MPD : Pot

389 35 4
                                    

Rita's POV


Nakaramdam ako ng init at pinagpawisan na yata ako.. Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa akin tsaka ko kinapa ang isang unan sa gilid ko para yakapin.. Pero sa bawat pagkapa ko sa kama ay wala akong makuhang unan sa paligid ko na ipinagtataka ko. Napadilat ako ng maalala kong wala nga pala ako sa kwarto ko.










Shit! Nakatulog ako sa kama ni Ken.








Pagtayo ko ay nadatnan kong nakaidlip si Ken sa sofa. May hawak pa itong libro.







Nakakahiya naman, hindi ito nakatulog sa kama niya dahil nandidito ako. Hmp. Mabilis kong inayos ang  kama nito at tinupi ko ang kumot—-








"Teka? Hindi naman ako nagkumot kanina ah?" nagtatakang bulong ko sa sarili. Napatingin ako sa natutulog na si Ken. So kinumutan niya ako?














Nang maayos ko na muli ang kama nito ay nagmadali na akong kunin ang Vacuum cleaner at yung mga pinalitan kong kurtina at bedsheet..


















"Hey. Stop!" nagulat ako ng marinig kong nagsalita si Ken. Nagising na pala ito at umayos siya ng upo sa sofa.











"Anong stop? Ano to? Stop dance!!"









"Mag-uusap tayo.."











"Busy ako—-" bigla itong tumayo at inunahan niya ako sa pinto. Ni-lock niya ito para hindi ako makalabas.








"Buksan mo yan! Kundi sisirain ko yang lock mo!"







"Bakit mo binasag ang pot kanina hah?"








"At bakit hindi???"










"Sinabihan kita kanina diba? Na mag behave ka! Pero ano yun? Bakit may pagbasag ng pot? Mabuti na lang at hindi ka nakita ni Rebecca.."












"Narinig mo naman siguro yung sinabi niya tungkol sa akin diba? Sinong hindi magagalit dun hah??? As if naman na gusto ko ding gawin yung project niya? No way!"






"You have no choice! Ikaw ang i-aassign ko sa project ni Rebecca.."






"Ken naman! Magkakagulo lang yung project kapag ako ang nilagay mo doon. Ni hindi ko nga alam na nakapag bitaw ka na ng salita sa kanya na ako ang i-aassign mo! Ngayon ko lang nalaman!"







"Hindi ko alam na ugali mo palang makinig sa pag-uusap ng iba. Sa narinig mo, by monday ko pa dapat sasabihin sayo diba? Kahapon ko lang naman iyon nasabi sa kanya..Hindi ko alam na may reklamo pala siya sayo.."











"Kita mo! Wala pa akong ginagawa at tinatrabaho sa kanya, may reklamo na agad siya sa akin! Hinuhusgahan niya agad ako ! Wala siyang tiwala eh! Narinig ko! Mas lalo namang wala akong tiwala sa kanya!"











"As I said, wala kang choice. You need to accept that projet. Mahalagang kliyente si Rebecca—"









"Gaano ba kahalaga? Hmm.. Mahalaga para sa kumpanya or mahalaga para sayo? Ano ba? Pumunta ba yan dito bilang kliyente o bilang babae mo? Mabilis ang kamay eh! Kitang-kita ko kung paano dumapo yung malilikot na kamay niya sa kamay mo!!—"










My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now