MPD : Lagot

371 41 10
                                    

Ken's POV




"Rj, yung vitamins ni Oslo hah." rinig kong bilin ni Rita dito habang isinusuot niya ang heels niya.. Naglalakad ako palabas ng pinto habang sinisentro ang pagkakasuot ko ng relo.. Nakaayos na ako at si Rita na lang ang inaantay.. Tutungo na sana ako sa pinto ng kotse ko ng mapatingin ako sa gate ng may mag Doorbell dito kaya nagmadali akong buksan ito...
















Kunot noo kong tiningnan ang isang lalaki at babae na sa tingin ko ay nasa 50-60 years old na ang edad. Halata sa mukha nila ang gulat ng makita ako..















"Yes po? Sino pong kailangan niyo?" nagkatinginan ang dalawa na para bang nagtataka sila na makita ako.











"Dito ba nakatira si Rita? Hindi naman kami nagkamali ng address diba?" sagot ng lalaki. Bigla akong kinabahan sa tanong nito..






























Teka? Hindi kaya...





























"Mommy? Daddy?" napalingon kami kay Rita na ngayon ay nasa likuran ko na.. Mabilis itong yumakap sa Daddy at Mommy nito at alam kong nagulat din ito ng makita ang mga magulang niya....












"Mommy! Hindi kayo nagsabi na bibisita kayo? Sana nasundo ko kayo!?" nakangiting sabi nito pero alam ko, nararamdaman kong kinakabahan ito.. Kinuha ni Rita ang dalang bag ng Daddy niya at iniabot sa akin..












"Gusto ka sana naming i-surprise pero mukhang kami ang na-surprise.." rinig kong sabi ng Daddy nito at biglang tumawa si Rita.. Na para bang nag jojoke ang Dad nito pero mukhang hindi naman, Seryosong nakatingin sa akin ang Daddy niya kaya napayuko ako.















"RJ! Dali dito ka muna, pakisamahan naman sila Mommy at Daddy sa kabilang bahay muna.. Hindi pa kasi tapos yung pa-general cleaning namin dito sa loob!" pag-arte ni Rita kaya pasimple kong siniko si RJ para sundin si Rita na dalhin muna ang Mommy at Daddy nito sa bahay nila Lola sa kabila. Alam kong gets na ni RJ ang nangyayari kaya sumunod ito habang buhat-buhat si Oslo... at laking pasalamat ko ng sumunod din naman ang Mommy at Daddy ni Rita papunta sa kabila..






















Naiwan akong mag-isa kaya pumasok ako sa bahay. Inilapag ko ang bag sa sofa..Nag-iisip ako ng pwedeng gawin. Sinilip  ko ang crib ni Oslo sa kwarto ni Rita, ang mga gamit nito..



















Lagot na. Paano ito? May alam kaya sila about kay Oslo? Siguro naman nasabi na ni Rita iyon sa mga magulang niya diba? Napalingin ako sa pinto ng nagmadaling pumasok si Rita sa bahay at sinarado ito..





















"Ken! Anong gagawin ko?? Hindi ko alam na dadating sila!! Hindi ko talaga alam!!!"





















"Bakit? Wala ba silang alam tungkol kay Oslo?"











"Wala! Wala akong sinabi sa kanila na may alaga akong baby! Mas lalong hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa sitwasyon natin tungkol sa bahay! Ken, hindi nila alam na may problema ako regarding sa bahay na ito! Na meron akong kasama dito!!! Ang alam nila ay akin to. Na akin lang to!!" namomroblemang sabi ni Rita..

















My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now