MPD : ID

413 38 10
                                    

Rita's POV



NAKANGITI kong sinalubong ang pagsikat ng araw mula sa Villa namin. Ito na ang huling araw namin dito sa resort at wala kaming ibang gagawin kundi ang sulitin ang araw na ito. Binigyan pa kami ng 2 days off para makapagpahinga dahil sa nangyaring teambuilding. Habang naglalakad ako sa dalampasigan at naghihintay ng ilang mga empleyado dahil sabay-sabay kaming magbbreakfast ngayon, may kung sinong tumawag ng pangalan ko..












"Miss Rita.." it was Rebecca. Ang ganda ng gising ko tapos eeksena pa to. Ano na naman ba ang kailangan nito. Tss..
















"Hi Miss Rebecca! Good Morning!" nakangiting bati ko dito , pero punong-puno ng kaplastikan. Alam kong ganoon din ito dahil sa pagngiti niya sa akin. Sus. Akala mo ang bait! Arrrgh.. Matapilok ka sana.








Sorry Lord.











"Kamusta ka? Okay ka na ba? Mabuti na lang at nahanap ka ni Ken.. " aba, kailan pa to naging concern sa akin?










"Oo, okay na ako. Thankful nga ako kay Sir Ken. Siguro kung hindi siya dumating, hindi ko na alam kung saang parte na ako ng karagatan nandodoon.." sabi ko dito at pinakiramdaman ko kung ano ang magiging reaksyon nito..











"We're going on a trip. I invited him as my escort sa grand opening ng cosmetic line ko sa Singapore.." Eh anong pakialam ko? Share niya lang ganun? Tss..










"Wow! Congratulations in advance!" kunyaring masaya na bati ko dito.









"You congratulates me for what? For my new branch of cosmetics or for having Ken in mylife?" tanong nito na ikinagulat ko.. Having Ken in mylife na agad siya mga teh!! Feeling to! Jowa ka girl??












Ngumiti ako dito..












"Oh well, congrats na nga din dun sa pangalawa mong sinabi!"  pabirong sabi ko dito at tumawa ako.. Tumawa din naman ito.. Plastik din bwisit..
















"Oh, I have to go! Have a great day Miss Rita!" sabi nito. Tumango na lang ako. Pagtalikod na pagtalikod nito ay napairap na ako. Eksenang gustong-gusto kong gawin kanina pa! Tss..














Nagapatuloy ako sa paglalakad ng mapahinto ako. Nanlaki ang mata ko ng makita kong lumabas ng Villa si Camille. Pero hindi namin iyon Villa. Ang pagkakatanda ko ay Villa iyon ni—- Hector? Teka. Diyan ba siya natulog ? Kaya pala paggising ko ay wala na si Camille sa tabi ni Iza!!! Lalapitan ko sana si Camille ng maalala kong kasal na pala ang dalawa. Kinalma ko ang sarili.. Pinagmasdan ko na lang itong naglalakad pabalik na sa Villa namin.,









Naku Camille!!! Kapag nahuli talaga kayo ni Ken sa ginagawa niyo, hindi ko na alam kung anong gagawin ko.. Ang bigat sa konsensya. Ayoko naman itong isumbong. Haaays..

















Habang papunta na ako sa Gazibo kung saan kami kakain ng breakfast ay dala-dala ng isip ko yung ilusyon ni Rebecca. Having Ken in her life? OA siya sa part na iyon . Naiinis ako kung iisiping totoo iyon. Pero papaano kung Totoo? Paano kung girlfriend na pala siya ni Ken? Pero walang sinasabi si Ken sa akin ng about sa kanila ni Rebecca.. O ayaw lang niyang malaman ko? Juskooo naman. Dagdag na naman sa iisipin!!












My Perfect DisasterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin