MPD : Sleep

420 30 8
                                    

Ken's POV


Tumungo ako sa pinto ng marinig kong may nagdoorbell.







"Sir Ken!" mabilis kong binuksan ang gate para papasukin si RJ at kasama nito si Oslo.









"Kumain na to?" tanong ko kay RJ at tumango naman ito. Kinuha ko si Oslo sa kanya at nagpaalam na din ito para makauwi na sa kabilang bahay. Gising pa si Oslo at himala talagang hindi na ito umiiyak pag kinakarga ko. Paminsan minsan ay tinotopak parin naman ito pero iba ngayon.. Behave siya habang karga ko papasok ng bahay. Diniretso ko ito sa kwarto ni Rita. Nakabukas naman ang kwarto pero kumatok muna ako bago pumasok. Pagkatok ko ay walang Rita ang nagsalita kaya sumilip na muna ako. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto tsaka ko nakita ang nakatulog na si Rita sa working table nito. Naka on pa ang laptop nito kaya sure akong hindi pa ganoon kalalim ang tulog nito.




Inihiga ko muna si Oslo sa crib nito at laking pasalamat ko at hindi ito umiyak. Bumaling ako kay Rita tsaka ko siya ginising para umayos ng tulog.









"Rita.."






"Ohh."





"Nandito na si Oslo." pinilit nitong gumising tsaka napatingin sa akin.








"Bakit ka nakapasok dito?" natarantang tanong nito na ikinabigla ko.



"Bakit? Bawal ba akong pumasok dito? tsaka inilapag ko lang si Oslo sa crib niya, inabot siya ni RJ ng gising pa kaya ginising kita para mapatulog mo na to.."



Mabilis itong lumapit kay Oslo tsaka sinilip ito. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa bata.. Napapraning na ba ito? O naalimpungatan yata.




"Anong tingin yan Rita hah?"





"W-wala.. sige na, lumabas kana para mapatulog ko na to." lumapit ako kay Rita at akmang i-checheck ko ang noo nito if okay na ba talaga ang pakiramdam nito ay lumayo ito.



"Bakit ba. Lumabas ka na . Shooo.."





"Sigurado ka bang makakapasok ka na bukas?" paninigurado ko dito.




"Oo nga. Tsaka na email ko na pala yung kailangan mo. Check mo na lang."





"Sumabay ka na sa akin bukas sa kotse .." sabi ko dito.







"Totoo? Ayoko na ng prank Ken Chan hah!"







"Agahan mo. Ayoko ng pinaghihintay sa kotse."







"Kapag prank lang yan, makikita mo!!! Susunugin ko lahat ng longsleeves mo!"






"Sige na. Patulugin mo na si Oslo. Good Night."













"Para kay Oslo lang ba yung goodnight?" tanong nito.
















"Sa inyo." sabi ko dito bago ko nilisan ang kwarto nito..







































Rita's POV




Pagkakuha ko ng heels sa gilid ng pinto ay kinatok ko muli ang kwarto ni Ken dahil hindi pa ito lumalabas doon mula pa ng magising ako. Baka ma-late na kami kapag hindi ko ulit ito ginising..










My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now