MPD : Onions

415 32 1
                                    

Ken's POV




AYOKO sa lahat ay yung taong nag-iinvade ng privacy ko. Masyadong matapang tong babaeng ito para pumasok sa kwarto ko. At parang takot na tigre naman ng makita ang alaga ko. Masyado naman niyang nilalapit yung sarili niya sa nakagatong na apoy.








Kakatapos ko lang maligo at nagmadali na akong nagbihis dahil luto na daw ang dinner. Anong klaseng beef steak naman kaya ang niluto niya.






Wearing my black t-shirt and gray jogger pants ay tumungo na ako sa dining table..















Pagdating ko doon ay halatang inip itong naghihintay sa akin. Walang gana akong umupo sa harap nito..












"Sigurado ka bang makakain yang beef steak na niluto mo?" bungad na tanong ko dito.







"Oo naman! Chaaaraaaaaan.." nagsalubong ang kilay ko ng makita ko ang luto nito. Beef steak nga... Pero yung sinabi kong more onions ay kabaliktaran sa ginawa nito.










"Isang pirasong onion???" inis na tanong ko dito..










"Ay bakit? Ano bang sabi mo?"











"I said more onions right?"








"Oh! Oo nga pala! Ito naman! Hindi pa ako tapos! More onions ba kamo? Chaaaaaraaaaan..." mas lalo akong nainis sa pinakita nito.. literal na sibuyas.. yung hilaw pa. malalaking red onions na nakalagay sa isang bowl..








"Anong gagawin ko diyan hah? Ako pang pagbabalatin mo niyan? Sinasama yan sa pagluto Miss!"









"Ow? Ang sabi mo lang naman ay more onions! Oh , ito na! More onions! Wala naman sa usapan na lutong onions diba?! Onions naman to.." pang-iinis nito.. Sinasagad niya talaga ang pasensya ko..









Pasalamat siya at gutom ako. Wala akong oras patulan ang sinasabi niya. Kumuha na ako ng kanin at ulam tsaka nagsimulang kumain...




















Rita's POV


LIHIM akong napapangiti habang nakatingin dito. Nakailang sandok na kasi siyang kanin. Halata mong gutom na siya. Talagang inantay pa niya akong makauwi para makakain? Kung tutuusin ay pwede naman siyang magpadeliver ng pagkain kung nagugutom na ito.. Gusto lang yata talaga niyang mabwisit dahil sa akin eh. Aba, G na G din talaga no? Tingnan natin kung makakatagal ka na kasama ako.








"Nabusog ka na ba?" tanong nito sa akin kaya nabalik ako sa wisyo..









"Hah?"






"Kanina mo pa ako tinititigan.. Nabusog na ba kita? Well, mas masarap parin ako kaysa sa niluto mo.." seryosong sabi nito kaya napasandal ako sa upuan at madiin kong hinawakan ang tinidor tsaka ko kinalabog ang lamesa.. Pero kamay ko lang din ang nasaktan dahil gawa sa matigas at mamahaling kahoy ang dining table ko.. Karma. Gabi na!!!








"Ah talaga ba? Kaya pala nakadalawang plato ka na diyan! Aminin mo na kasi, nasasarapan ka sa akin—- I mean sa niluto ko.." pinagpawisan ako bigla sa nabanggit ko. Kinabahan ako ng unti-unti itong nag-angat ng mukha at ngayon ay nakatingin na naman sa akin..



Napansin kong unti-unti itong umiling. Teka! Bakit ako naiinsulto sa iling na iyon???



Sa bwisit ko ay mabilis kong tinapos ang kinakain ko at niligpit ko na ang mga plato sabay tambak nito sa sink.. Magkasunod lang kaming natapos at naabutan pa niya akong inaayos ang mga plato sa sink dito sa loob ng kusina.. Pagkalagay niya ng mga pinagkainan niya ay tumalikod na ito pero hinaltak ko ang t-shirt nito sakto lang para mapahinto siya sa paglalakad..








My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon