MPD : Other side

378 38 19
                                    



Oliver's POV





Dahan-dahan kong binuksan ang room 552 dito sa hospital. Naabutan kong naggagantsilyo si Monica habang nakaupo sa hospital bed. Lumingon ito ng mapansin niyang sumilip ako kaya mabilis siyang tumigil sa ginagawa niya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuang katabi ng kama niya. Bahagya niyang inayos ang kulay asul na turban sa ulo niya..












"Mamaya na ang last chemotherapy mo.." panimula ko dito. Alam kong pinipilit lang nitong ngumiti. Tumango ito.










"Nabisita ka? Chinicheck mo na naman siguro kung namatay na ako?" pabirong sabi nito pero para sa akin ay hindi iyon biro. Ayoko ng ganyang klase ng biro. Ayoko.











"Monica, tumigil ka sa mga biro na gan——"








"Oliver, kung hindi siguro nawala ang anak natin, wala ako dito sa hospital. Nasa bahay ako at inaalagan ko siya.." napayuko ako at automatic na may bumagsak na luha sa mga mata ko. Sa tuwing naiisip ko si Jude at ang pagkawala nito ay sobrang nasasaktan ako. Ang hirap. Napakahirap.









"Wala paring balita ang mga pulis—-"












"Umamin ka nga sa akin Oliver, talaga bang pinapahanap mo siya sa mga pulis o hinayaan mo na lang? Tutal diba kapag wala ka ng anak, magiging malaya at masaya na kayo ng babae mo."







"Monica, hindi ako gago para pabayaan ang anak ko. Ginagawa ko ang lahat mahanap lang siya!"









"Ginagawa ang lahat? Eh bakit hanggang ngayon ay wala ka paring balita???"











"Nahihirapan akong makahanap ng connections sa mga pulis dahil baka malaman ni Dad—-"









"Daddy mo. Daddy mo na naman. Oo nga pala, kami nga pala yung mag ina mong tinatago sa pamilya mo, sa Daddy mo. Oo nga pala. Yung ikinahihiya mo. Syempre sino ba naman ako para ipagmalaki, isang simpleng singer ng bar.. Ano bang maipagmamalaki ko diba?" galit na sabi nito..








"Alam mo namang hindi ka matatanggap ng Daddy ko."









"Alam ko. Sa simula palang, pinapamukha mo na sa akin yan. Pero Oliver, akala ko mababago ko pa yung sinasabi mo eh. Na baka kaya mo na akong ipakilala sa Daddy mo kasi ang tagal na ng relasyon natin. May anak pa nga tayo. Pero hindi. Hanggang ngayon ay ikinakahiya mo parin kami. Ako, minahal kita. Binigay ko ang lahat lahat sayo pero wala parin. Ganun parin. Naging masyado akong mabait sayo at kahit ang pambabae mo ay pinapayagan ko. Kahit ang sakit-sakit na. " umiiyak na naman ito..





"Tumigil kana! Tumigil ka na sabi!!" inis na sigaw ko dito ng mapansin kong ayaw parin nitong tumigil sa pag-iyak.






"Hindi naman mangayayari ang lahat ng ito kung naging mabuting ama ka lang kay Jude eh! Pero ano? Inuuna mo yung pambabae mo sa Rebecca na yun!!!" galit na sigaw nito.









"Wag mo na ulit babanggitin ang pangalan niya!!" inis na sigaw ko dito.









"Bakit?? Nasasampal ka na ba ng karma??? Pinaikot ka lang ni Rebecca!!! Pinerahan ka lang! Akala mo kung sino kang matalino." akmang sasapakin ko siya ng matigil ako ng hindi ito umiwas. Galit lang itong nakatingin sa akin.








My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now