MPD : Epal

294 29 2
                                    

Rita's POV



"I think Claudia, sa ibang araw na lang ulit tayo mag-usap." rinig kong sabi ni Ken.. Hmp, tinatapos na niya yung pag-uusap nila dahil ginulo ko sila? Haha.











"Yeah. I have to go, may i-memeet pa akong client. So bye Kenny." sabi ni Caludia at kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano niya bineso at niyakap si Ken. Umikot ang dalawa kong mata pero sure akong di nila nakita dahil sa ibang direksyon ako nakatingin.. Pagkalabas ng office ni Claudia ay naiwan kaming dalawa ni Ken sa loob. Nakairap ako dito pero siya ay seryosong nakatingin sa akin.














"Ang bastos mo naman Ken Chan." sabi ko dito at tila nagulat ito sa sinabi ko.











"Bakit?"










"Dinalhan kita ng kape, hindi mo manlang tinikman. Mabuti pa si Ms. Claudia, tumikim at nakita ko.. Pero ikaw? Wala. Kahit hawakan manlang yung cup ay————" natigil ako sa pagsasalita ng inumin ni Ken ang cup. Diretso lang ang pag-inom nito na tila ba hindi mapait at mainit ang kape.. Kinakabahan ako habang hinihintay ang reaksyon nito... Natigil yata ang paghinga ko ng ilapag ni Ken ang cup ng kape sa desk niya at wala itong reaksyon.












"Labas." seryosong sabi nito sa akin.











"Ayoko." pagmamatigas na sagot ko dito.














"Isa.."















"Oh eto na nga. Lalabas na! Kukunin ko lang yung mga cup! To naman! Ang init agad ng ulo!!!" sabi ko dito at nagmadali akong kinuha ang mga cup tsaka lumabas ng office nito..



































-

"Oh? Anong nangyari? Nagalit ba?" bungad na tanong ni Camille sa akin at umiling ako..









"Bet na bet niya yung kape eh! Sanay yata sa mapait na kape. Tsss. Walang silbi yung ginawa ko. Tsk."







"Girl! Baka bawian ka ni Sir Ken! Binabalaan kita! Boss parin natin yun.."





"Hindi ko siya aatrasan! Bakit ba! Tsaka wag kang kabahan diyan, di ka naman madadamay.."

















Habang seryoso ako sa ginagawa ko sa harap ng desktop ay napahawak ako sa tiyan ko dahil kumukulo ito. Okay, hindi na kasi ako nag breakfast kaninang umaga kaya 10am palang ay nagugutom na ako. Ito ang napapala ng late na nagigising eh. Nilibot ko ng tingin ang buong team ko at seryoso sila sa ginagawa nila. Pasimple akong tumayo at lumabas ng office. Dumiretso ako sa pantry para maghanap ng makakain. Sinipat ko muna ang loob ng pantry kung may tao at ng mapansin kong wala ay tuluyan na akong pumasok at binuksan ang ref..




"Sandwich— ang alam ko ay meron dito—hmmmmm—- ay palakang kokak!!!" napahawak ako sa bibig ko ng medyo napalakas ang sigaw ko.. May bigla kasing bumulong  ng "Bawal yan" mula sa likod ko kaya nagulat ako. Paglingon ko, umayos ako ng tindig at muli kong sinarado ang ref..







"Multo ka ba hah? Alam mo bigla ka na lang sumusulpot kung nasaan ako. Wala ka bang ginagawang trabaho?" tanong ko kay Ken at kunot-noo niya akong tiningnan na para bang di siya makapaniwala sa mga sinasabi ko..




My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now