MPD : Gums

388 34 8
                                    

Rita's POV



HALOS mangawit na yata tong panga ko dahil sa pagngiti dahil bigla ko na lang naalala yung nakakakabang eksena kagabi. Muntikan na talaga kaming maabutan ni Dad sa banyo. Hindi ko na alam kung ano pang idadahilan ko kung sakaling makita nga kami nito. Nagtagal din kami ng halos isang oras sa loob ng banyo bago kami nakalabas. Sinigurado rin namin na hindi magigising sila Mommy and Daddy sa paglabas namin ng kwarto. Nakuha namin ang dapat na makuha. Kaya ng makalabas na ito ng bahay ay halos ayaw pa nitong umalis.. Natatawa ako dahil dinadahilan pa niyang ayaw niyang mag drive ng inaantok. Eh yung totoo ay napakalapit lang naman ng hotel kung saan ito nag stay.












It's already 7am at nakaayos na ako para pumasok. Maaga akong nagising ngayon dahil aminado akong hindi din ako nakatulog ng maayos kagabi. Dahil sa bawat pagpikit ng mga mga mata ko ay ang pagtitig nito ang naaalala ko..







"Rita, anak! Halika na dito hanggat mainit pa ang kanin!" bitbit ko ang ngiti hanggang makaupo sa harap ng hapagkainan. Namimiss ko yung ganito. Rice sa umaga. Ganito kami talaga. Hindi pumapayag ang Mommy ko na umalis ako ng bahay ng hindi pa nakakakain at umaga hanggang hapunan ay siguradong may Rice. Pero kahit ganoon ay kontrolado parin ako sa pagkain, mahirap na.. Ang hirap kayang mag work out!!





"Malapit lang naman dito yung opisina niyo anak diba?"





"Opo Dad.. 15 minutes po ang pag cocommute ko kung hindi traffic.."






"Eh bakit ang aga mong gumising ngayon?" pagtataka nito.. Eh hindi nga kasi ako nakatulog ng maayos!







"May kailangan po kasi akong asikasuhin ngayon sa office.." pagdadahilan ko dito..






"Si Ken, sabay ba kayong papasok ngayon?" usisa nito.







"Ay, hindi po Dad. Maaga po ang meeting niya ngayon. Siguro ay kanina pa siyang 6am nasa office.." napansin kong nagkatinginan sila Mommy at Daddy.. Teka. Bakit ko alam! Bakit pati ba naman iyon na-sshare ko!














"Kabisado mo ang schedule niya anak hah.." usisa ni Mommy at kunyaring natawa ako..












"Mommy naman! Ako kasi yung nag ayos ng schedule niya for this week!" pagsisinungaling ko dito.. Pero hindi naman scope ng trabaho ko iyon!! Wala namang Editor ang nag-aayos ng schedule ng boss niya! Juskooo Sana di mahalata..






"Sige na, kumain na tayo at para hindi ka ma-late!"

















"Ako na lang po ang maghuhugas ng mga plato. Maya-maya na lang ako aalis.." sabi ko kay Mommy ng lapitan ko siya sa sink..














"Rita anak, mas mabuti pang pumasok ka na para hindi ka maabutan ng traffic!" nag make face ako at niyakap ko si Mommy..











"Bye! Mauna na po ako!"











"Sige na! Ingat ka! Ako ng maghuhugas nito. Pati ba naman tagahugas ng pinggan ay trabaho na ngayon ng Editor!? Hindi naman!makahulugang sabi ni Mommy.. 











"Mommy!!" naiiyak na sabi ko dahil inaasar na niya ako..
















"Ingatan mo yan!!!" sigaw ni Mommy sabay turo sa bandang puso..














My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now