MPD : Ayos

369 36 4
                                    


Rita's POV







Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng bahay at tama nga ako, nakauwi na si Ken sa bahay..












Seryoso itong nakaupo sa sofa at nanonood ng Tv. Hindi ko alam kung ano ang dapat na unang lumabas sa bibig ko habang papalapit sa kanya. Hindi ko kasi sure kung galit ba ito or hindi. Pero alam kong alam niyang andidito na ako. Dahan-dahan akong lumapit dito..












"Nag dinner kana?" tanong nito. Hindi naman mukhang galit or cold yung boses nito . Parang normal niya lang.. Napangiti ako at tumabi sa kanya sa sofa..











"Actually hindi pa, kanina ka pa?" tanong ko dito.







"Sabay na tayong kumain. Nag take out na ako kanina para sa dinner natin." napansin ko ang bago nitong phone na nakalapag sa center table.








"Nakabili ka na ng bago mong phone?"








"Oo. Kailangan eh."












"Pwedeng installment na lang yung pagbabayad ko sa phone mo? Wala kasi akong——"









"Hindi ko naman pinapabayaran sayo yung phone."










"Pero kasalanan ko—-"










"Accident yun." napabuntong hininga ako at seryosong nakatingin parin sa kanya.
















"Kamusta ka? Kamusta ang araw mo?" tanong ko dito out of nowhere. Ngayon , siya naman ang huminga ng malalim bago nagsalita..













"There is one girl sa company, hindi siya madalas na makinig sa akin.. She constantly lied to me. At naging dahilan pa para pagtakpan ang kasinungalingan ng iba.." nanlaki ang mata ko ng maisip kong ako pala yung tinutukoy nito.. Hindi naman ito mukhang galit kaya pinakinggan ko muna ito.








"She is smart, loud, well, maganda din siya, charming.. Wala yatang tao ang hindi niya kaibigan sa kumpanya.." napangiti ako sa sinabi nito..









"Pero she lied to me. At pakiramdam ko, may tinatago pa ito sa akin.." napayuko ako at aminado akong guilty sa pagkakataong ito..













"Lying is a bad habit. She didn't trust me? Right?"











"Pero nasubukan mo na ba siyang tanungin kung bakit siya naglihim sayo?" sagot na tanong ko dito..











"Pero siguro kahit itanong ko iyon sa kanya, may mga nakahanda na siyang excuses.. I don't accept excuses. Lalo na't from the very beginning, sinadya na niyang magsinungaling at maglihim." ngayon ay nakakaramdam na ako ng takot dahil unti-unti ng nagbabago yung mood nito.. Nararamdaman ko ng galit ito.










"Wala siyang excuses Ken! Reasons! She has a lot of Reasons kung bakit niya nagawa iyon.. Naipit din siya sa sitwasyon. Mahirap din para sa kanya ang magtago ng katotohanan.." ngayon ay naiiyak na ako kasi hindi ko na alam kung papaano magpaliwanag sa kanya..








"Excuses, Reasons. Pero kahit sabihin niya iyong lahat sa harap ko, wala ng mababago.. Nangyari na ."









"Sobrang sama ko na ba talaga?" malungkot na tanong ko dito. Tumayo ito pero nakapameywang lang sa harap ko na para bang pinapagalitan ako ng Tito ko. Charr
















My Perfect DisasterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon