MPD : Laway

346 30 6
                                    

Ken's POV




Nagising ako dahil sa lakas ng tugtog sa sala. Para bang may party doon at wala itong pakialam sa mga natutulog. Tumayo ako at lumabas para pumunta sa sala. Nadatnan kong mahimbing na natutulog si Rita sa sofa. Mabilis kong pinatay ang tugtog at dahan dahang lumapit kay Rita. Kunot-noo kong sinilip ang nakabukas na laptop nito.. She's working until this time? Hindi naman siya mababayaran as Overtime sa ginagawa niya ah? Pwede naman niyang gawin ito during working hours. Tsss. Lumuhod ako para silipin ang mukha nito. Gumalaw si Rita at medyo inayos niya yung maliit na unan na yakap yakap niya.. Tumayo ako at pumasok sa kwarto niya para dalhan siya ng kumot.. Pagkabalik ko ay huminto ako sa paglalakad at tiningnan ang hawak kong kumot.. Ano bang ginagawa ko. Bakit ko siya dadalhan ng kumot? Tsss.. Hinagis ko ang kumot kay Rita at nagpasya na akong bumalik ng kwarto. Pero pagtalikod ko palang ay nakokonsensya na ako at muli kong binalikan si Rita at dahan-dahan kong kinuha ang kumot at kinumutan ko siya. Habang inaayos ko ang pagkakakumot ko sa kanya ay naalimpungatan yata si Rita at humawak ito sa kamay ko at kinabig ako papunta sa kanya.. Mabuti na lang at napahawak ako sa sandalan ng sofa at parang kuting tong isang to na pinisil-pisil ang kamay ko.. Nainis ako ng maramdaman kong may malamig na napahid sa kamay ko.. hinalik-halikan na pala nito ang kamay ko. Mabilis kong binawi ang kamay ko at iritang nakatingin sa iniwan nitong laway sa balat ko. Anong tingin niya sa kamay ko? Stuffed toy? Bata ba itong housemate ko? Tsss.. Napailing na lang akong tinapunan ito ng tingin..


































Rita's POV

"Ouch!!!" nagising ako dahil sa sakit ng pagkakahulog ko mula sa pagkakahiga ko sa sofa. Sinilip ko ang bintana at tirik na tirik na pala ang araw. Nagmadali akong tumayo at sinipat ang orasan..








What the hell!!! 8am na!!! Kakagising ko lang!!! Syeeeeeet... Kinuha ko ang laptop ko at nagmadaling naglakad papasok sa room ko ng biglang bumukas ang kwarto ni Ken. Nakabihis na ito at parang ready ng pumasok..












"Late." rinig kong sabi nito pero inirapan ko lang siya at dinaanan. Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita ulit siya..














"Bakit mo iniwang nakatodo yung volume ng speaker mo kagabi? Ang lakas lakas ng tugtog. Paano kung ireklamo ka na naman ng kapitbahay ?"










"Ginawa ko lang yun para hindi makatulog! Malay ko bang makakatulog talaga ako! Tsaka pakialam mo ba hah? Tsaka bakit ba hindi mo manlang ako ginising hah? Kita mo yan? 30 minutes na lang at late na ako!" reklamo ko dito.









"Oh? Bakit parang kasalanan ko pa kung bakit ka ma-lelate hah?"









"Syempre! Ikaw tong naunang nagising, hindi mo pa ako dinamay na gisingin! Hmmp, wala ka talagang kwentang housemate!"








"Hindi mo napaliwanag ng maayos kagabi kung bakit ka ba nagkalat kahapon.." medyo inis na sabi nito.













"Wala. Wala. Expired na yung nangyari kagabi. Mag move on kana .." sagot ko dito at lihim akong natatawa dahil halatang iritang-irita ito.













"May atraso ka sa akin Miss.."












"At ano naman iyon aber???"











"Hinalikan mo——-"













"OMG! Hinalikan kita???" sigaw na tanong ko dito.











My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now