MPD : Bad

322 31 4
                                    

Ken's POV



"Ihahatid ko lang kayo sa bahay ngayon. Pupunta pa ako kay Feliciano. Kahapon pa niya ako gustong makausap."





"Ang lungkot naman ng friendship niyo. Hindi kayo nakakapag-usap kahit sa phone?" sinamaan ko ng tingin si Rita at nag peace sign ito.






"Joke lang!!! To naman! Hmm. Pero doon ka sa bahay matutulog?"






"Oo naman. Bahay ko yun eh.."





"Bahay NATIN." siya namang pagklaro nito..







"Bahay Natin." pasukong sabi ko dito..







"Thank you Ken hah. Na sinamahan mo kami ni Oslo. And thank you for taking care of Oslo.."







"Bata siya. Kailangan niya ng pag-aalaga. Maliit na bagay."







"Salamat.."







"Hanggang hindi pa natin nakikilala ang mga magulang ni Oslo, tutulungan kitang alagaan siya.."








"Totoo?"








"Yes. I promise."








































"Oh oh! Pucha Ken! Anong ngiti yan? Pupunta ka ng bahay ko ng ganyan ang ngiti? Mukhang may nangyari kagabi na dapat mong ikwento ah?" bungad na sabi ni Feliciano sa akin pagkapasok ko ng bahay niya.














"Ano bang pinagsasabi mo? Bawal ngumiti? Nakakatawa kasi yung mukha mo."







"Dude. Yung Ken Chan na kilala ko, yung laging magkasalubong yung kilay at laging problemado .. Pero ngayon, parang may nag-iba. Parang ang gaan gaan ng aura mo! Nagpatawas ka na ba?"











"Gago!"










"So kamusta ang Tagaytay with "Yung kasama ko sa bahay.." paggaya nito sa sinabi ko sa kanya kahapon over the phone.








"Hindi ako pumunta dito para magkwento sayo. Kailangan mo akong kausapin diba? So Anong balita sa property ko?"












"Mag kwento ka muna!"








"Tsk. Pambihira Feliciano, bakit paubos na yung stock mo ng beer dito sa ref mo?" sabi ko ng iisang beer na lang ang nakita ko sa ref niya.






"Hindi pa ako nakapagpadeliver. Nagbabawas na din ako ng alcohol.."







"Wow? Parang di naman kapani-paniwala.."









"Dude, wag mong ibahin ang topic. So ano? May dapat ba akong malaman?"












"Wala!"












"Okay. Iisipin ko na lang na humihingi ka ng privacy.."










"Loko.."








"So kamusta ang bonding mo with your family?" tanong nitong muli kaya nahampas ko siya ng unan.







"Hey.. I'm just asking!! Tsaka totoo naman ah, masaya ako for you kasi nakahanap ka na ng bago at sarili mong pamilya! Hindi nga lang legal pero pwede na.. " natatawang sabi nito..









My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon