegeneral cleaning ako at maalikabok.. Mas safe siya dun.."










"General cleaning. So ibig sabibin ba nun ay pati yung kwarto ko ay lilinisin mo?"











"Wala akong choice."












"Don't worry. Walang nakakalat na condom sa kwarto ko!" inambahan ko siya ng map at tumakbo ang walanghiya papunta sa kusina.














"Wala akong pakialam sa condom mo! Ang aga-aga Ken Chan!!!"






















Nang matapos ako sa sala ay nagpasya na akong maglinis sa kwarto ni Ken. Bago ako pumasok doon ay kumuha muna ako ng mga pamalit na bedsheet, punda at kurtina. Kumpleto ako dito sa bahay dahil kina-career ko talaga na akin itong bahay. Kinuha ko ang vacuum cleaner at mga basahan tsaka ako pumasok sa kwarto nito.









"Pag natapos ka dito sa kwarto ko, tawagin mo ako sa labas.."











"Oo na, doon ka na! Chupi!!"















Pag-alis nito ay sinarado ko na ang pinto tsaka ko nilibot ng tingin ang kwarto nito. Pagpasok ko pa lang dito ay naaamoy ko na agad ang pabango nito. Pabangong nagsisilbing air purifier ng kwartong ito.. Napansin ko ding nakaayos na pala ang kama nito..









My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now