MPD : Menudo

294 36 2
                                    

Ken's POV








Saturday afternoon. Wala akong ganang magtrabaho kaya I decided na umalis ng office by 2pm. Dumiretso ako sa law office ni Feliciano.

















"F*ck you Ken Chan! Anong ginagawa mo ditong hayop ka?" inis na sigaw nito ng bigla akong pumasok sa office niya. Naabutan ko kasi itong may nakakandong na babae sa kanya at mukhang naka-istorbo ako sa kanila. Mabilis na tumayo ang babae at lumabas ng office.



















"Wow! Feliciano my Maaaaan! First time kitang mahuli na mambabae hah! Proud pa naman ang ate mo sayo na ikaw ang pinakamatino sa barkada!"


















"Atleast ako, single ako Ken! Kaya okay lang mambabae."




















"Pareho tayo!"
















"Ay, hindi tayo pareho Ken. You have Rita—-"














"Wait. What? Bakit naman napasok sa usapan yung babaeng iyon?" inis na tanong ko dito.









"Kita mo yan! Inis na inis ka sa tao. Siya lang yata yung babaeng nakakapagpainis sayo ng ganyan! Tell me, may problema ba kayo?"








"Sa simula pa lang, malaki na ang problema namin , alam mo yan! At itong kaibigan kong naturingang highest paid lawyer ng bansa, hindi ako matulungan! Damn it Feliciano! I need that house back to me! Yung akin lang. Gawan mo naman ng paraan na mapalayas yung babaeng iyon!"








"Relax ka nga muna Ken! Hindi ka ba naaawa kay Rita? Ikaw na kaya ang mag give up——"









"No! That's my house!!"









"Tara nga dito at mag-usap tayo. Yung bahay parin ba yung problema niyo or may iba pa?"















Pumunta talaga ako dito to tell him about Oslo. Hindi ako nagka chance na masabi sa kanya ito last time na pumunta ako sa bahay niya pero ngayon, sasabihin ko na. I don't care kung magalit si Rita sa akin pero ito ang tama. Alam kong matutulungan kami ni Feliciano about kay Oslo at ano ba ang dapat gawin. Naaawa na ako sa bata. At nasasayang ng bata ang dapat sanang oras ni Rita sa trabaho.






















"A baby? For real?"









"Yes. Believe me! Noong unang gabi pa lang na napulot namin siya, gusto ko ng ipaalam sa pulis pero ayaw ni Rita."







"Bakit ayaw niya?"







"May suspetya kasi si Rita na ang mga magulang ng bata ang gustong pumatay sa kanya. Biruin mo, nilagay sa ilalim ng kotse ko. Kung napaandar ko ang kotse ay baka nga napatay ko na ang bata. Natatakot si Rita na baka masasama nga ang magulang nito at baka kapag naibalik ito ay pagtangkaan na namang patayin ang bata. Pero diba mali iyon? Ang magtago ng bata lalo na't hindi mo naman kilala yung bata at parents nito. May possibility na makulong si Rita sa ginagawa niya diba? Siya na lang daw ang gagawa ng paraan para mahanap ang magulang ni Oslo. Tss...May suspetya pa siyang anak ko daw yung bata. Hah."





"Hmm. May point ka Ken pero may point din si Rita. I never know na ganyan kabuti ang puso ni Rita. Biruin mo, hindi niya kaano-ano yung bata pero inako niya yung responsibility for that baby para maalagaan lang ito. Teka, baka anak mo nga talaga yun?"






My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon