MPD : Coffee

465 38 3
                                    

Rita's POV








Tahimik akong nakaupo sa hapagkainan habang inoobserbahan ang papalabas na si Ken sa kwarto nito... Bagong gising pa ito at magmula yata sa kama niya ay dito na ang punta niya. Topless ito at nakaboxer shorts lang.. Magulo pa ang buhok.. Imahe ng lalaking kakatapos lang makipag sex at nakatulog.. Pag-lapit nito sa lamesa para gumawa ng kape ay sinipat ko ang bukas na pinto ng kwarto niya.. Chinicheck ko if andito pa ang babae niya pero mukhang wala naman na.. Bumalik ako sa pag-kain at hindi ko siya kinibo...












"Wala ng kape?" tanong nito sa akin at umiling ako bilang tugon..











"Wala na akong stocks.. Mag tubig ka na lang. Pareho lang namang panulak yun!" sabi ko dito at narinig ko ang pag "Tsk" niya.. Irita na naman to sa akin . Haha..














"Ken!!!!" sigaw ko dito ng bigla niyang kunin ang kape na iniinom ko at naglakad na ito pabalik ng kwarto niya...










"Thanks for this!" sabi nito kaya tumili ako..











"Aaaahhhhhh!!! Kape ko yan!!!!"











"Sa akin na ngayon. Paano ba yan?" pang-iinis nito kaya mabilis kong binato sa kanya ang librong binabasa ko at natamaan ito sa likod niya.. Irita itong lumingon sa akin at ang walanya ay kinindatan pa ako!!!













"PANIRA KA NG UMAGAAAAA!!" sigaw ko dito pero pinagbagsakan niya lang ako ng pinto.. Ginulo ko ang basa ko pang buhok tsaka tumayo at pinulot ang ibinato kong libro.. 7am pa lang naman at may isang oras pa ako para maghanda para pumasok..
























Napangiti ako habang nakatingin sa harap ng salamin pagkalagay ko ng lipstick sa lips ko.. Ready na akong pumasok kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.. Kinuha ko ang bagpack ko at ipinasok ko doon ang laptop.. Inayos ko ang suot kong jeans at nag tiptoe ako sa harap ng lifesize mirror ko dito sa kwarto tsaka sinipat ang suot kong heels..










Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko na naman ang lalaking panira ng araw ko.. Nakasuot na din ito ng pang office attire niya.. Kahit isang buwan ko na itong housemate ay hindi ko pa alam kung anong trabaho ba ang meron ito.. Siguro ay fake lang yang outfit niya dahil kapag nakikita ko siyang naka formal attire ay iisipin kong kagalang galang itong tao pero mali. Hindi siya kagalang-galang.. Hindi yata bagay sa kanya ang salitang iyon..











Lumapit ako sa kanya habang inaayos niya ang kwelyo niya sa harap ng salamin.. Inilahad ko ang kamay ko na para bang may hinihingi ako sa kanya.. Natigil ito sa pag-aayos ng kwelyo niya at saglit na tiningnan ang kamay ko.. Nagulat ako ng may dinukot ito sa bulsa niya at inilagay sa kamay ko..














Piso??














"Anong gagawin ko dito sa piso mo hah??" inis na tanong ko.










"Ay, akala ko namamalimos ka.. Ayan lang kasi ang cash ko eh.." sabi nito at pinagpatuloy na nito ang pananalamin..









"Anong mabibili ko sa piso hah?? Hoy! Tulad ng sinabi ko kanina, paubos na ang stocks ko ng groceries dito sa bahay. Pang dalawang buwan ko sana iyon pero ng dumating ka dito ay naging isang buwan na lang!!! Manghihingi ako ng ambag mo sa bahay!!! Dalian mo..Nagmamadali ako.."










My Perfect DisasterWhere stories live. Discover now