MPD : Vwisitt

539 43 18
                                    

Rita's POV


It's already 10pm at mag-isa akong nakaupo sa sofa habang inuubos ang gatas ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang pagtakbo ng kamay ng orasan.. Nilibot ko muli ng tingin ang bahay na ito, medyo kinikilabutan ako. Ewan ko ba, kakanood ko to ng horror films dati eh. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa bank statement ko. Naiiyak ako sa tuwing napapatingin ako dito. Parang nabalewala lahat ng pagkayod ko dahil unti-unti na talagang nababawasan yung savings ko. Malapit na eh, malapit ko na sanang matubos ang lupain ni Daddy sa province pero ito na naman ako, kinukulang na naman.









Nanlaki ang mata ko ng makarinig ako ng pagkatok sa pinto.











Teka? 10pm ? May bisita ako? Wala namang ibang nakakaalam ng bahay ko maliban sa mga kaibigan kong alam kong kasalukuyang lasing na ngayon sa Revel. Hindi na nga ako sumama dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Imposibleng sila Iza ito dahil ang katok ng mga iyon ay sunod-sunod.





Ang paraan kasi ng pagkatok ng tao sa labas ay kalmado lang kaya mas lalo akong kinabahan.









Baka naman multo iyon?















Shit. Mabilis kong kinuha ang unan sa gilid ko tyaka ako unti-unting lumapit sa pinto. Ayokong sumilip sa bintana dahil baka biglang bumulaga iyon at mapatili ako.. Baka magising pa si Oslo.














*tok-tok*










"Sino yan??" buong tapang na tanong ko..












"Rita, it's me, Feliciano.."










Nakahinga ako ng maluwag. Kinalma ko ang sarili ko.











Teka?? Paano niya nalaman tong bahay ko?










Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Feliciano. At sinundan ko ang tingin nito ng lumingon siya sa gilid niya. Nandito din pala yung Ken Chan.






"Walang gate mula sa kalsada, yung bintana, masyadong malalaki ang butas.. Mabilis pasukin ng lamok.. Yung paligid, napakadaming damo.. Yung puno ng mangga. masyadong nakasayad sa bubong—-"






"Pumunta ba kayo dito para laitin yung bahay ko? Umalis na kayo. Nagpapahinga na kami.." iritang sabi ko sa kanila. Nang akmang isasarado ko ang pinto ay pinigilan ako ni Feliciano..










"Hoy ikaw! Wag mong konsintihin tong kaibigan mo! Umuwi na kayo."












"Rita, where here kasi gusto ka naming makausap."









"Para saan? Babayaran niyo na ba ako? Diba ang sabi ko contact me first ! Ano to? Bakit kayo nandidito? At sino naman sa mga kaibigan ko ang nagturo sa inyo ng address ko hah?"











"Wala bang pa-kape diyan?" biglang sabi ni Ken at para itong feel at home ng biglang pumasok sa bahay ko..










"Gusto mo bang kasuhan kita ng trespassing hah? This is my house! Lumabas kayo dito!"










"May mahalaga kaming sasabihin sayo Rita.." rinig kong sabi ni Feliciano.. Bigla naman akong kinabahan sa paraan ng pagkakasabi nito. Ano bang nangyayari?











My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon